Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

February 26, 2009

Nang Ma-martial Law ang Thesis ni Johan


Maraming dagta ng pulang likido
Laging natataranta ang puyat na mundo
Naghihinagpis wakasan
Ngunit kulang ang numero sa orasan
Ilang hakbang pa papunta sa hantungan
Madalas bumubulong ang porsigidong konsensya
Naaglalaro sa karneng nasa loob ng bungo
"Kaya mo yan" ang sabi nila
Subalit hindi masabi sa sarili ang pudpod na kataga
Tandaan ang kahihinatnan ng pagsuko
Balikan ang pinagmulan kung bakit ka nga ba nariyan
...Kaya mo yan Johan!

February 21, 2009

Bilbord: Laruan Ka Na Lang ng Mundo Ngayon

Hindi nangangalay mula sa itaas, hindi gumagalaw
Hindi giniginaw, katawan ay hubad, nakatapis ang mga manyak na langaw
Sa umaga at sa gabi ikaw ay pinagmamasadan, panlamang tiyan
Kalmado ka pa din kahit na sa harap mo ay may dalawang bading na magsabunutan
Umulan man o umaraw, magtrapik man o manghingi ng lagay ang trapik enforcers
Hindi nag-iiba ang expresyon ng iyong mukha
Ngunit sa bawat araw ay kumukupas ka
Nawawalan ng tingkad ang iyong puri at kaluluwa
Agaw pansin kasi palagi ang iyong kagandahan
Sa bawat kalalakihang napapadaan, namumuo ang mga laman
Ginagahasa ka sa guni-guni ng maraming kalalakihan
Sining ang magpakita ng lamang loob sa maraming tao
Pantasya ng mga drayber, pasahero, pari, batang paslit
at kahit lasingero sa gabi na mga walang trabaho
Palagi kitang nakakasalubong sa Pala-pala Dasma
Minsan nga naisip ko na hinihintay mo lang na pansinin ka
Isang gabi nang ako ay papauwi, mula ako noon sa Unibersidad ng Pala-pala
Nagulat ako sapagkat sa aking paglalakad, napansin ko ang isang anino sa gilid ng daan
Hawak niya ang kaniyang ari habang binubulong ang iyong ngalan..
“Angelica! Angelica! Angelica! Aha! Ha! Haaaa!”
Hindi ko sinasadyang masaksihan ang kaniyang pagpapaligaya sa sarili
Pero tumatak sa aking isipan na ikaw ay isa nang diyos-diyosan
Ikaw ang pansamantalang kaligayan sa mundo ng kahirapan
Pantasya ka ng mga kalalakihang walang pambili ng porn dvd sa bangketa sa Trece o Dasma Palengke, o walang pangrenta ng pokpok sa mga beerhouse sa Gen Tri
Sa imahinasyon ikaw ang bida, sulit na sulit ang bawat eksena
Kung ihahambing sa Lotto, ikaw din ay pinipilahan
Ang pinagkaiba lamang, ang lahat ng nakapila ay nasisiyahan
Kapag umaga ikaw ay may muta
Mga talsik ng iba’t ibang dagta
At ang luha mo ay palamuti ng iyong kagandahan
At ang hubad mong katawan ay armas ng kasalanan
Magdamag kang sinasamba ng mga lalaking ang relihiyon ay kakaiba
Nagdadasal sila gamit ang taimtim at makulay na pantasya
Noon akala ko ay krus lang ang dapat na nasa itaas at purihin
Ngayon ikaw ba ang bagong simbolo ng daigdig, ang isang artistang alipin
Pero hindi talaga ako natutuwa sa iyong mga ginagawa
Ang iyong titig na mapang-akit at gumagambala sa kainosentihan
Dahil sayo, tingin ng lipunan sa antas babae ay bumababa
Isa ka na lamang sa mga laruan ng mundo ngayon
Na natangalan ng respeto sa lipunang hindi natutong gumalang.

August 15, 2008

Kitil

Pinagpaguran mong kalayaan ay kanilang nilustay

Pinaghirapan mong ani ay kanilang inangkin

Walang habas na pinahihirapan ang mga maralita

Kaya patuloy na umiigting ang madugong digma.

Kinidnap nila si Urbana, pitong buwan siyang ikinulong

Maraming beses sinaktan, pinagkait ang kalayaan

Ginutom, pinipilit umamin sa hindi ginawang kasalanan

Tinutukan ng baril sa ulo, pinagsamantalahan

May bala sa kanyang puso, may utang kang dugo

Sa bawat bigwas, maraming naiwang bakas

Sa bawat buhay na kinitil naisip mo ba ang iyong anak?

Matatagpuan ang kahulugan ng buhay sa mga dugong dumanak

Sino ang tunay na kriminal? Nasaan ang hustisya?

Ikaw ba ang Diyos para kumitil ng buhay ng maralita?

May karapatang pantao pa nga ba? Minulto ka na ba nila?

Kung gayon, paanong sa gabi ba ay nakakatulog ka pa?

Patay na ang tatay mo, patay na ang kuya mo

Patay na ang nanay mo, patay na ang ate mo

Patay na ang bunso mong kapatid, patay na ang kaibigan mo

Patay na ang pastor mo, patay na ang guro mo

Subalit patuloy na naglalagablab ang pag-asa

Taong bayan ay lalaban, magpapatuloy ang digmaan

Maraming handang mahiga sa malamig na himlayan

Makamit lang ng taong bayan ang inaasam na totoong kalayaan.

August 14, 2008

Saysay

Minsan gusto ko nang mawalan ng saysay
Malagutan ng hininga, maging malamig na bangkay
Maging pataba ang laman, sa mundong matiwasay
Subalit itim na ang watawat, mantsado na at kupas ang kulay
Sana hindi na lang pilay ang batas para hindi lahat ng pinoy nakasaklay
Titigan mo ang langit, nakikita mo ba ang kanilang mga putol na kamay
Humihingi ng dalamhati, wala akong kasalanan, bakit nyo ako pinatay?
Pagkakaisang ikinakaway, kabayanihang iwinagayway
Sa pakikipagkaibigan ko sa kamalayan, natagpuan ko ang mga kaaway
May dugo sa ginto, may luha sa salapi, diyos lang ang karamay
Mga vandal sa dingding, hinaing sa salamin, karapatang lantay-lantay
Nasaan ang pag-ibig? Nasaan ang saysay? Ako pa ba ay may buhay?
May saysay ba na ipaglaban ang karapatan, mga dukha ay iakay?
Minsan kasi kaya naaapi, sila ay nagpapauto, sa byaheng impyerno sumasabay
Sarili nilang libingan na sila din ang naghuhukay
Mahirap tulungan ang tao kung sa pagbabago ay walang malay.
May dugo sa mainit na kape, puro hangin at amag ang tinapay
Lalo pang humihirap ang mga mahihirap, nagugulantay
Bakit may zyanide ang mga gulay at tumutulo sa ating laway
Bakit sa ilalim ng kama ni inang reyna ay may kalansay?

June 25, 2008

ambivalence

sometimes i hate you
sometimes i love you
but most of the time
i am ambivalent for you.

sometimes i'm happy
sometimes i'm sad
i chose the right emotions
but still i can't find out

at times i'm feeling high
there are moments i'm feeling low.
i tried to neutralize myself
until i developed manic-depression.

i wanted to see you
but i remember i don't like to.
torn in between,
i tried to fix myself together.

i love you
i hate you
but most of the time
i am ambivalent for you.

(pero flat affet habang sinusulat ang tula)

June 6, 2008

pangungulila

- vernice, tutula muna ako, may mai-post lang. 'di ko mahagilap 'yung artistic temperament, at wala rin akong ma-extract na creative juice sa isip kong trip mag- shut down. for now, eto muna..next time na lang 'yung may sense. :p



Sa dilim ng gabi’y pilit kong pinapagluha itong panulat.
Walang mababakas na liwanag
Mula sa palalong kaligayahan
O sa piraso ng pag-asang ‘di masumpungan.
Patuloy sa paglaganap ang dilim,
At ang mahihinang buto ko’y kagyat nitong tunawin.
Hindi ang init mula sa ningas ng apoy
Ang maaaring tumambal sa lamig na namuhay sa bawat kong ngiti,
O ang mabining halik ng hangin sa humpak kong pisngi.
Mananatiling payak ang pamamaalam ng buwan.
Siphayo, para sa bawat pagniniig ng kumot at unan.
Ipikit ang mapanglaw na mga mata,
Walang mabibistayang luha.
Walang awit, walang hininga.
Pangako, walang galit akong nadarama.

June 1, 2008

First of June!

Sabi ko magpopost ako ng something na related dapat sa kahapon, last day of May..
For some reason, hindi ako nagbukas ng PC kagabi.. kaya ito, first of June..

Na-astigan lang ako sa poem..for LOVE and PEACE!¤
----------------------------------------------------------

JUNE...JUNE...JUNE...JUNE

This is for June, and all the summers it brings
For the chiming of the church bells... that sing
In songs of matrimony o'er top hats and lace
Fore June passes torch, to July's scarlet face

And the trees in full jacket, leaves forest green
The last pink of magnolia, can still yet be seen
Theres a breeze in the air, that carries a scent
Sweet rose and honeysuckle, in efflorescence

Nights still cast a chill, but June has its motives
An evening gift for all those amorously devoted
To feel the magic of love whilst under the moon
Makes one thankful, there be the month of June

by Frank James Ryan, Jr

May 12, 2008

The Monster: Existentialism

Under a bed a monster came out...
Not for blood, massacre, not even for revenge...
But to rekindle the soul of a poet
He quickly locked the door and turned off the light...
Lit a candle, took a pen and paper from the dark, and
smiled blissfully..
When the sun rises, he is no longer there... only his poetry remains in the light to face the veridical world...
Art by: Lai

May 10, 2008

A Poem for Our Moms..

An Advanced Happy Mother's Day to all our moms!..
Gusto ko lng i-share tong poem na to na since nabasa ko way back elem pa ay naging residente na sa clear book ko.. sana po magustuhan niyo rin..
for Love and peace!¤

THE READING MOTHER
by Strickland Gillian

I had a mother who read to me,
Sagas of pirates who scoured the sea,
Cutlasses clenched in their yellow teeth,
Blackbirds stowed in the hold beneath..

I had a mother who read me lays,
Of ancient and gallant and golden days;
Stories of Marmion and Ivanhoe,
Which every boy has the right to know..

I had a mother who read me tales,
Of GĂȘlert the hound of the hills of Wales,
True to his trust till his tragic death,
Faithfulness blent with his final breath..

I had a mother who read me things,
That wholesome life to the boy heart brings,
Stories that stir with an upward touch,
Oh, that each mother of boys were such..

You may have tangible wealth untold;
Caskets of jewels and coffers of gold.
Richer than I you can never be -
I had a mother who read to me..


Happy Mothers Day to all our moms..

January 18, 2008

SLIFFER YATA YUN NG BATA

"SLIFFER YATA YUN BATA"

Sa aking byahe pauwi
Huminto ang jeepney sandali
Trapik yata pero sandali lamang
Gutom na pala ako at malapit na akong makauwi
Nakiusisa kung ano ang meron
Sabi ni Manong driver ay..
"Baka nasira na naman ang tulay kong mahal kaya trapik?!?"
Napangiti lamang ako
Umandar muli ang jeep
May mga pulis sa paligid
May mga tsismoso na nakikigulo
Ang iba ay perwisyo lamang kaya nagkatrapiko
May wasak na traysikel sa tabi
May isang piraso ng maliit na tsinelas
Sabi ni Manong driver ay..
"Sliffer yata yun ng bata yuck at tingnan mo may dugo pa kadiri!"
Napalingon naman ako ng di sadya
Nanghina sa aking nasulyapan
May dugo sa isang gilid ng kalsada
May piraso ng laman sa damuhan
Paa yata yun o kamay na aking namasdan
Maraming bubog sa sahig ng kalsada
May naghihingalo na siguro sa ospital
Bata nga ba yung may-ari nung tsinelas?
Napailing na lamang ako
Nawala ang gutom na kanina ko pa tinitiis
Bumaliktad yata ang sikmura ko
Napamulat muli ang aking mata
Nagsalita kasi ulit si Manong sabi nya ay...
"Eew! may tafyas ng laman yata yun sa kotsi ayun oh!"

December 18, 2007

Panaginip: TAONG LOBO

Isang gabi ay nanaginip ako. Isa iyong kakaibang panaginip. Inaral ko ang kahulugan pero hindi ko ito babanggitin dito. Hanapin nyo ang mga sagot sa inyong mga sarili. Malalim, malungkot at madilim na panaginip ang aking naranasan ng gabing iyon. Salamat na lamang at ako ay nagising. Agad kong sinulat ang panaginip ko. Hindi ko maikwento ng eksakto gaya ng aking nasaksihan. Mahirap kasi nababalutan ako ng takot noong ako ay nagising. Ang mga ito na lamang ang aking naalala...

TAONG LOBO

Natagpuan ko ang sarili ko
Nakatanaw sa anyong tubig na mata
Biglang nagbago ang anyo ng aking sarili
Ang aking mga laman ay naging gaya ng isang lobo
Nagwala ako. Ang tinig ko ay sumigaw.
Tapos ay biglang pumayapa. Natameme ang langit.
Pagtalikod ko ay naroon ang isang nayon.
Tumakbo ako ng sobrang tulin para makarating doon
Uhaw na uhaw ako sa dugo at hayok sa karne
Gutom ako. Nais ko ay hilaw at sariwang laman.
Nakarating ako sa nayon. Tumutulo ang aking laway.
Wala akong mahanap na buhay na laman
Ang naroon lamang ay bangkay ng isang babae
Isa siyang kilalang tao. May nunal sa pisngi bandang ilong
Nakita ko rin ang bangkay ng ibang tao
Hindi ko sila makain sapagkat naaagnas na
...ang kanilang mga laman. Puno ng uod ang mga utak.
Wala akong matagpuang puso sa kanilang mga dibdib.
Kilala ko silang lahat pero hindi ko matukoy ang mga ngalan.
Basta ang alam lang ng persepsyon ko ay mga cancer sila ng lipunan.
Nawala ang gutom na nararamdaman ko. Nandiri ako sa namalayan ko.
Sa halip ay nagsuka ako. Ang aking sinuka ay mga binhi.
Tumanaw ako sa langit. Nakita ko ay mga dugo.
Umiiyak ang kaluluwa ng mga nasa impyerno.
Diniligan ng luha kong mula sa matang natakot ang mga binhi.
Nagsilakihan sila at naging mga rosas na pula, asul, dilaw at puti.
Tila mga kulay ng watawat ng Pilipinas.
Dahan-dahang sumikat ang araw
Sa pagdampi ng araw ay naging abo ang mga bangkay.
Sa pagdampi sa aking laman ng sikat ng araw
ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Tumakbo ako ng mabilis...at sobrang bilis pa.
Hinanap ko ang anyong tubig na natanaw ng mata ko kanina
Nahanap ko na. Dahan-dahan akong sumulyap
Pagtanaw ko sa anyong tubig ay dumilat ako.
Nagkamalay na ako.
Panaginip lamang pala.
Isang napakalalim na panaginip.
_wakas!


Isa lamang ito sa mga kakaibang panaginip ko. Alam kong mas kakaiba pa ang sa iyo. Marami pang ibang panaginip na may saysay at ang iba naman ay wala. Ikaw na din ang humusga kung may saysay o wala. Tara at matulog ulit. Madilim na madilim na gabi.. Magandang gabi sa malungkot na mundo...