Showing posts with label opinion. Show all posts
Showing posts with label opinion. Show all posts

October 31, 2009

Sino ang Mga Dapat Multuhin Ngayong Undas?


All Saint's day at All Soul's Day na.

____________________________

Hindi ako naniniwala sa mga multo. Mas kinatatakutan ko ang ganti ng kalikasan o ang mga buhay na taong halang ang sikmura. Naniniwala din akong napakaboring ng mundo kung lahat ng bagay kaya nating ipaliwanag at patunayan. Kaya kung may multo man, irespeto na lang natin.

Sino nga ba ang mga dapat multuhin (kung may multo man talaga)?

1. Mga pasimuno sa extrajudicial killings sa Pilipinas. (hindi kasali si PGMA sa tinutukoy ko ha. Hindi talaga as in hindi promise!)
2. Mga tagagawa ng chismis sa showbiz (may napapala ba kasing mabuti ang mga tao sa pakikipagchismisan)
3. Mga Filipinong minamaliit ang Filipino music, films at ibang arts pati pagiging Filipino nila.
4. Radio operators na paulit-ulit na nagpapatugtog ng "Nobody nobody but you!" (clap! clap!)
5. Mga tamad mag-aral.
6. Mga adik sa facebook (joke lang, isa yata ako dun lol)
7. Mga hindi marunong gumalang sa patay. (respeto naman mga pre)
8. ______________ (ikaw maglagay ng pangwalo)

Happy Halloween!

October 24, 2009

Acceptance

Magpakalasing sa kape, magpakalunod sa alak, tumikim ng bawal na gamot, manggago ng gagong babae, makihalubilo sa totoo at kunwaring kaibigan, kumain ng sandamukal na tsokolate, lumaklak ng maraming balde ng energy drink, magpakulay ng buhok o bagong hairstyle, sumama sa rally o palihim na pagkilos at ipaglaban ang tunay na demokrasya at kalayaan, sumubok ng bagong sining, mahumaling sa indie films na malulupit at musikang bato, tumawa sa korning jokes, ipilit ang ngiti palagi, magpakalayo o kahit anong gawin at san ka man magpunta..kung ramdam mong malungkot ka, malungkot ka kaya tanggapin mo na lang.

October 21, 2009

Personal Blah Blah's # 1

Mahirap ipaliwanag sa isang kaibigan na mag-iiba ka ng landas na tatahakin. Pag nakaharap mo sya mabablanko ang utak mo sa katagang dapat sambitin at pag di mo na siya kaharap, biglang magsisisi ka dahil dapat nagpaliwanag ka na nung nabigyan ka ng pagkakataon. Tila isang palad na binalabal sa mukha dahil sa pagkahiya. Nakakatamad magrason (kahit may personal na rason naman talaga kung bakit). Sana matutunan kong gamitin ang prangkang salitang "ayoko na." Yun nga lang pag tinanong na kung bakit ayaw na, mahirap sabihin ang makasariling katwiran. Medyo kahawig pa rin naman ng landas na tinatahak ng kaibigan ang landas na tatahakin ko. Magkaiba nga lang ng instrumentong gagamitin, dadaaanan at dadaluyan patungo sa nagbabagang umaga. Nawa ay pareho nating madama at makamtam ang liwanag sa apoy. Ingat sa pagkakapaso kaibigan. Nandito lang ako kung masusugatan ka. Nakataas ang kaliwa kong kamao habang dinudugtungan naten ang pinunit na kasunod na pahina at mga kabanata ng kasaysayan. Kudos sa iyo!

October 2, 2009

Mga Dapat Gawin Matapos Maminsala ni Ondoy

Mga Dapat Gawin Matapos Maminsala ni Ondoy:

1. Magbigay ng pagkain at extrang damit kung may kaya sa buhay at tumulong sa pag-repack ng relief goods para sa sobrang daming Pilipinong nasalanta ni Ondoy the storm. (dapat kusang loob, ok lang kahit di ka makita sa telebisyon..hindi ka naman gaya ni Dingdong Dantes na may palabas sa tv. Nakakatulong din ang dasal (spiritually helpful).

2. Matuto sa karanasan.

3. Huwag mag-panic. Di pa naman katapusan ng mundo pero pwede mo na ding simulang ang pagpapahalaga sa buhay at sa buhay hinaharap.

4. Kung isa ka sa pinakasikat na pulitiko, siguraduhing positibo ang pagpapakita mo sa mga press materials. Huwag gagaya dito:"Malamig ngayon..masarap nga naman uminom ng alak. lol"

September 8, 2009

Mana-mana Lang Yan'

Ang awiting Mana-mana Lang 'Yan ay nilikha ng isa sa mga pinakamahuhusay pero hindi sikat na mang-aawit at kompositor na Pilipino. Siya ay si G. Gary Granada Mahusay pero hindi sikat diba? Maraming ganung Pilipino. Hindi niya ako tagahanga at lalong hindi niya ako hiningan ng pabor na ilathala ang blog article na ito. Nataon lang na sikat ngayon si Noynoy Aquino at Mikey Arroyo, at sa tuwing maririnig ko o mapapanood ng isyu tungkol sa dalawa ay tumutugtog sa utak ko ang awiting ito. Patungkol kasi ang awit sa pagkamana ng ating ugali o personalidad sa ating magulang na nagturo sa atin ng tama at mali.
Ayon sa Theory of Inheritance na madalas na banggitin ng propesor ko sa Biology na kurso; "characteristics of one generation are derived from earlier generations". Sa serbey (survey) ng mga estudyanteng ng Japan. 96 persyento ng kanilang pag-aaral ay nagpapatunay at sang-ayon sa teoryang "blood type have much to do with personality". Kung kagaya mo ng blood type ang isa sa iyong magulang, mas marami kang mamamana sa kaniya.
Siyempre walang taong magkatulad na magkatulad kahit na kambal pa sila. At maraming paniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa pagkakamana ng ugali ng tao. Naimpluwensyahan tayo ng mga Intsik na naniniwala noon na depende sa numero, araw at mga bituin ang ugali ng tao. Ayon naman sa Bibliya; namana naten kina Adam at Eve ang pagiging makasalanan o ang kasalanan (depende sa interpretasyon mo to'). Madalas ding banggitin ng aking guro sa Bible na kurso noong high school ang Proverbs 22:6 ng Bibliya na nagsasabing "Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya ito hihiwalayan." Marami pang ibang teorya na tumatalakay sa ugali ng tao pero isa lang ang paborito ko. "Kapag kamukha ng kumpare mo ang iniluwal na sangol ng iyong asawa, pare nasalisihan ka." Lol. Sa ating mga magulang tayo unang natuto ng tama at mali kaya natural na magmana tayo sa ugali nila at mas matututo tayo habang tumatanda sa paaralan, komunidad, media at mundo. Tama si G. Garry Granada, mana-mana lang yan'.


September 5, 2009

Mikey Arroyo - The Next Youtube Star

Hindi sinungaling ang camera. Yan lang ang masasabi ko. Sa mga magagaling kumilala ng hindi marunong umarte sa harap ng camera, alam kong napansin nyo rin. Sino pa ba ang hindi nakakapanood ng "ONE-ON-ONE with IGAN and WINNIE MONSOD - Ari-arian ni Rep. Mikey Arroyo"? Sikat ito sa youtube. After ipost ng Pinaswatcher last August 31, 2009, mayroon na itong almost 90, 000 views. Kapansin-pansin rin ang mga brutal pero matatalinong mga komento ng mga nakapanood sa youtube gaya ng mga sumusunod:

Jeansforjustice: This government has continued to steal our people's money. They continue to destroy the future of our children. Now that we all witnessed Mikey Arroyo's blatant exposure on how to steal millions from this country, it is time that all Filipino youth lead the initiatives to push for reforms in our government. Let's not give up on the future of this country.

galegalin: Mukha pa lang ni mickey,mukhang demo*** na.Kampon ni sata*** sa kasi*******.Mga lahing demo*** kasi mga magna*****.Hindi na nahiya,obvious masyado ang kawalang******.Mamamatay na sana ang lahi ninyo.Mga demo****! Di na kayo naawa sa mga mahihirap na walang makain,samantalng kayo,nagpapasarap sa hindi ninyo pinaghirapan.Mga hal*** ang kaluluwa.!

startingat10: GLORIA, sana napanood mo tong videong ito ng anak mong bo** at stupi**. Yan ang kinalalabasan pag ang ipinapakain sa mga anak ay galing sa na***. Nakakahiya kang ina. Di mo man lang naturuan ang anak mo, wala kang karapatan maging ina ng bayan.

Romantiko969: mali ka jan..naturuan nia anak nia...sa pagna**k***....

MslreneV: i dont understand why people for this kind of species. its way too much for this family to lie and get protected by PNP and military. Nakakahiya. Makalusot man sila sa mundo na ginagalawan nating ngayon. Sa Diyos kaya, pano kaya nila ma explain lahat ng kawalang***** na ginawa nila sa mundo, lalong-lalo na sa ating mga Pilipino.

nestcompany: I can't believe he is the grandson of our loving diosdado macapagal! Yan ang mga taong sugod lang ng sugod, kahit walang dalang bala sa gitna ng giyera... How pathetic. He deserves to put disgrace on his clan "Arroyo".

tusongbakla: hoy, pu**** ina mo mikey, bakit hindi mo kinuha si cerge remonde, na taga pagsalita mo ga**. magaling magsinungaling yon gaya ng nanay mo u***. kahit buking na sinungaling pa rin siya. pinupulutan ka ngayon ng tao sa youtube . pero huwag kang magalala pag umalis na ang nanay mong demon** sa nakaw na puwesto niya, ang taumbayan ang kakatay sa pamilyang Arrroyo at gagawin kayong chicaron bulaklak. Ga** magnana***.

EvilMonkey5099: This is an insult! Mikey Arroyo is so cock*, he thinks Filipinos are so stupid to believe his stories. Filipinos should be outraged!

F****G****: *******! @#$%^&! @#$%^&*!)(*&^%$!!! Mabuhay ang Pilipinas! Mamatay ang mga kurakot!

...At marami pa ang mga brutal at matatalinong komento sa youtube. Basahin nyo na lang dun. Ano nga ba ang rason ng uploaded video na ito? Of course, hindi para sumikat at magpapansin. Ang rason para ikalat ito ay para mag-educate (mangaral) at mabigyang pansin. Ano ang maaari mong gawin? 1. Ipaalam sa iba. Ikalat sa internet. Ipaliwanag ng mabuti. Talakayin sa paaralan. 2. Huwag tularan si Mikey. 3. Ituro sa iyong magiging anak o anak na huwag din gayahin. 4. Umisip ng epektibong paraan para hindi na ito maulit at gawin ng iba. Yung epektibo ha!

August 26, 2009

Vote

Malapit na ang eleksyon. Nagkalat na ang political ads at infomercials kahit na hindi pa official ang mga kandidato. Anyways, marahil para sa iba ay hindi malalim ang kahulugan ng salitang "vote" o boto. Mababaw nga naman ang pag-eensayo ng iyong karapatang bumuto at magluklok ng taong karapatdapat. Hindi nga naman importante ang demokrasya at kalayaang mamili ng taong gagawin nating mga pinuno ng bansa. Minsan ay maikukumpara sa Korean hitsong na Nobody ng Wondergirls ang eleksyon, sinasayaw mo pero di mo naiintindihan. Napapanahon at uso pero hindi mo alam ang malalim na dahilan.

Narito ang ilan sa mga rason kung bakit ayaw bumoto ng ibang Pilipino:
  1. Kulang ang panghihikayat na magparehistro at bumuto pero may "sipagattyaga, wagkayongmatakot lalabantayo, politicalwill, punobunga, maypagahonmaybukaspa atbp." Naniniwala akong "A great leader is a teacher not a businessman." Kaya sana ay mas maraming patalastas na patungkol sa tamang pagboto at kung sino dapat ang iboto. Teka sino ang mgssponsor ng patalastas na yun? Arthro!! Kaya mo pa palang tumakbo.
  2. Walang lagay. Parang bayad muna bago bumaba ng jeep. Bayad muna bago boto.
  3. Sayang ang oras kasi may mga dayaan na naman. Ano na nga ba kasi ang nangari sa isyung dayaan noong eleksyon? Hello? Naging maalikabok na at napanday na ng panahon ang pandaraya ng nakaraang eleksyon. Hellloooo! Minsan din boboto ka pa lang pero sabi sa voter's list ay nakaboto ka na? Astig! Pare, may split personality ka?
  4. Mas masarap ang buhay na makasarili at walang pakialam. Ang isa mo nga namang boto ay walang halaga. Boboto naman sila, edi sila na lang. Napakatalino!!!
  5. Ayaw nating matalo. Bakit mananalo ba yung iboboto ko?
  6. Imoral ang bumoto. Kampon daw kasi ni Satanas ang ilan sa mga kandidato. May sugarol, may negosyanteng mukhang pera, may manggagamit ng kapwa, may berdugo at kurakot ang karamihan sa kanila.
  7. Mainit sa election venue. May anghit ang makakasabay ko sa pagboto at siksikan sa pila.
  8. Hindi naman kakandito si Hyden Kho at si Willie Revillame.

August 18, 2009

BATAYANG karapatan

July 30, 2009

React or Act?

May mapaglarong tanong na kumikiliti sa aking pananaw. Ito ay patungkol sa perspektibo ng karamihang tao patungkol sa aktibismo. Ang universal na perspektibo kasi ay "aktibista ka daw kapag kinakalaban mo ang isang bagay, gawain o taong mali". May isa akong kaibigan na mahilig magsulat ng mga tula na tumatalakay sa masahol pa sa hayop na mga pulitiko at ang tingin ng taong malapit sa aking kaibigan ay isa siyang aktibista. Pero ganun nga ba talaga yun? Ano yun parang sinabi na rin natin na ang lahat ng reklamador sa bulok at masahol na pamahalaan ay aktibista? Lahat ng nagrereklamo patungkol sa global warming at paglabag sa animal rights ay aktibista na din talaga? Hindi siguro.... Dahil ba kinakalaban nila yung pagkakamali sa pamamagitan ng bibig at isip kaya aktibista na sila? Hindi ako sang-ayon sa ganitong kaisipan.

Ang aktibista ay ang taong kikilos para itama ang mali. Yung hindi puro lang dakdak at paiiralin ang kapaitan sa kanyang buhay at karanasan. Hindi yung sulat lang ng sulat o reklamo lang ng reklamo. Kung hangang salita lamang ay hindi siya maituturing na aktibo dahil ang pagkilos ay higit na makapangyarihan sa salita.

Nag-iba na ang aking pananaw sa katalinuhan. Dati mataas ang tingin ko sa mga matatalino pero ngayon, mas mataas ang tingin ko sa mga aktibo sa pagkilos ng mga theoryang inaaral nila. Minsan nga mas karapatdapat pang igalang ang hindi masyadong nakapag-aral na kumikilos gamit ang kaniyang mga theorya keysa sa taong sandamukal nga ang theoryang alam subalit nakakulong naman sa apat na sulok ng kwarto ng ideya.

If you want to accomplish something in the world, idealism is not enough you need to choose a method that works to achieve the goal. ~ Richard Stallman

July 28, 2009

Hindi Sinungaling si PGMA

Oo, hindi sinungaling si Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Diba katotohanan ang bawat salitang binanggit niya. Kaya nga naman no need to say sorry again. Kung napanood nyo ang State of the Nation Address ni PGMA ay siguradong mararamdaman mo na feel na feel nya ang sinasabi nya. Totoo nga talaga. As in totoong totoo. Sa katunayan nga niyan pag lumabas ka ng bahay mo ngayon at magpunta ka sa may kanto or sa kalsada. Wala namang nangongotong na pulis dun at walang taong naghihirap... tipong wala kahit isa na pagpag lang ang kinakain at sa diyaryo o karton natutulog. Buong buo nga naman yung kalsada at walang lubak at sobrang bihirang bumaha tuwing uulan. Marami nga naman ang may mga trabaho at hindi problema ang makakain at tirahan. Libre nga naman ang edukasyon at hindi ito prebilehiyo. Ang mumura nga naman ng mga gamot na tipong hindi mo na kailangan pang hintaying lumala pa ito bago mo mabili ang super duper murang gamot.Hindi na din kailangan mangibang bansa ng magulang mo o kaya ng kahit sino may maipakain lang sa hapagkainan ng ibang Pilipino. Ipinaglaban nga naman talaga nya ang buhay ng mga maralitang Pilipino. Siya ay tunay na "pro-life" kaya buhay na buhay si Jonas Burgos at ibang mamamayang Pilipino na ang ipinaglalaban ay karapatan at hustisya ng bawat masang inaapi at pinagsasamantalahan. Wala pa namang namamatay talaga at very much as in very much true na wala pang pinapakidnapkahit isa. At higit sa lahat ay walang sinuman ang pulitikong kurakot at nababayaran. Blah! Blah! Blah! Ang sakit na talaga ng tiyan ko sa katatawa. Ang galing niya talagang magpatawa at grabe talagang makonsensya ang ating minamahal at iginagalang na pangulo. Kulang na kulang pa talaga ang 120 "round of applause". Kulang din ang 70 minutong paghahayag ng katotohanan. Talagang mahusay siyang pangulo ng Pilipinas kaya walang rally sa Commonwealth Ave. in Quezon City kaninang tangahali hangang hapon.

Narito ang kabuuan ng SONA ni PGMA -> SONA 2009

July 15, 2009

Song-Sinangag

Cool daw ang isang awitin kapag ito ay ingles. Madalas sa mga kaibigan ko ay mas nahuhumaling sa ingles na kanta kahit na minsan ay hindi nila ito naiintindihan. Maaaring sabihin na halimbawa ito ng kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino. Ilan din sa mga mang-aawit na Pilipino ay napipilitang gumawa ng Ingles na kanta kasi mas mabenta ito at mas tinatangkilik. Mahal na mahal talaga natin ang sining natin diba? Astig!

Halimbawa:

Un-lonely nights, romantic moments
The love
What about them
Throw it all away...
(Will You Ever Learn ng Typecast - Isang magaling na Rock Band mula sa Laguna. Mahusay sila plugged or unplugged at hanep sa guitar riffs)

Kapag ito ay isasalin sa Filipino ay magiging "mejo ganito":

Di' malungkot na gabi, romantikong sandali
Ang pag-ibig
Pano na yung mga yun
Itapon mong lahat palayo...

Ipinabasa ko ito sa ilan sa mga kaibigan ko at siyam sa sampu sa kanila ang nagsabi sa aking baduy daw na lyrics yun pero hindi nila alam na yun ang lyrics ng kantang minsan ay kinahumalingan nila.

Kung tutuusin, kaya din umuunlad ang industriya ngf musikang Pilipino ay dahil sa hindi natin mahal ang sarili nating musika at wika. :(

Sa Ilalim ng Kumunoy

Marami ang naghahangad ng pagbabago pero iilan ang kumikilos para maisapraktika ito.

Ang totoong public service ay pagtulong sa publiko ng walang inaasahang kapalit.

Walang saysay ang theorya na kapos sa praktika. Parang sinabi mong hindi ka kumain ng sardinas kahit na amoy sardinas ang hininga mo. Hmm! Bango!

Halos lahat ng Kristyano ay naghahangad na makarating sa langit subalit kaunti lamang ang nakalubog sa lupa. Hindi ba't si Kristo ay bumaba muna sa lupa pagkatapos ay tumungo na ng langit. Sabihin na nating ganito, "Ang tunay na pag-ibig sa masa, ay isa sa pag-ibig na itinuturo ng Diyos." Amen!

Hindi lahat ng maganda ay gawa ng Diyos, yung iba kasi si Belo ang gumawa.

Nangangamba ang maraming Pilipino sa Influenza A(H1NI). Nangangamba ang iilan sa kanser ng lipunan.

Edukasyon ang kailangan bigyang pansin ng pamahalaan. Sabi nga nila diba, walang maaapi kung walang magpapaapi. Kaya kung edukado ang maraming Pilipino, ayun sakto... hindi tayo mapagsasamantalahan at maaapi. Hindi tayo mauuto ng iba. Mayaman na sana ang Pilipinas. Hindi na sana mangongotong ang mga nakaunipormeng asul. Hindi na sana lilisan ng Pinas ang ilan para magtrabahao. Ang makapag-aral ay isang karapatan, hindi isang prebilehiyo. At blah! blah! blah! ako ay nasa ilalim na ng kumunoy... Ang katotohanan ay nakamamatay.

May 13, 2009

My Fave Word of the Lourd



This is my fave Word of the Lourd - "Walang Silbi ang Art". Fave ko rin yung episode na "Paano kung Natalo si Pacquiao". Malamang ay hindi ito alam ng karamihan kasi GMA 7 lang at ABS CBN ang channel para sa kanila. Neto lang, tinamad akong manood ng TV at mas pinili kong libangin ang sarili ko sa "educational" use ng internet (hindi lang friendster, multiply, facebook at myspace). Nakakaasar kasi yung mga comercials ng mga payasong pulitiko sa TV. Public service ads "daw"..at ang maniwala tanga! Nakakatamad din ang mga palabas na nagpapakita ng mga kalandian gaya ng konting sulyap sa retokadong boobs, legs at tinurukan ng gamot para maging macho (anong napapala natin dun? maging malibog?!?).
May sense naman ang ibang palabas sa TV lalo na yung mga dokyu, original Filipino shows (hindi yung kopya sa ibang bansa), at balita (kahit na ang inaabangan ng karamihan ay si Pia Guanio). Suportahan natin ang orihinal na artistang Pilipino. Artistang Pilipino ang dapat laging nasa TV. Pelikulang Pilipino dapat ang nasa telebisyon. Ilang oras na kaya ng buhay mo ang nasayang sa kapapanood ng walang saysay na palabas sa TV. At namalayan mo bang naging produktibo ka sa kakapanood ng Wowowee?? Siguraduhing sa inyong pinapanood ay hindi lang kayo nakapaglibang, dapat may natutunan din kayong aral na magagamit sa buhay.
May sense pa kaya ang Parental Guidance? at kung magmura ba ako sa blog post na to at nabasa ng 17 taong gulang pababa, gagabayan kaya sila ng magulang nila at ipapaliwanag ang tama at mali? Putang Ina! Parental Guidance po. :D

May 2, 2008

10 Reasons Why My Summer Vacation Doesn’t Suck!

1. I’m stress-free. I’m sleeping eight (8) hours a day and eating meals on time (hindi kagaya nung pasukan na super toxic). Sana din ay may itangkad pa ako kahit isang pulgada lang kakatulog. lol
2. I love the summer heat. Tara na sa beach! Sunburn! Kung saan saan din naglalakwatsa kahit piso na lang ang natitira sa bulsa.
3. I turned 20. I grew up but never got older.
4. Panic! Late bloomer reader attacks! I had been reading lots of books lately (which I don’t usually do). If you have pretty good books, kindly let me borrow some. Please! Please! Please!! I'm confused with the usage of words bibliophilia and bookworm because bibliophilia is considered incorrect by some people. I remember when I'm younger (batang paslit). I thought the term bookworm means turning into worm monsters caused by cursed books.
5. Blame the gravity. I had fallen in love (just kidding).
6. You are reading Gatsulat. I thought nobody reads this blog site.
7. I’m writing new stuffs for the human anthology book project which will be released independently this year (hopefully). I will be working with 5 or 6 great writers. Kudos to them. First time is scary (I can hear my heart beating so loud right now).
8. I had been watching lots of Asian movies. Honestly, I realized that many of them are better than Western’s. Also, if you have copies of independent Filipino films, let me borrow them (pagpapalain ka ni Lord pramis!).
9. My family and friends are safe. Take care all of you.
10. I still have more than three (3) weeks to enjoy my summer. I'm still going to discover new things.
Enjoy your summer! Pakabait!

January 20, 2008

EGNAHC SI EHT YLNO TNATSNOC

EGNAHC SI EHT YLNO TNATSNOC - change is the only constant.

Mula sa obserbasyon.

1. Sa isang birthday party:

Nagmensahe ang isang kaibigan sa kanyang bestfriend na birthday celebrant.

Ehem! Ehem!
“…wish ko sana more birthdays to come at sana more blessings from God..good health na din. Friends forever..wag ka din sanang magbago blah! Blah! Blah! blah!!”

2. Nakasulat sa slambook na napulot ko sa bodega:

Dedication:
“..hi klasmeyt! Yung secret naten, wag mo pagsasabi. I hope magtagal ang ating friendship. Wag ka sanang magbabago at maging mabait ka pa din gaya pag magkasama tayo…”

3. Sa isang T.V. talk show:

Sabi ng artista sa kanyang syota na artista din:
“…message ko lang sa kanya sana he will remain the same, huwag syang magbabago at maging maayos ang kanyang career.”

4. Nakapost sa isang fansite ni Manny Pacquiao:

Fan:
“..kundi pati na rin pag-asa ang bawat Pilipino sa tagumpay mong iyon. Sana ay huwag kang magbago at palagi kang lumaban para sa karangalan ng ating bayan.”

5. Nakapost sa isang blog ni j@#$%:

“…Huwag kang magbago, manatili kang ganyan Dalangin ko sa Diyos, lagi kang ingatan…”

Ngayon ay pag-isipan mong mabuti ito!

The only constant is change” – Heraclitus

Sa Filipino: “Ang hindi lamang magbabago ay pagbabago

Hindi ko alam kung naintidihan mo ang punto ko. Napakaimposibleng hindi magbago ang isang tao. Napapangiti lang talaga ako pag may naririnig ako o nababasang mga pahayag o hiling na sana ay huwag magbago ang isang tao. Pudpod na salaysay at walang kwentang hiling kasi nga napakaimposible naman talagang matupad ang kahilingang iyon. Ang paglala at pagbubuti ay ilan sa halimbawa ng pagbabago. Ang isang tao na ikulong mo sa isang masikip na kwarto ay magbabago emotionally. Nagbabago ang isang nilalang kahit na paulit-ulit niyang ginawa ang mga pagkakamali niya - ang tawag dito ay paglala.


Magbago ka na! Ewan naten baka mamaya lang baguhin ko din itong post ko. Baka magbago din kasi ang pananaw ko.

May dalawa kang pagpipilian; positibong pagbabago at negatibong pagbabago.

Kudos!

January 19, 2008

"Sipi"


"Sipi"

*Nasagi sa isip ko na mag-imbento ng quotes para sa posters ng DulaangPCU para sa kampanya namin na "student awareness about the USG Election"* Sa simpleng mga posters na ididikit at mababasa sa mga pader ng kolehiyo (na puro vandal na walang saysay ang nakasulat) ay may positibong pagbabago sanang mangyari sa buhay kolehiyo ng mga mag-aaral ng Philippine Christian University. Nawa! Sana! Please!

...(Ang mga sipi ay kathang isip lamang at naimpluwensyahan ng karanasan sa buhay. Kung may kaparehas ay hindi sinasadya ng may akda at nagkataon lamang pare. Mas magiging makabuluhan ang mga ito kung isasagawa kaysa puro salita lamang.)

1. “Minsan ay pwede kang uminom sa maling basong tubig at ang uhaw mo’y mapapawi, pero kung boboto ka sa maling basong tubig ay maaari kang malunod sa isang patak pa lamang nito”

2. “Gusto nating iboto ang pinakamagaling sa lahat, pero hindi naman siya kandidato.”

3. “Wag kang tumakbo sa halalan kung ipapahiya mo lang ang iyong magulang at mga kamag-anak.”

4. “Kung ang mga kakandidato ay hanggang salita at utot lamang, wala silang magagawang maganda para sa ikauunlad ng mga mag-aaral. Sila ay hanggang sa pabanguhan lamang ng kanilang utot at hininga.”

5. “Hangga’t hindi natin ginagamit ang ating kalayaan sa pagboto ay wala tayong makakamit na pagbabago at mananatili tayong mga baog at problema lamang na mag-aaral.”

6. “Ang katanungan ay hindi kung sino ang karapat-dapat na mag-aaral. Ang katanungan ay kung sino ang may tamang pagkakaunawa kung ano ang karapatdapat para sa mga mag-aaral. Pwede nating pag-usapan ang mga problema pero mahihirapan tayong alamin ang mga solusyon upang malutas ito. Huwag ninyo kaming bigyan ng problema, bigyan nyo kami ng solusyon.”

7. “Kung ang baboy ay may kakayahang bumoto,iboboto niya ang kauri niyang baboy.”

8. “Ang pagboto ay simbolo at instrumento ng mag-aaral upang wasakin, baguhin o pasayahin ang kanyang buhay sa kolehiyo.”

9. “Palaging bumoto na may prinsipyo, kahit na boboto ka lang mag-isa, at matitikman mo ang sarap ng pakiramdam sapagkat ang iyong sarili ay hindi natalo sapagkat may mapapala ang isa mong boto.”

10. “Irespeto ang iyong sarili.

Irespeto ang demokrasya ng bawat mag-aaral. . .

Kumandidato kung karapdapat, at bumoto ng karapatdapat!


(Salamat Erwin at Jes sa napakalupit na poster designs) Kudos!

December 30, 2007

Reasons Why Gatsulat Kicked Ass this 2007

Reasons Why Gatsulat Kicked Ass this 2007

a. You are one of the avid readers of Gatsulat and forever will be. Thank you!

b. Gatsulat is just a month old and we had posted lots of compositions. Wow!

c. Gatsulat will soon dominate the universe. Waherher!

d. Gatsulat received lots of positive feed backs and comments. We also received wierd comments that says "masyadong inaadvertise 'tong site na to. ano bang meron? talambuhay ni ve@##$?" and "ano pong magandang porn site?"

e. We are making contributions to literature.

f. We don't suck like porn sites, april boy and cueshe's web page does.

g. The writers (Gatsulateros). For the "gat" articles and your support. Kudos my friends! :D

h. The www.gatsulat.com is coming soon.

i. (put a thing here!) Write your own answers here.

Things that Made My Year 2007 "Hanep"

ver10 Things that Made My Year 2007 "Hanep"
(The Best Things about Vern's 2007)
  1. Epiko ng Kabataan (I can't direct, can't act, can't write a script)Poster design by Jake de Asis (my great friend)



3. Christian Chronicle (I can't be a journalist)Incognito Book cover design by Jake de Asis (my great friend)

4. Family (safemode)
(a reason to smile)

5. Friends & New Friends (if you are one of them: Thank you!)
(a reason to smile)

6. Girlfriend/Lovers (???) (I can't be your boyfriend)

7. Rock Band Singer (???) (I can't sing)
(i'm too raw+forced myself*not ready/feeling out of place-kicked out)
(maybe someday,.,in Time.)

8. Gatsulat (I can't make a blogsite!)(The Former Banner I made for Gatsulat)


9. Makahiya

10. (Put a Thing Here) If you think you know a thing that made my year "hanep"; write your number 10 on the comments below.

December 24, 2007

Rudy Talks to Vern (About Xmas)

Usapang Pasko (Scripto)

Sarong banggi. . . napadaan si Rudy sa kanyang kaututang-dilang si Vern!

Rudy: Pre musta pasko naten jan? Ang lamig ng hangin dito sa labas ng bahay nyo.Lakas!

Vern: Ayos lang! Malamang hapon na kaya

Rudy: Regaluhan mo ko’ mwah!

Vern: Eeeww pre ang halay. Don’t kiss me.

Rudy: Pero I like you. . .forever and ever. til death do you part

Vern: F*&^%$$# you mamatay ka mag-isa. Bakla!!!!

Rudy: Mwah! Mwah! Mwah!

Vern: pag pasko nga naman. . . (magseseryoso ng mukha) :I

Rudy: ano na naman? (titigil sa pang-aasar)

Vern: nakakadiri ka.

Rudy: it hurts you know. Awts! ahuhuhuhu.

Vern: o tahan na

Rudy: wala i hate you na

Vern: ok

Rudy: joke lang

Vern: T@#@#$% mo. (malamya na magsasalita)

Rudy: hahahaha. Mukhang may iniisip ka na naman. share naman jan pre

Vern: (??) (mapapatitig sa makulay na christmas lights)

Rudy: Pre bat kaya ganun?

Vern: ano na naman? Yung tungkol dun sa mga bata na nangangaroling sa inyo gabi-gabi na mali mali lyrics at tono. . .na gusto mong banatan at ipahabol sa aso mong si Marimar.

Rudy: bat alam mo agad? hala galing!!! manghuhula ka na.

Vern: Pang-apat mo nang beses kinwento saken yan pre. Paulit-ulit ka na lang parang mga pelikulang pare-pareho ang story line at nakakasawa. Pre yung about sa mali-maling lyrics at tono ng batang nangangaroling, salamin lang yun ng edukasyon sa pilipinas. Hindi nga kilala ng mga bata si Jesus. . at mas kilala pa nila si Santa Claus. Colonial mentality. Parang pacman at pepe lang.

Rudy: wow. yan ka na naman. you're sooo deep.

Vern: Tapos bakit din kaya yung mga ateyista nagpapasko? pati yung mga tropa kong iglesia ni kristo inaaya ako na mag-xmas party. . . yung pamangkin ko nagpaparamdam lang pag pasko, yung kamag-anak nyo pre naaalala lang kayong pamilya nyo pag pasko pero pag problemado magulang mo wala silang pakialam. Minsan hindi talaga lumilitaw yung true meaning ng christmas. Yung iba nga masaya lang dahil sa xmas bonuses, sa mga libreng pagkain o kahit anong libre, mga regalo, romansahang itik na masaya, yung iba pag pasko lang mabait at yung iba pag pasko mo lang makikita talaga. Hindi naman sya panget at hindi din naman ganun kaganda. Hindi naman sya bad at hindi ko din masabing good. Iba-iba tayo ng tradiyon. Sa pilipinas pinakamasaya ang pasko. ako ngayon masaya ako hindi dahil pasko...kundi dahil kasama ko mamaya ang pamilya ko. Yung tunay na kahulugan ng pasko ay pag-ibig. Madaling sabihin pero mahirap ipakita. . .parang mga theorya na mahirap isagawa. . .parang mga ideyang mahirap isabuhay pero pag nasabuhay, naipakita at naisagawa mo heaven ang feeling.

Rudy: wow pare you're sooo deep talaga. . .

Vern: pansin mo din yung kapitbahay naming si Mang Kulugo.

Rudy: ano nangyari? telenovela story na naman

Vern: si Mang Kulugo na magsisimba sa umaga at magsisimba sa gabi tapos pag-uwi sa bahay ay bubugbugin ang kanyang asawa at ihahampas ang nagdurugong mukha sa pader. . (how hard core!) . Reregaluhan nya mga anak nya ng napakamahal na laruan tapos ay tatakas pag gabi ng pasko at pupunta ng palihim sa kanyang isa pang pamilya. Laruan lang nya ang pamilya nya.

Rudy: Gwapo ba si Mang Kulugo? Crush ng bayan? Macho puppy?

Vern: Kamukha nya si Jinggoy pare

Rudy: yung trying hard na action star?

Vern: Senador na trying hard maging action star. . si Bong naman action star daw na trying hard na senador. sabi lang ng kapitbahay kong nagbebenta ng pirated dvd's yun ha.

Rudy: aha! malamig na pre. di pa ba luto yung dinner nyo..,makikikain sana ako.

Vern: alas singko pa lang kaya. tsaka bawal. umuwi ka na sa inyo. hinahanap ka ng ina mong nagmamahal sayo.

Rudy: Maaga pa., dito muna ako.

Vern: pre parang tumaba ka pala. . .dahil sa pasko yan

Rudy: sexy ako pare. sinagot na nga pala ako ni Fellisa kanina lang. december 24 pare

Vern: pag pasko nga naman talaga. magbebreak ba kayo ng bagong taon?!? (ngingiti at magme-make face)

Rudy: ang sama mo. haha. usapan nga namin maglalaquinta kami bukas

Vern: tapos mabubuntis mo na naman. Pre bago-bago na at magbabagong taon na. . .

Rudy: edi tayo na lang dalawa ang maglaquinta.?ano?

Rudy: (sinuntok sa dibdib si Wes) napakahalay pare. nakadurog ka na naman ba.galing ka bang malabon?may xmas sale din ba sa bentahan ng damo?

Rudy: ge uwi na ko' (mapapayuko)

Vern: yun lang. ge meri xmas. (matatawa)

Rudy: (talikod sabay magnanakaw ng halik at tatakbo)

Vern: (sumigaw) T@#$%^&*(*&^%$#@!#$%^ ka!!!