"Sipi"
*Nasagi sa isip ko na mag-imbento ng quotes para sa posters ng DulaangPCU para sa kampanya namin na "student awareness about the USG Election"* Sa simpleng mga posters na ididikit at mababasa sa mga pader ng kolehiyo (na puro vandal na walang saysay ang nakasulat) ay may positibong pagbabago sanang mangyari sa buhay kolehiyo ng mga mag-aaral ng Philippine Christian University. Nawa! Sana! Please!
...(Ang mga sipi ay kathang isip lamang at naimpluwensyahan ng karanasan sa buhay. Kung may kaparehas ay hindi sinasadya ng may akda at nagkataon lamang pare. Mas magiging makabuluhan ang mga ito kung isasagawa kaysa puro salita lamang.)
1. “Minsan ay pwede kang uminom sa maling basong tubig at ang uhaw mo’y mapapawi, pero kung boboto ka sa maling basong tubig ay maaari kang malunod sa isang patak pa lamang nito”
2. “Gusto nating iboto ang pinakamagaling sa lahat, pero hindi naman siya kandidato.”
3. “Wag kang tumakbo sa halalan kung ipapahiya mo lang ang iyong magulang at mga kamag-anak.”
4. “Kung ang mga kakandidato ay hanggang salita at utot lamang, wala silang magagawang maganda para sa ikauunlad ng mga mag-aaral. Sila ay hanggang sa pabanguhan lamang ng kanilang utot at hininga.”
5. “Hangga’t hindi natin ginagamit ang ating kalayaan sa pagboto ay wala tayong makakamit na pagbabago at mananatili tayong mga baog at problema lamang na mag-aaral.”
6. “Ang katanungan ay hindi kung sino ang karapat-dapat na mag-aaral. Ang katanungan ay kung sino ang may tamang pagkakaunawa kung ano ang karapatdapat para sa mga mag-aaral. Pwede nating pag-usapan ang mga problema pero mahihirapan tayong alamin ang mga solusyon upang malutas ito. Huwag ninyo kaming bigyan ng problema, bigyan nyo kami ng solusyon.”
7. “Kung ang baboy ay may kakayahang bumoto,iboboto niya ang kauri niyang baboy.”
9. “Palaging bumoto na may prinsipyo, kahit na boboto ka lang mag-isa, at matitikman mo ang sarap ng pakiramdam sapagkat ang iyong sarili ay hindi natalo sapagkat may mapapala ang isa mong boto.”
10. “Irespeto ang iyong sarili.
Irespeto ang demokrasya ng bawat mag-aaral. . .
Kumandidato kung karapdapat, at bumoto ng karapatdapat!
(Salamat Erwin at Jes sa napakalupit na poster designs) Kudos!
2 comments:
*mahusay* .^___^ nakaksakit Lng ang ginamit mong hayop .(baboy namn . .) n___n
*appLause*
magaling magaling magaling hahaha....
ouch nmn un kuya BABOY!! hahaha tinamaan ako woooh..
Post a Comment