Showing posts with label Sandino Vibe. Show all posts
Showing posts with label Sandino Vibe. Show all posts

April 20, 2009

Cha-Cha endangers youths’ job—Kabataang Pinoy

Reposted from http://www.cbcpnews.com

QUEZON CITY, April 15, 2009—The newly organized Kabataang Pinoy party-list warns the government of more “job shortage” for young people, which constitutes 49.2 percent of the 34.258 million workforce of the country, if the proposed charter change (Cha-Cha) will push through.

Kabataang Pinoy spokesperson Alvin Peters said in a statement, Speaker [Prospoero] Nograles’ Cha-Cha resolution seeking to scrap the 40 percent limit on foreign ownership would only make the economy more vulnerable to foreign authority and to exploitation of our work force’s cheap labor. It clearly does nothing in addressing the much-needed boost to our local economy for it to be able to provide more decent and adequate jobs and job security for our fresh graduates and the labor force in general.

Yesterday, about 100 members of the Kabataang Pinoy had attended the House committee hearings donning graduation caps as a “silent and symbolic protest against how lawmakers are prioritizing (their) political interests over the more pressing need to tackle the unemployment issue.

In 2007, more than 11 million Filipinos were unemployed, or a total of 27.9 percent of the entire labor force. Half of this number consisted of youths aged 15 to 24 years.

“This figure is bound to balloon still, with the projected 200,000 threatened to lose their jobs within the first half of the year due to the global economic crisis coupled with the government’s failure to provide employment for this year’s 900,000 new graduates,” Peters said.

He added, the government relies solely on the projected 110,000 jobs available in the business processes outsourcing (BPO) industry, particularly call center and medical transcription jobs, but these are especially vulnerable to the crisis because they are foreign-controlled and their mother companies are situated in recession-ridden First World countries.

Kabataang Pinoy said, they will strongly appeal to the House Speaker and lawmakers to halt Cha-Cha and prioritize instead, policies in job creation, national industrialization and scrap neoliberal policies on trade and industry, which pave way to monopoly and death of local small industries. (Noel Sales Barcelona).

Mabuhay ang mga Kabataan!

Mabuhay ang Kabataan Pinoy!

April 2, 2009

COME OUT!!

Akda ni Joeffrey Landicho
Biblico Theological Reflection
John 11:38-43

Panahon ng Mahal na Araw
Panimula
Ano kaya sa inyong palagay ang mangyayari kung ikandado na lang natin ang ating mga simbahan at hindi na buksan?
May mga nagsabi na “it would make no difference! Dahil halos wala naman daw ginagawa ang simbahan."
Ang Philosopher na si Zoren Kieregaard sa kanyang panahon, medyo malungkot dahil parang nakalimutan na ng simbahan ang kanyang tunay na misyon. At dahil sa kanyang frustration sumulat siya ng isang parabola he wrote a little parable which tells of a flock of geese who lived together in a handsome and secure barnyard. Sabi ng parabola ay may isang patong umaakyat doon sa isang mataas na pader ng barnyard at sasabihin niya sa kanyang mga kasamahang pato ang tungkol sa napakagandang tanawin sa labas ng bakuran. Naramdaman ng isang pato na para yatang ang kanilang buhay ay hindi lamang para doon sa loob ng isang kulungan lamang. Meron pa palang malaking mundo sa labas ng kanilang bakuran. As the small duck spoke his hearers frequently nodded their heads in agreement, once in a while they even flapped their wings a bit. But they never flew, the barnyard was too safe and the corn was too good …ano pa ang hahanapin nila.

Universal Truth
My friends too often in our history the church have resembled that comfortable barnyard. May lumabas sa komentaryo sa ating church history na kung maaga sanang kumilos ang simbahan RC at Protestant sa panahon ni Hitler hindi sana magaganap ang malagim na holocaust.
Hanggang ngayon ang daming bagay at polisiya na unti-unting pumapatay sa mga tao, hindi lang pumapatay ng tao kundi pumapatay ng ating kultura, pumapatay ng ating dignidad, soberenya at pumapatay ng ating mga karapatan.
Ang simbahan ay nanatili sa kanyang komportableng bakuran kung susuriin nating mabuti ang kristianismo na ating niyakap ngayon ay kristianismong pinalago ng unang disipulo ni Hesus. Kaya nga ayon sa kasaysayan ng ating simbahan isa sa mga tanda ng simbahan ay ang kanyang pagiging apostolicity, in contrast to these barnyard Christians of today stand Jesus’ disciples.
Jesus said to them “you shall be my witness in Jerusalem and all Judea, Samaria and to the end of the world, the disciples moved far beyond their local barnyard. Their experience of the resurrection sent them forth to an unceasing ministry of mission and service that shaped the early church. (Acts 1:8)
Seryoso ang mga disipulo ni Hesus sa nakasulat sa Matthew 25 “just as you did it to one of the least of these who are members of my family, you did it to me” and so we read in Acts of Apostles “there was not a needy person among them” their example forces our church today to measure herself against our ancient heritage, with the example and track record of the disciples we definitely fall short.
If the Apostles were here today and they would rate us. Ano kaya ang sasabihin nila sa akin, sa inyo at sa ating simbahan? Pag isipan daw natin yan. We, including me have been selective on the missions that we are to get involve with…..only those missions that would require a minimal sacrifice….in our part….
Subalit may mga tao namang lumalabas galing sa kanyang comfortable barnyard naalala ninyo ba ang ating Intro to Christian Education? Si Robert Rakes ay humayo galing sa kanyang comportableng simbahan at gumawa ng literacy program para sa mga batang di nakapag aral…..kaya nabuo ang ating Sunday School ngayon..
Si Dietrich Bonheoffer ay humayo at tumungo din galing sa kanyang comfortable barnyard, ayon sa libro sa Church History umalis siya sa New York at umuwi sa Germany upang labanan si Hitler.
Sa ating panahon ngayon nariyan ang mga taong tapat sa orihinal na layunin ng isang disipulo ni Hesus… Pastors, Priest, Nuns and some lay people…ang iba ay nag uumpisa nang humayo at ang iba ay nagsasanay narin sa kanyang paglipad. Subalit kung titingnan natin ang buong Simbahang Kristianismo….iilan lamang ang bilang ng mga taong ito..nasaan pala ang iba?
Still I think it is fair to say that the contemporary church comes up short…when it is measured against its heritage. Indeed, the churches which are growing very fast of these days…are those churches which addressed their congregation’s for personal needs…but do not speak to the world larger concerns. Many people who are joining churches these days are like geese or chickens looking for good corn and a safe barnyard and that is all…they are looking for they are not interested in participating with Jesus Christ in His wholistic ministry…
Ngayon ano ang ating gagawin bilang mga manggagawa bilang isang kaanib ng simbahan,…buksan natin ang pintuan ng ating mga tarangkahan, ng ating bakuran at silipin ang lawak ng ating kapaligiran and let us listen to the shout of our master Jesus had only shout to lazarus “come out”…and he did.
Si Lazarus ay bumangon at lumabas galing sa madilim na libingan. May brothers and sisters…if we will…but listen to our Master’s voice we will come out too. The same with our churches UCCP, Methodist, Roman Catholic we will fly out of our barnyards and into the world where we belong…
Ang sabi ni San Juan sa ating teksto ngayon…mahal ni Hesus si Lazarus at ganyan na rin ang pagmamahal ni Hesus sa kanyang Iglesya ngayon. Katulad ng kanyang pagmamahal sa kanyang kaibigan na si Lazarus tinawag rin nila tayo katulad ng kanyang pagkatawag kay Lazaru….our Lord standing among the oppressed and the needy of our surrounding and he call to us; come to me come out of your barnyard of indifference…lift your wings and fly….fly to the hurting edge of the world there to serve…as I have serve you…
You don’t have to be a “Nat Sit” expert. Just look around us …and we will see people and situations…in need of concrete manifestation of the gospel but you know we can hear around us today in some churches campaign to evangelized and recruit new members, banners with flashy logos that could really ignite a curiosity and “gimiks” in fellowship to lure in young people.
But my friends…..really it is service…which will revitalize the church…please don’t get me wrong I’m not teaching about salvation through good works….this is not salvation through good works…but…this is Salvation….at work!….you know we are being told…even here in our seminary that we need to work…to bring in new members…there are even some graduating students…who’s Thesis is about the church growth…the thesis states that within four years their number will be….quadruple.
But my friends it is only…when the old members go out into the world that the church can be revitalized. It is only….when the old members go out into the world…that the church can be born again….so my friends God has given us wings and Christ has called us to use them we bring products of the reformation….still need continuous reformation. Although it is very sad to note …some of the people does not want to be reform anymore…but the truth…I myself, you and the whole church needs always to be reformed in the image of its Head…who poured out his life…in love and in service….whenever the church has listened to the voice of its Master…and received from him the key to life we become brave to dare great things.
Conclusion
I believe that God has such a blessing of power in store for his church today we will inherit the blessing as we respond to the call of Christ who standing….among the lost and wounded….we will forfeit the blessing….if we remain in our comfortable barnyard….if we remain in our tomb of indifference…..content merely to flap our wing a little bit…from time to time.. It is my prayer…that we and our churches may be graced with the ear of faith….with ear of Lazarus to hear its Master calling.
Mga kapatid ang ating Panginoong Hesus ay tumatawag sa atin gaya ng pagtawag sa kanyang mahal na kaibigan na si Lazaru.
As he did …once to his dear friend…. He shouting now to his beloved but entombed Church
Amen………………….

ANG MATAGUMPAY NA PAGPASOK NI JESUS

Akda ni Pastor Joeffrey Landicho
Mateo 21:1-10 Zacarias 9:9-10
Abril 05, 2009
Panimula:
Sa buong kasaysayan ng mga kilalang bansa, maraming mga bansa ang naitala sa kasaysayan, ang natalo at nasakop sa digmaan katulad ng Espanya, sinakop ito ng Morocco na pinamumunuan ng mga Morro na Muslim sa ngayon, at nasakop sila ng mahigit walong daang taon. Ang Pilipinas ay isa rin sa mga nasakop ng mga bansang imperyalista, sinakop siya ng mahigit tatlong daang taon, pinalitan ng Amerkano at Hapon. Ang kanilang pagpasok sa mga teretoryo at sa kanilang pangangalonya ay isang pagtatagumpay sa larangan ng pakikipagdigma at pananakop.
Ngayong umaga tingnan natin ang isang magandang kwento sa kasaysayan ng Bibliya “Ang matagumpay na pagpasok ng ating Panginoong Hesus sa lunsod ng Jerusalem”
Ngayon araw ang buong kakristianohan ay nagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Ang pagdiriwang na ito ay isang pag-alaala sa matagumpay na pagpasok ni Hesus at tinatawag na “The Joyful Entry or The Triumphal Entry of Jesus into the City of Jerusalem”
Sang-ayon sa mga mananaliksik ng Bibliya, ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem ay kanyang panawagan para sa isang bagong daan, isang pamamaraan ng pamumuhay, isang bagong ugnayan ng sangkatauhan. Ito ang dala niya para sa mga tao at gayun rin sa mga pinuno noong kanyang kapanahonan. Ito na rin pala ang kanyang huling panawagan, sapagkat ang sunod ay ang pagharap na niya sa kamatayan at paglalaan ng kanyang buhay, sa kamay ng mga kinikilalang mga relihiyuso at political authorities.
Kung babalikan nating ang kasaysayan ng ating Panginoon sa kanyang lipunan at panahon, ay tiyak na napakahirap mamuhay ng normal, dahil dahas at pananakot ang paraan ng mga namumuno, upang makamit ang kanilang nilalayon at minimithi. Ito ay dulot ng pagsakop sa kanila ng Imperyong Roma, at dahil dito iba’t ibang kilusang ang itinatag ng mga mamamayan sa layuning sila ay makalaya sa anyo at lebel ng ganitong sitwasyon o kalagayan, subalit ang paraan at pamantayan din ay nila ay pareho, dahas at pananakot naitatag ang panatikong makabayan at kilusang nagpapahayag ng armadong pakikibaka laban sa Imperyo ng Roma. Gayunpaman ipinahayag ni Hesus ang ibang paraan at porma tungo sa pagyakap sa kalayaan at kaligtasan.
Sa aklat ni Zacarias na nagsaad ng ganito “Zion magalak ka at magdiwang! Umawit ka ng malakas o Jerusalem! Pagkat ang hari mo ay dumarating na mapagwagi at mapagtagumpay, mapagpakumbaba siya at nakasakay sa biserong asno”.
Ang sulat ni Zacarias ay isang hula o propesiya noong panahon ni Darius na Emperador ng Persiya, na kung saan ang mga Isaelita ay na exile o naipatapon at nangalat sa buong imperyo ng Persiya. Isang hula rin ni Zacarias ang pagdating ng Mesiyas na siyang sugo ng Diyos para sa paghulagpos. Ang mesiyas na magdadala ng kalayaan, kapayapaan, at kasaganaan pabalik sa mamamayan ng Jerusalem, siya ay parang isang hari na papasok sa banal na siyudad, subalit hindi kagaya ng mga tradisyonal na praktis na ang mga hari ay nakasakay sa mga kabayong pangdigma na nagbibigay diin ng makapangyarihan bilang isang mandirigma.
Si Kristo ay isang bagong uri ng Hari, si haring Saul ay kilala sa lakas at kapangyarihang militar, si haring Solomon ay kilalang kilala sa kanyang kayamanan, katangyagan, karamihan ng kinakasama at katalinuhan. Subalit si Kristo ay kilala natin mapagpakumbaba, kailangan sakyan niya ang biserong asno, hindi ang mga kabayong pandigma, mga palaspas hindi sibat ang umalalay sa kanya, mga awit ng mga bata, hindi sigaw ng mga sundalo ang sumalubong sa kanya. Ang panawagan ni Kristo ay hindi dahas at pwersa, kundi kapakumbabaan, pagmamahal at magmamalasakit sa kanyang bayan.
Sa ating kapanahunan sa ngayon, kung ating titingnan mga kapatid! Ang lipunan ay napropromote ng apathetic system, o kawalan ng malasakit sa kapwa, at ito ay nangyari rin sa panahon ni Hesus, kung kaya’t binasag ito at binangga ni Hesus, maging tayo man mga kapatid labanan nating ang ganitong pwersa, ang kawalan ng malasakit at pagiging indibidwalismo.
Ang mga taong nakasaksi sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, ay may iba’t ibang pagkaunawa, ang palagay ng iba ay ipinahahayag ni Hesus na siya ay tagapagligtas, ang mamumuno para sa paglaya ng Israel mula sa Imperyong Romano. Para naman sa iba, ipinahahayag ni Hesus na gagawin niya ang dakilang himala para sa mga Israelita, ang ilan naman ay nakaunawa na sumasakanya ang Diyos. Ang mga ito marahil ang naglatag ng kanilang balabal sa kanyang daraanan, ang nakalulungkot lang sa tagpong iyon ang mga taong ito sa panunulsol ng mga nasa kapangyarihan sila rin ang sumigaw na ipako siya sa krus” may dahilan si Hesus kung bakit siya tumangis sa Jerusalem.
SISTEMA NG PANAHON
Sa mga naging takbo ng kalagayan ng sandaigdigan, ang mga namamayaning pananaw ng tao ay ang kapitalistang kaisipan, katulad ng mga pananaw ng dapat ang pamantayan ng kadakilaan ay malaking kayamanan, sa mga negosyante, gaano ang aking tutubuin sa aking mga negosyo, kailangang malaki rin ang pakinabang. Ang ibig sabihin ng pananaw na ito ay pagkamakasarili, katulad ni Henry Sy ang may ari ng kadikadinang negosyo, na tuluyang pumapatay sa mga maliliit na negosyante, at dahil sa ganitong mga perspektiba, kung kaya umiiral ang pagsasamantala ng may ari ng malalawak na lupa sa mg magtatanim, ng may ari ng mga pabrika sa kanilang mga manggagawa, ng malalaking bansa sa maliliit na bansa. Ang mga pananaw na ito ay mas tumitindi pa, katulad sa kalagayan natin sa ngayon, patuloy ang pagtaas ng pagdarahop ng mga mamamayan at patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing kailangan ng mga tao, at hindi pagtaas ng mga commodities, at gayundin tumitindi ang paggamit ng dahas, paglikha ng mga kagamitan pamuksa sa buhay at pangwasak, maipatanggol lang ang sariling interes, malaking tubo, malaking pakinabang, mauunawaan natin kung bakit may gera, itinataguyod ito ng makasariling at kapitalistang pananaw.
Ang daan ni Kristo ay kababaan, hindi makasarili o kapitalistang pananaw, kundi para sa buhay ng iyong kapwa, para sa buhay ng iyong kapaligiran at para sa buhay ng sanlibutan. Ang daan ni Kristo ay kaligtasan, hindi lamang sa iyong sarili, hindi lamang ng mga malalakas, kundi gayundin, kaligtasan ng mga maliliit at mahihina, ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat.
Pangwakas
Ang Linggo ng palaspas ay patuloy na panawagan ng Diyos na unawain natin at tiyakin ang ating pagtitiwalaan at pagtatapatan, ang mga taong sumalubong kay Hesus ay mga taong lito at medaling malinlang. Sila ang sumigaw ng papuri sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, subalit sila rin ang sumigaw ng “Ipako siya sa Krus” kailangan natin ang pagpapasya at matibay na paninindigan kung sino ang ating pagtatapatan. Ang Diyos at ang kanyang kalooban o ang tukso at panlilinlang ng sanlibutan. Kailangan ang batayan natin ay ang ating matibay na pundasyon sa pananalig sa Diyos upang hindi na tayo mahulog sa pagtataksil, ang buhay pananalig at pagtitiwala sa Diyos ang buhay ng sanlibutan, kailangan nating papasukin si Hesus sa ating puso at pagharian niya ang buhay natin. Amen

February 16, 2009

LOVE AS THE GREATEST COMMANDMENT

"The of the Lord is upon Me, because He has anointed Me to preach the gospel to the poor; He has sent Me to heal the brokenhearted, to proclaim liberty to the captives and recovery of sight to the blind, to set at liberty those who are oppressed...”

Jesus Christ (Luke 4: 18)

The religion Christianity it self has a lot of denominations and each denomination is following a certain doctrine. Sometimes these doctrines contradict each other and a start of endless debates and criticism on the part of each denomination. Some are proclaiming that they are the one and true religion. But if we analyze the Bible very well, in what ever translation; in English, in Latin, in Hebrew or in Jewish it teaches one thing it is love and the love of God is manifested through Jesus Christ and love is the only religion so Jesus Christ is the only religion.

Jesus uttered the greatest commandment of love in Luke 4:18 that the ministry of God is for the poor, the sick, the captives, the blind and the oppressed. These are the people who have been long forgotten and are located in marginalized sector of our society. And love does not exist in this world if there are still hungry people who can not buy their own food, if the sick people can not afford the medication for their treatment, if there are still prisoners of war and people being tortured, if there are still people being exploited and if we are still blinded by money and power. If we proclaim that we are Christians we should not be prisoners of our own soul but we should be followers of the Holy Spirit and be the concrete evidence God’s love to the marginalized sector of our society.


Now go on and set forth in preaching and proclaiming God’s love. Now go on in following Christ and Serving the People. Now go on in loving thy neighbor and becoming God’s Love. This is the word of God for the People of God.

KAMING MGA ALIPIN

Kaming mga alipin

Na dukha at maralita sa inyong paningin

Kaming mga Alipin

Na pinagsasamantalahan ng mga naghaharing

Kaming mga Alipin

Na kapalit ng kayamanan ang aming karapatan sasakripisyohin

Kaming mga Alipin

Na simula pa noon hangang ngayon patuloy ninyong aabusuhin

Kaming mga Alipin

Na pagkain ang nais sa hapag namin

Kaming mga Alipin

Na edukasyon ang tanging naisin

Kaming mga Alipin

Na walang sariling lupang bubungkalin

Kaming mga Alipin

Na walang tahanan na tunay na sa amin

Kaming mga Alipin

Na pinagkaitan ng karapatan namin

Kaming mga Alipin

Na kapag nagsalita ay inyong papaslangin

Tayong mga alipin

Sino pa ang tatakbuhan natin?

Tayong mga Alipin

Ano na ang magagawa natin?

Tayong mga Alipin…

February 19, 2008

Si Inosenteng Bata

Si Inosenteng Bata
By: Romel L. Columna

Marahil sa oras na ito iniisip mo kung sino ako? O para saan ba itong ginawa ko? O pwede rin sino ang nagpagawa nito?sino nga ba ako sa likod ng mga tinta at papel na ito? Siguro din nagkatakot ka kung bakit ako ganito? Alam mo, bago ko ipakilala ang sarili ko, nais ko na ipaalam sayo ng hindi ko sinasadya kung mayroon man pagkakatulad sa buhay mo o kaya sa buhay ng mga taong kakilala mo. Nais ko lang ipakita kung sino ako.
Ako nga pala si inosenteng bata. Labis siyam na taong gulang anak nina Inosensia Bata at Enteng Bata. Simple lang akong estudyante nagaaral, naglilibang, na may paki – alam sa iba at kung minsan dedma lang sa nangyayari sa paligid ko kung baga sige ok lang ang lahat. Sakay sa agos. Matanong akong tao kahit simpleng bagay at hindi ko maintindihan, tadtad n tanong agad ang ipupukol ko sayo. Pero tulad ng iba, estudyante parin ako, kokonti pa lang nalalaman ko at tulad ng iba happy-go-lucky. Alam mo ba wala akong pakialam, magkagulo man o maka – ilang ulit man magpalitpalit ng Presidente ang bansa. Ano ba ang pakialam ko dun? Ni hindi ko nga sila kilala eh. Basta ako, masaya ako na pumasok pero pang araw – araw na ginagawako, masaya ako pumasok pero hindi para mag – aral, masaya ako kasi may baon naman ako at makakagimick nanaman kame kasama ng mga kaibigan, masaya kaming nagiinuman, nag-yoyosi. In short happy akong makipagbisyo. Kung minsan pagwalang kainuman, andun kasama ko ang mahal ko. Namamasyal kame imbes na pumasok sa eskwela. Mas masaya kase pag-ganun lang, ala iniisip na assignments o sulatin na pinagagawa ng mga strikto at sarkastikong mga guro.
Ganito ang buhay ko masaya na man diba? Yung tipong wala kang problema. Nagagawa mo ang lahat ng mga gusto mo. Kung baga free diba? Pero hindi pa rin ako kuntento, laging may kulang parang mayroon akong hinahanap. Alam mo ba ginawa ko? Sumali ako sa isang fraternity baka sakaling mahanap ko ang hinahanap ko. Dumaan ako sa tinatawag nila ng initiation, or hazing kung baga. Way daw yun, para mapasama ka sa grupo nila. Buti nga naawa pa sa akin ang Diyos at nabuhay pa ako sa ginagawa nila. May nadulot nama ang pag sali ko dun, natuto akong makipag – away, natuto akong mag-yabang, mag malaki. Alam mo na ba sa ginagawa kong yun lahat naiisip ko “Uy Inosente, may namomoblema na sayo!” o diba ang saya problema na ako ng lipunan. Sa simpleng gimmick at bisyo lang, nakarating na ako sa kinalalagyan ko ngaun. Sa pagiging walang pakialam ko sa nangyayari sa paligid ko naging Inosente ako at hirap ng umalis sa mga kinagawian ko. Sa pagiging walang pakialam ko sa nangyayari sa paligid ko naging inosente ako at hirap ng umalis sa mga nakasanayan ko.

Ikaw gusto mo ba na maging tulad ko?
Masaya maging ako.
Masaya Maging Inosentend Bata!!

December 27, 2007

Sharing the Gift of Christmas to the Valley Cathedral Orphans


Sharing the Gift of Christmas to the Valley Cathedral Orphans
(Philippine Christian University - DasmariƱas, Cavite)

Last December 8, 2007 the Peer Counselors of the Philippine Christian University DasmariƱas, Cavite Campus conducted an outreach/exposure program to the Valley Cathedral Homes Naic Cavite. An orphanage which is being run by the Valley Cathedral Ministries of Canada. This institution, with the help of the admirable dedication of the volunteers and the staff, have been housing homeless children for years and they have dramatically change the lives of countless numbers of children already.
















The Peer Counselors is an organization which oath to be a friend who will listen and understand. This organization is a program under the guidance office. The org, as part of the programme, undergoes peer Counseling Training seminars and also exposures, to further widen their knowledge and understanding.

The outreach has been enjoyed both of the kids and the peer counselors with the help of the house parents. The program had been a meaningful experience for the peer counselors, they have been hugged and kissed (mwah!) by the children. For the kids only seak only love and the attention that they have longing in a family.

The house parents of the orphanage are Canadians, before coming here to the Philippines have been experiencing a luxurious life in Canada. They have given up all their wealth and even left their families to serve as parents to the parent less.

I think this is the true meaning of Christmas. And not the commercialized Santa Claus that has been inculcated in our minds by the Capitalist/Neo-Imperialist Amerikka, is only encouraging us to only comply to the materialist things, of which are only their products, that have been made in third world countries. The laborers of the third-world countries are been deprive of rights as human beings.

So tell me, What is the real meaning of Christmas?

Isang Maligayang Pasko at Mapagpalayang Bagong Taon!