Showing posts with label gem. Show all posts
Showing posts with label gem. Show all posts

April 23, 2008

P..I... to the END POWER!

Tuwing maaalala ko kung paano eto sinasabi ng prof ko sa PI 1OO, Phil. Institution 100, (kala nyo kung ano noh???) natatawa ako.. Sa bagay may point nga naman ang author na si Ambeth Ocampo kung bakit kung ano-ano na lang connotation ang naiisip ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa subject na eto. Marahil dahil na rin sa dami ng readings, pero ayos lang yun eh, ang tanong, madali lang ba intindihin lahat? Nosebleed sa mga terms na ginagamit, ang masama pa nito malalalim na mga English jargons pa ang ginagamit..well, kamusta naman un diba? Ilang beses mo pa talaga dapat basahin bago mo maintindihan ung pinupunto ng articles.

Habang binabasa ko kagabi yung assignment reading, lumipad na naman ang diwa ko sa ibang mundo. Sa mundong ayoko na sanang balikan eh, at gusto ko na talagang kalimutan panghabambuhay. Naisip ko, ganito din kaya kahirap intindihin ang pinagdadaanan ko sa mundong iyon? Kasi kung titingnan ko, wasak na wasak na eh..to the highest power! At wala na talaga akong babalikan pa. Marahil isa na talaga akong hangal kapag pinagpilitan ko pa ang sarili ko. Minsan naiisip ko, ako kaya ang may pagkukulang kung bakit naguho ang maganda sanang hinaharap. Ewan ko pero wala naman akong pagsisisi o guilt na nararamdaman, o baka dahil na rin sa pride kaya hindi ko nararamdaman yun.. Siguro nga musmos pa ang aking kaisipan nung mga panahon na iyon, kumbaga ako’y wala pang mangmang sa mundong kinatatayuan ko, o baka dahil na rin sa takot na mawala ako sa tama dahil mag-uumpisa palang ako sa kolehiyo nung mga panahong iyon.

Basta sa tingin ko magulo talaga, hndi ko magets yung logic ng mga pangyayari tulad ng article na binabasa ko kagabi. Pero umaasa pa rin naman ako na balang-araw magiging maayos na ulet yung mundong sinasabi ko, kahit sa tingin ko malabo na talaga. Wala na talaga akong babalikan, unless may mangyaring himala.

Sana sa mga susunod na araw maging madali ng intindihin ang mga reading assignments sa PI 100, at sana rin sa mga susunod na araw hindi ko na maisipan pang bumalik sa mundong nais ko ng kalimutan sa masaya pero mapagkunwari palang kahapon. Corny man sa tingin ng iba.. can’t help it talaga eh.. :c

December 21, 2007

..pers taym..

..hindi ko akalain na kayang pawiin ng isang gabi ang lahat..

..isang pagkakataon na hindi ko naisip na mapagbibigyan ako kahit saglit..

..tiLa nakawala ako sa hawla ng realidad nung gabing iyon..

..parang nsa ibang mundo ako, ibang dimensyon..

..at nung gabi ko lang naramdaman na kahit saglit ay nakalimot ako sa mga hinagpis na aking dinadala sa araw-araw..


..napakasaya..

..tila ndi 'ako' ang naroroon nung mga oras na un..


..napakatiwasay..

..tanggal lahat ng mga pinoproblema sa skwela..


..napakamapaglinlang..

..nagawa ng gabing iyon na makalimot sa totoong mundo.. kahit ang alam ko na paggising ko kinabukasan, haharap na naman ako sa isang mundong puno ng pagsubok..


..sana ang 'pers taym' na ito ay hindi maging 'last tym'

December 14, 2007

..sarap magsuicide!!!!!...

...waaah!!!!!!!!.. super pressured na
talga.. sarap na minsan magsuicide
eh..para makatakas na sa mga problemeng
eto!.. tapos marereincarnate ako
ulet...hehe.. [joke lang.. ^.^]

..pero promise, kung pede lang talga
hatiin ang katawan ko.. anong klaseng
buhay estudyante to!!!!!.. normal pa ba
ang aming sitwasyon sa ngayon...????....

..may pasyente na...

..may restaurant pa..

..may 3 exams sa isang araw (take note.. 7am to 7pm pa klase ko!)

..may function pang ioorganize..

...WHat kind of college life is this???..

..parang super advance naman ng hell week namin..!..waaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!


.. x_x ...