Showing posts with label Essay. Show all posts
Showing posts with label Essay. Show all posts

May 30, 2008

ANONIMO

This is my entry to the Blog Awards Challenge No. 3: The Hazards Of Honesty". CLICK HERE TO VOTE

Panimula: Sino ba si Anonimo?

“Ako’y dumarami sa bawa’t kisap ng mata. Singbilis ng ulan na bumabagsak sa tigang na lupa. Mas makulit pa ako sa paulit-ulit na panaginip. Mas maingay pa ako sa sermon ng iyong mga magulang tuwing ika’y umuuwi ng madaling araw. Mas pinaniniwalaan pa ako kaysa sa Diyos at siyensya. Mas kontrobersyal pa ako kaysa kina Kris Aquino at Piolo Pascual. Mas mabilis pa akong umuunlad kaysa sa Pilipinas. Mas sinusunod pa ako kaysa sa ating mga batas. Mas matapang pa ako kaysa sa mga aktibistang palihim na pinapapatay ng unano. Mas pansin pa ang aking vandal sa pader sa may kanto kaysa sa billboard na mahahalay sa EDSA. Mas malaki pa ang aking populasyon kaysa sa Japan. Mas pinakikinggan ng masa ang aking boses sa radyo kaysa sa boses ng tagapagbalita. Ako ang utot na maaamoy mo ako kahit saaan ka pumaroon. Isa ako sa mukha ng libo-libong istranghero na makakasalubong mo sa daan araw-araw. Isa ako sa mga naabutan mo ng bayad sa Jeepney. Maaaring ako din ang iyong nakatalik sa nakatagong motel sa Makati. Napapanood mo ako palagi sa televisyon. Mas memoryado mo pa ang liriko at tono ng aking mga kanta kaysa sa Lupang Hinirang. Mas alam mo pa ang aking talambuhay kaysa sa kay Gat Jose Rizal. Mas nararamdaman mo pa ang aking presensya kaysa sa Diyos o sa pag-ibig. Nakikita mo ako kahit na nakapikit ang iyong mata. Nakakasalamuha mo ako sa maraming eksena ng buhay mo. Ako ang klasmeyt mong pinakopya mo sa exam kanina. Ako ang nag-hack ng karakter mo sa Ragnarok. Ako ang dakila na ayaw naman magpahalata. Ako ang ama mong bumugbog sa iyo dahil inubusan mo ako ng ulam kagabi. Ako ang mister mong pumatol sa isang kolehiyala sapagkat ayaw mo ng makipagtalik sa akin minsan sa gabi. Ako ang pulubing namalimos sa’yo na hindi mo pinansin dahil wala kang puso. Ako ang nagsulat ng “Beowulf”, “Bibliya”, “Diaries of Court Ladies of Old Japan”, “Sir Gawain and the Green Knight”, “The Sorrows of Yamba”, “The Way of a Pilgrim”, “Xerex”, “Happy Birthday Song” at “Ang Pagbabalik ni Pokete Botete”. Ako ang pumatay kina George Lusk, Kurt Cobain at Pedro Pebo (ang aking kapitbahay na lasingero). Kilala ako ng lahat ng taong may kamalayan sa planetang earth. Ang aking kahulugan ay mas malalim pa sa ibang mga salita. Ako ang lumikha ng nakaraan, wawasak ng kasalukuyan, at gigiba ng hinaharap. Ako ay imortal at patuloy na dadami gaya ng basura, sakit at krimen. Sino ba ako? Ako si anonimo.”

-Anonimo, mula sa kapirasong papel na napulot ko sa ilalim ng aking kama, Pebrero 2004-


*Salawikain ni Anonimo
*Anonimong blogger (anonymous blogger) . Siya ang?
*Anonimong blogger (anonymous blogger) : Sumagi na ba sa isip mo na baka siya ang…
*Ang anonimong pagba-blog (anonymous blogging) ay…

MERON PA BANG KASUNOD? OO MERON PA!!
CLICK HERE TO READ MORE



Salawikain ni Anonimo:

“Minsan ang boses ng ‘di mo kilala ay mas matapang at nakakasugat pa kaysa sa boses ng iyong kakilala.”

“Magsulat ka ng isang matalinong kasabihan at mabubuhay habangbuhay ang iyong pangalan.”

“Ang lumikha, ang sumira, ang nagpasimula, ang magwawakas at ang pinakadakila ay si anonimo.”

“Hindi mahalaga kung di mo ako kilala, ang mahalaga ay alam mong nandito ako nabubuhay para sa mundo.”

Anonimong blogger (anonymous blogger) . Siya ang?

  • blogger na walang identity pero sikat
  • malayang mamamahayag
  • blogger na may mukha pero nakamaskara
  • ang nakakakilala sa iyo na hindi mo kakilala
  • walang pinagmulan pero nasa kung saan-saan
  • nagbubulalas ng mga kontroversyal at matatapang na opinyon pero ligtas
  • nagpapahayag ng katotohanan pero nililihim ang katauhan
  • wawasakin ang iyong reputasyon pero mahirap kasuhan ng libelo
  • nagkalat sa kalawakan ng internet pero walang iniiwang bakas
  • nagnanakaw ng mga likha pero mahirap sampahan ng plagiarism
  • isa mo pang katauhan
  • panaginip na lumalangoy sa utak mo

Anonimong blogger (anonymous blogger) : Sumagi na ba sa isip mo na baka siya ang…

  • klasmeyt mong Koreano na takot sa ipis
  • stalker mong nerd na bungi bungi
  • nanay ni Pekta na kinukupitan mo ng barya pag tulog
  • empleyado mong pinag-iinitan mo palagi dahil napakabobo nya
  • dati mong kasintahan na pinagpalit mo sa unanong emo kid
  • kabit mo na mukhang katulong na may putok
  • nawawala mong anak na naging prosti at nakatalik ng iyong mister
  • pinagtangkaan mong ipapatay na aktibista
  • ibinagsak mong estudyante dahil tila ba mas matalino pa sa’yo
  • minahal mong penpal no’ng grade 6 na may AIDS na ngayon

Ang anonimong pagba-blog (anonymous blogging) ay…

  • halimbawa ng ligtas at malayang pagpapahayag ng saloobin
  • paglikha ng lihim na katauhan upang maiwasan ang kapahamakan na maaaring kaharapin kapag gumamit ka ng tunay mong pangalan
  • minsan parang kasalanan na hihingan mo ng tawad pagkatapos gawin
  • mabuti dahil hindi ka susundan-sundan ng iyong mga fans
  • mabuti dahil mapagtatakpan mo ang iyong “inferiority complex,” kung mayroon man
  • mabuti dahil ‘di ka basta-basta maidedemanda ng iyong mga kaaway kahit na ipagkalat mong baog siya o kaya ay supot
  • mabuti basta alam mo ang “code of ethics”, lalong mabuti kung nagsasabi ka ng totoo, pinakamabuti kung para ito sa bayan
  • masama kapag pansariling kagustuhan lamang ang pinaiiral, mas masama kung galit ang pinagmulan, pinakamasama kung kasinungalingan ang nilalaman

*Ang mambabasang pinakakinatatakutan ko ay ang sarili ko. Kung ano man ang dahilan ay si anonimo lang ang nakakaalam*

Sources: Anonymous, B.C. - Present.


...BAKA MATALO AKO NI ANONIMO: LAGOT!




April 10, 2008

An Anecdote of a Woman

A Golden Lesson from an Old Woman

Today, I learned a golden lesson from an old woman.

I am a teacher, a mother and a friend. I am a teacher by profession, I am a mother by choice and I am a friend-counselor to those who seek help. Being occupied with these tasks as teaching, mothering and counseling, I have that bad habit of starting an interesting conversation to those I come across whether by chance or by choice.

I happen to have a neighbor who is an interesting chatter. We talk about almost anything – from the rising price of commodities to spiritual matters. I happen to meet her when I go to her small “Carenderia” – Kainan sa Tierra Royale. While my daughter and I were enjoying the sweet cooling effects of halo-halo (which we shared together-just one order for two of us – hating kapatid) my friend, the owner of the “Carinderia” asked how I was doing, my children and their schooling. Gladly, I replied with my mouth full of “halo-halo” that everything’s okay, that my eldest daughter had just graduated eight days ago and that I still have to struggle some more for the schooling of my four younger children – three are in college and one is still in high school. I admitted too that there are difficult times we have to pass through. She smiled and said, “Yes, it is not always time of plenty, just look at a vessel or a container, sometimes it has to be empty or lacking or scarce so that it can be filled up. When the container is always full, there is no need to fill it up. It does not make a change. It will remain stagnant.” “Yes, Nanay Mildred,” I replied, “Trials, too make us strong, humble and dependent on God. When we are in want, we simply can rely in God, right?”

With the food I ordered for lunch, and the refreshing taste of “halo-halo”, my daughter and I walked the streets of Tierra Grande with head up high. Today I learned a golden lesson from an old woman.