Ang Hirap Humanap ng Work  

Posted by sVERN Mercado

Sino ang Mga Dapat Multuhin Ngayong Undas?  

Posted by sVERN Mercado


All Saint's day at All Soul's Day na.

____________________________

Hindi ako naniniwala sa mga multo. Mas kinatatakutan ko ang ganti ng kalikasan o ang mga buhay na taong halang ang sikmura. Naniniwala din akong napakaboring ng mundo kung lahat ng bagay kaya nating ipaliwanag at patunayan. Kaya kung may multo man, irespeto na lang natin.

Sino nga ba ang mga dapat multuhin (kung may multo man talaga)?

1. Mga pasimuno sa extrajudicial killings sa Pilipinas. (hindi kasali si PGMA sa tinutukoy ko ha. Hindi talaga as in hindi promise!)
2. Mga tagagawa ng chismis sa showbiz (may napapala ba kasing mabuti ang mga tao sa pakikipagchismisan)
3. Mga Filipinong minamaliit ang Filipino music, films at ibang arts pati pagiging Filipino nila.
4. Radio operators na paulit-ulit na nagpapatugtog ng "Nobody nobody but you!" (clap! clap!)
5. Mga tamad mag-aral.
6. Mga adik sa facebook (joke lang, isa yata ako dun lol)
7. Mga hindi marunong gumalang sa patay. (respeto naman mga pre)
8. ______________ (ikaw maglagay ng pangwalo)

Happy Halloween!

Acceptance  

Posted by sVERN Mercado

Magpakalasing sa kape, magpakalunod sa alak, tumikim ng bawal na gamot, manggago ng gagong babae, makihalubilo sa totoo at kunwaring kaibigan, kumain ng sandamukal na tsokolate, lumaklak ng maraming balde ng energy drink, magpakulay ng buhok o bagong hairstyle, sumama sa rally o palihim na pagkilos at ipaglaban ang tunay na demokrasya at kalayaan, sumubok ng bagong sining, mahumaling sa indie films na malulupit at musikang bato, tumawa sa korning jokes, ipilit ang ngiti palagi, magpakalayo o kahit anong gawin at san ka man magpunta..kung ramdam mong malungkot ka, malungkot ka kaya tanggapin mo na lang.

Are you a Facebook addict?  

Posted by sVERN Mercado

(from yahoo news)

MANILA - Facebook users beware. Psychologists are now probing a new kind of addiction called Facebook Addiction Disorder (FAD).

Psychologist Dr. Michael Fenichel, who has published numerous writings on FAD online, describes it as a situation in which Facebook usage "overtakes" daily activities like waking up, getting dressed, using the telephone, or checking e-mail.

"The amazing thing is that, like cellphones, nobody seems to notice the vast amount of time and energy - at work, at home, and now while on the move - people are devoting to Facebook. It has become a given," Fenichel writes in an online post titled "Facebook Addiction Disorder- A New Challenge?" -> continue reading...

Personal Blah Blah's # 1  

Posted by sVERN Mercado

Mahirap ipaliwanag sa isang kaibigan na mag-iiba ka ng landas na tatahakin. Pag nakaharap mo sya mabablanko ang utak mo sa katagang dapat sambitin at pag di mo na siya kaharap, biglang magsisisi ka dahil dapat nagpaliwanag ka na nung nabigyan ka ng pagkakataon. Tila isang palad na binalabal sa mukha dahil sa pagkahiya. Nakakatamad magrason (kahit may personal na rason naman talaga kung bakit). Sana matutunan kong gamitin ang prangkang salitang "ayoko na." Yun nga lang pag tinanong na kung bakit ayaw na, mahirap sabihin ang makasariling katwiran. Medyo kahawig pa rin naman ng landas na tinatahak ng kaibigan ang landas na tatahakin ko. Magkaiba nga lang ng instrumentong gagamitin, dadaaanan at dadaluyan patungo sa nagbabagang umaga. Nawa ay pareho nating madama at makamtam ang liwanag sa apoy. Ingat sa pagkakapaso kaibigan. Nandito lang ako kung masusugatan ka. Nakataas ang kaliwa kong kamao habang dinudugtungan naten ang pinunit na kasunod na pahina at mga kabanata ng kasaysayan. Kudos sa iyo!