February 1, 2011

Good Morning Makati!

View from our office's window. 6:54 am of January 26, 2011. I used my Samsung GT-S3500I 2MP cellphone's camera. Mas maganda 'to kung high tech camera sana ang ginamit ko. Namumumog ako sa bintana ng opisina tuwing umaga tapos nakita ko 'to. Ganda ng umagang 'yun.

January 26, 2011

List of Famous People Who Stutter

List of famous people who are experiencing or experienced stuttering disorder:
(source: www.wikipedia.org)
*I added Kele Okereke, Bloc Party's singer in the list.

Why people stutter?

Actors

Philanthropists

Politicians

Singers

Sports

Writers

Other people

January 7, 2011

Habagat’s Hamog 50 L Review

I bought my Hamog 50 L in Habagat Recto for Php 3,060 as Ate Jamee (Ms. Tindera) gave me a 10% discount. The original price was Php.3,400 (pero parang lahat naman yata binibigyan niya ng diskwento. Hihi!) Thank you again Ate Jamee!

My first pack was bought from an Ukay-ukay store in Tagaytay City. It was cheap and good for a noob. My back hurts after every climb and I found it hard to distribute the weight so I started hating it. I used it for almost one year and a half. After climbing Mt. Tarak Ridge, I decided to buy a new adventure pack that I’ll be using for future escapades. One time, I borrowed Andre, my fellow climber’s pack, the Sigbin 50. Consequently, I realized the importance of a pack with an internal frame for support, protection and proper weight distribution. I was planning to buy Sigbin 50 or a Margaja at Habagat but when I’m at the store, I became interested with their Hamog 50 L. It also has an internal frame and it’s much alike with Sigbin 50 excluding the suspension, front pocket (and other bag parts I haven’t observed).

The size of Hamog 50 L is 22 x 32 x 76 cm. Fabric is Kodra and or Nylon Pack cloth. Suspension is fixed and padded. It is good for backpacking, long trips, weekend trips and semi-technical climbing. I’ve used it only twice, at the Ambangeg-Ambangeg Trail at Mt. Pulag and New Trail-Old Trail at Mt. Batulao. It was very comfortable at very steep trails like at the Rockies to the peak of Mt. Batulao. It can perfectly accommodate my earth pad, tent, foods, 3 sets of clothes, stove, 3 liters of water, etc. Hamog also automatically balances my body and I feel like it embraces me every time I wear it. It impeccably fits with my back, you just have to adjust the straps and belt. The top compartment and side pockets are good. I haven’t tried the hydration hole but it seem to be like other pack’s H2(hOles). The Shoulder Harness, Chest Strap / Sternum Strap, Hip Belt, Inner and Outer Pockets Configuration, Splash Cover and Spindrift Collar, handles and other straps is perfect in my opinion. A large plastic bag inside is suggested for waterproofing. I guess it’s the most affordable, original and useful 50 L locally made pack for a semi-pro mountaineer like me.

I am satisfied with my Hamog 50 L as of now and so far, I have no negative impression with it. I also suggest that if you guys plan to buy an outdoor equipments or clothing, please patronize our local products.

January 1, 2011

Mt. Pulag Year End Climb XP 2010

“Kilig-to-the-bones” ang sarap. Now I know why they called it the playground of the gods. Enchanted by the awesomeness of the national park, I can’t help but love every second of it. New friends, new experiences and new discoveries, yes!!! I survived the highest mountain in Luzon, 3rd highest mountain in the Philippines. (hihi) Mt. Pulag is the perfect place to reminisce everything that happened in 2010 so to speak.

We took the Ambangeg Trail, which is the easiest trail. Next time I’ll try the Akiki Trail (Killer Trail). Next time… Next time… and I’m planning to climb Mt. Apo this summer. After that, Mt. Everest…. Tapos Mt. Mordor naman… yung sa Lord of the Rings.

Congratulations Inang Asukal! Kahit hirap kang huminga dahil sa nipis ng hangin, nakaya mong umakyat hangang tuktok. Whew! Naalala ko paulit-ulit na yung sinasabi ko nung mino-motivate ko siya paakyat ng Peak. Puro na lang ako “kaya mo yan, malapit na.” Lol! Naubusan na ko ng script. Dati rati pag mga climbs siya pa ang nauuna at nakikipagkarera. Pero siguro di nya kinaya yung lamig ng Mt. Pulag. Sa sobrang lamig dun, pagkakulo ng noodles… wala pang five minutes maligamgam na ulit. Pero wala pa namang record na nag-snow na sa Mt. Pulag kahit na umaabot daw ng -5° C yung temperature dun. Naghahanap ako ng Giant Bushy-Tailed Wild Rat (bowet), Philippine Deer at Long-Haired Fruit Bat pero wala akong nakita (sad). Amazed na amazed din ako sa Dwarf Bamboo at kay Aryana Foreva at Aldrine S pero hindi sila hayop or halaman a'. Marunong lang din silang mag-pollinate.

Thanks to Inang Asukal, Heva Addition, Aryana Foreva and Aldrine S for the pictures. I’ll let the pictures speak for themselves. Thank you din Trail Adventours!

September 3, 2010

The Mt. Maculot (Traverse) Experience

I shall return” I gladly told myself while traveling back home. An overnight stay in Mt. Maculot wasn’t enough to satisfy my craving for visual aesthetic experience. Grr! I want more. Hihi. Mt. Maculot is the seventh mountain I climbed yet I had the “like-a-virgin” experience (♪♪touched for the very first time♪♪). Supposedly, we are headed to the Rockies; however none of us is familiar with the trail (FAIL!!). I forgot to do a research on how to get there coz I thought somebody from our group studied the trail (Brr!). Consequently, we ended up taking the traverse. The trail was slippery because of the rain hence it was more dangerous and breathtaking.. Imagine yourself carrying a 80 or 70 L pack. + taking the traverse trail + the rain. “Damn, did I just tried to kill mah self?” I quietly asked myself when I arrived at the summit. Even though I slipped three times, cramped twice, grasped air (na parang katatapos lang… maghabol ng holdaper), I still liked the hiking experience. Oh yeah! Next time Rockies naman at next time kasama na kita!

(at Mt. Macult's summit; can you guess what we are doing in this photo?)

(side trip sa napakalinis na Lipa Beach. lol)
("Get a room you centipedes!!!")
(is-pa-ge-ti!!!)

August 22, 2010

The Activation Code

Happy Horse!!!

Yeah, enough bulls***. During a drinking session last night, a friend told me that she visited and read Gatsulat. My initial reaction was a sarcastic smile with a facial expression asking How the h*** did you know....blah, blah? (Sorry, can't recall the exact words) She recounted that she was told by the friend of a friend of her about it. She also added that I should resume the blog, etc. etc... Consequently, I took the opinion of a drunk person seriously. Anyway, I guess I should give it another try. (Why not Poknat?) A single reader means a lot to a simple artist who just wants to write, scribe and put language down on paper. Lol. Hihi. (Sino bang nagsabing isa lang nagbabasa ng Gatsulat? Ikaw at ako makes it two. Lol.)

*I like to emphasize (hihi) that I never really ceased from writing. There are dozens of self-created literature scattered in my room that came into existence every time my friend named Boredom visits me. Sad to say, only few of them are worth sharing since most are very personal and risky to share.

I kept asking myself why I abided posting articles in my blog. Thus, I’ll accept the invalid raison d'ĂŞtre; that I was busy at work and you don’t f*** care. Lol. Seriously, there’s no reason. Oops, don’t tell me that everything has a reason as it’s clichĂ© to do so.

Food for thought; writing about politics, revolution and real life experiences is not mediocre, you’re small brain just can’t comprehend other people’s great and useful ideas. Sorry.

Anyway, the activation code is 67E54N89O25U56G89H76B24U88L21L66S87H33I95T34.

May 28, 2010

TUGALAGALAG


May 12, 2010

EXIST

Give me five (5) reasons why Gatsulat should still exist?

February 23, 2010

I Will Vote


Hindi pa ako sigurado kung sino o kung boboto nga ba ako ng presidentiable, vice presidentiable o ibang posisyon sa gobyerno pero buo ang loob ko na iboboto ko ang Kabataan Partylist, si Satur Ocampo at Liza Maza. :D

November 15, 2009

Anti-Torture Law Signed!

President Arroyo has signed Republic Act 9745 or the Anti-Torture Act of 2009, criminalizing physical and mental torture and other degrading treatment by persons in authority last Nov. 10,2009. ...abangan natin ang susunod na kabanata. :D

November 1, 2009

Ang Hirap Humanap ng Work

October 31, 2009

Sino ang Mga Dapat Multuhin Ngayong Undas?


All Saint's day at All Soul's Day na.

____________________________

Hindi ako naniniwala sa mga multo. Mas kinatatakutan ko ang ganti ng kalikasan o ang mga buhay na taong halang ang sikmura. Naniniwala din akong napakaboring ng mundo kung lahat ng bagay kaya nating ipaliwanag at patunayan. Kaya kung may multo man, irespeto na lang natin.

Sino nga ba ang mga dapat multuhin (kung may multo man talaga)?

1. Mga pasimuno sa extrajudicial killings sa Pilipinas. (hindi kasali si PGMA sa tinutukoy ko ha. Hindi talaga as in hindi promise!)
2. Mga tagagawa ng chismis sa showbiz (may napapala ba kasing mabuti ang mga tao sa pakikipagchismisan)
3. Mga Filipinong minamaliit ang Filipino music, films at ibang arts pati pagiging Filipino nila.
4. Radio operators na paulit-ulit na nagpapatugtog ng "Nobody nobody but you!" (clap! clap!)
5. Mga tamad mag-aral.
6. Mga adik sa facebook (joke lang, isa yata ako dun lol)
7. Mga hindi marunong gumalang sa patay. (respeto naman mga pre)
8. ______________ (ikaw maglagay ng pangwalo)

Happy Halloween!

October 24, 2009

Acceptance

Magpakalasing sa kape, magpakalunod sa alak, tumikim ng bawal na gamot, manggago ng gagong babae, makihalubilo sa totoo at kunwaring kaibigan, kumain ng sandamukal na tsokolate, lumaklak ng maraming balde ng energy drink, magpakulay ng buhok o bagong hairstyle, sumama sa rally o palihim na pagkilos at ipaglaban ang tunay na demokrasya at kalayaan, sumubok ng bagong sining, mahumaling sa indie films na malulupit at musikang bato, tumawa sa korning jokes, ipilit ang ngiti palagi, magpakalayo o kahit anong gawin at san ka man magpunta..kung ramdam mong malungkot ka, malungkot ka kaya tanggapin mo na lang.

October 21, 2009

Personal Blah Blah's # 1

Mahirap ipaliwanag sa isang kaibigan na mag-iiba ka ng landas na tatahakin. Pag nakaharap mo sya mabablanko ang utak mo sa katagang dapat sambitin at pag di mo na siya kaharap, biglang magsisisi ka dahil dapat nagpaliwanag ka na nung nabigyan ka ng pagkakataon. Tila isang palad na binalabal sa mukha dahil sa pagkahiya. Nakakatamad magrason (kahit may personal na rason naman talaga kung bakit). Sana matutunan kong gamitin ang prangkang salitang "ayoko na." Yun nga lang pag tinanong na kung bakit ayaw na, mahirap sabihin ang makasariling katwiran. Medyo kahawig pa rin naman ng landas na tinatahak ng kaibigan ang landas na tatahakin ko. Magkaiba nga lang ng instrumentong gagamitin, dadaaanan at dadaluyan patungo sa nagbabagang umaga. Nawa ay pareho nating madama at makamtam ang liwanag sa apoy. Ingat sa pagkakapaso kaibigan. Nandito lang ako kung masusugatan ka. Nakataas ang kaliwa kong kamao habang dinudugtungan naten ang pinunit na kasunod na pahina at mga kabanata ng kasaysayan. Kudos sa iyo!

October 2, 2009

Mga Dapat Gawin Matapos Maminsala ni Ondoy

Mga Dapat Gawin Matapos Maminsala ni Ondoy:

1. Magbigay ng pagkain at extrang damit kung may kaya sa buhay at tumulong sa pag-repack ng relief goods para sa sobrang daming Pilipinong nasalanta ni Ondoy the storm. (dapat kusang loob, ok lang kahit di ka makita sa telebisyon..hindi ka naman gaya ni Dingdong Dantes na may palabas sa tv. Nakakatulong din ang dasal (spiritually helpful).

2. Matuto sa karanasan.

3. Huwag mag-panic. Di pa naman katapusan ng mundo pero pwede mo na ding simulang ang pagpapahalaga sa buhay at sa buhay hinaharap.

4. Kung isa ka sa pinakasikat na pulitiko, siguraduhing positibo ang pagpapakita mo sa mga press materials. Huwag gagaya dito:"Malamig ngayon..masarap nga naman uminom ng alak. lol"

September 8, 2009

Mana-mana Lang Yan'

Ang awiting Mana-mana Lang 'Yan ay nilikha ng isa sa mga pinakamahuhusay pero hindi sikat na mang-aawit at kompositor na Pilipino. Siya ay si G. Gary Granada Mahusay pero hindi sikat diba? Maraming ganung Pilipino. Hindi niya ako tagahanga at lalong hindi niya ako hiningan ng pabor na ilathala ang blog article na ito. Nataon lang na sikat ngayon si Noynoy Aquino at Mikey Arroyo, at sa tuwing maririnig ko o mapapanood ng isyu tungkol sa dalawa ay tumutugtog sa utak ko ang awiting ito. Patungkol kasi ang awit sa pagkamana ng ating ugali o personalidad sa ating magulang na nagturo sa atin ng tama at mali.
Ayon sa Theory of Inheritance na madalas na banggitin ng propesor ko sa Biology na kurso; "characteristics of one generation are derived from earlier generations". Sa serbey (survey) ng mga estudyanteng ng Japan. 96 persyento ng kanilang pag-aaral ay nagpapatunay at sang-ayon sa teoryang "blood type have much to do with personality". Kung kagaya mo ng blood type ang isa sa iyong magulang, mas marami kang mamamana sa kaniya.
Siyempre walang taong magkatulad na magkatulad kahit na kambal pa sila. At maraming paniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa pagkakamana ng ugali ng tao. Naimpluwensyahan tayo ng mga Intsik na naniniwala noon na depende sa numero, araw at mga bituin ang ugali ng tao. Ayon naman sa Bibliya; namana naten kina Adam at Eve ang pagiging makasalanan o ang kasalanan (depende sa interpretasyon mo to'). Madalas ding banggitin ng aking guro sa Bible na kurso noong high school ang Proverbs 22:6 ng Bibliya na nagsasabing "Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya ito hihiwalayan." Marami pang ibang teorya na tumatalakay sa ugali ng tao pero isa lang ang paborito ko. "Kapag kamukha ng kumpare mo ang iniluwal na sangol ng iyong asawa, pare nasalisihan ka." Lol. Sa ating mga magulang tayo unang natuto ng tama at mali kaya natural na magmana tayo sa ugali nila at mas matututo tayo habang tumatanda sa paaralan, komunidad, media at mundo. Tama si G. Garry Granada, mana-mana lang yan'.


September 5, 2009

Mikey Arroyo - The Next Youtube Star

Hindi sinungaling ang camera. Yan lang ang masasabi ko. Sa mga magagaling kumilala ng hindi marunong umarte sa harap ng camera, alam kong napansin nyo rin. Sino pa ba ang hindi nakakapanood ng "ONE-ON-ONE with IGAN and WINNIE MONSOD - Ari-arian ni Rep. Mikey Arroyo"? Sikat ito sa youtube. After ipost ng Pinaswatcher last August 31, 2009, mayroon na itong almost 90, 000 views. Kapansin-pansin rin ang mga brutal pero matatalinong mga komento ng mga nakapanood sa youtube gaya ng mga sumusunod:

Jeansforjustice: This government has continued to steal our people's money. They continue to destroy the future of our children. Now that we all witnessed Mikey Arroyo's blatant exposure on how to steal millions from this country, it is time that all Filipino youth lead the initiatives to push for reforms in our government. Let's not give up on the future of this country.

galegalin: Mukha pa lang ni mickey,mukhang demo*** na.Kampon ni sata*** sa kasi*******.Mga lahing demo*** kasi mga magna*****.Hindi na nahiya,obvious masyado ang kawalang******.Mamamatay na sana ang lahi ninyo.Mga demo****! Di na kayo naawa sa mga mahihirap na walang makain,samantalng kayo,nagpapasarap sa hindi ninyo pinaghirapan.Mga hal*** ang kaluluwa.!

startingat10: GLORIA, sana napanood mo tong videong ito ng anak mong bo** at stupi**. Yan ang kinalalabasan pag ang ipinapakain sa mga anak ay galing sa na***. Nakakahiya kang ina. Di mo man lang naturuan ang anak mo, wala kang karapatan maging ina ng bayan.

Romantiko969: mali ka jan..naturuan nia anak nia...sa pagna**k***....

MslreneV: i dont understand why people for this kind of species. its way too much for this family to lie and get protected by PNP and military. Nakakahiya. Makalusot man sila sa mundo na ginagalawan nating ngayon. Sa Diyos kaya, pano kaya nila ma explain lahat ng kawalang***** na ginawa nila sa mundo, lalong-lalo na sa ating mga Pilipino.

nestcompany: I can't believe he is the grandson of our loving diosdado macapagal! Yan ang mga taong sugod lang ng sugod, kahit walang dalang bala sa gitna ng giyera... How pathetic. He deserves to put disgrace on his clan "Arroyo".

tusongbakla: hoy, pu**** ina mo mikey, bakit hindi mo kinuha si cerge remonde, na taga pagsalita mo ga**. magaling magsinungaling yon gaya ng nanay mo u***. kahit buking na sinungaling pa rin siya. pinupulutan ka ngayon ng tao sa youtube . pero huwag kang magalala pag umalis na ang nanay mong demon** sa nakaw na puwesto niya, ang taumbayan ang kakatay sa pamilyang Arrroyo at gagawin kayong chicaron bulaklak. Ga** magnana***.

EvilMonkey5099: This is an insult! Mikey Arroyo is so cock*, he thinks Filipinos are so stupid to believe his stories. Filipinos should be outraged!

F****G****: *******! @#$%^&! @#$%^&*!)(*&^%$!!! Mabuhay ang Pilipinas! Mamatay ang mga kurakot!

...At marami pa ang mga brutal at matatalinong komento sa youtube. Basahin nyo na lang dun. Ano nga ba ang rason ng uploaded video na ito? Of course, hindi para sumikat at magpapansin. Ang rason para ikalat ito ay para mag-educate (mangaral) at mabigyang pansin. Ano ang maaari mong gawin? 1. Ipaalam sa iba. Ikalat sa internet. Ipaliwanag ng mabuti. Talakayin sa paaralan. 2. Huwag tularan si Mikey. 3. Ituro sa iyong magiging anak o anak na huwag din gayahin. 4. Umisip ng epektibong paraan para hindi na ito maulit at gawin ng iba. Yung epektibo ha!

August 31, 2009

Araw ng mga Bayani

"Mapalad ang bayang linitawan ng mga bayani sapagka’t ang bayang iya’y walang kamatayan"
-Andres Bonifacio

Happy kaarawan kahapon Andres Bonifacio. Magigiting kayong mga bayani ng ating bayan, mga bayani ng nakaraan at maging ang mga kasalukuyang lumalaban para ipagtangol ang masang api at pinagsasamantalahan. Kudos!

August 29, 2009

Ang Aking Php 320.00 Postal ID

Kailangan ko ng valid I.D. Expired na kasi ang school I.D. ko kasi nga hindi na naman ako estudyante. Sinubukan kong kunin ang Voter's I.D. subalit hindi pa daw ito naiimprenta at walang matinong rason akong narinig sa mga tauhan ng munisipyo na may koneksyon sa COMELEC nang kausapin ko sila. Malapit na kasi yata ang eleksyon kaya mabilis ang proseso ng pagrehistro at pag-imprenta ng ID. Astig! Wala akong ibang pagpipilian kundi ang kumuha ng Postal I.D.

Narito ang iyong kailangan sa tuwing kukuha ng Postal ID:

1. Barangay Clearance
2. Cedula (Residence Certificate)
3. Pansuportang Dokumento
  • Sertifiko ng Kapanganakan (NSO Authentication)
  • Sertifiko ng Pagpapakasal (kung may asawa) (NSO Authentication)
4. NBI Clearance
5. 2 piraso ng Pasaporteng larawan na may puting
6. Aplikasyon na certified ng Punong Barangay

Narito ang halimbawa ng Application Form for Postal ID
Matapos kong makumpleto ang mga requirements ay dagli ko itong sinumite sa Postal Office. Mabilis naman ang proseso at wala pang 30 minuto ay tapos na agad ito. Medyo old school nga lang sapagkat typewriter ang gamit sa pag-imprenta ng aking personal na informasyon. Sumablay lang sa pagkakabaybay o ispel ng "Village". Naging "B" ang "V" kaya "Billage" ang nakalagay sa aking ID. Pinabago ko ito, ok naman sa kanila na baguhin (dapat lang!). Nabasa ko sa Application form na kailangan kong magbayad ng Php 175.00. Buong Php 500.00 ang inabot ko sa lalaking nag-ayos ng aking ID. Nagulat ako ng biglang...

Postal Officer: (nakangiti) heto po ang sukli serrr.
Ako: Bakit 270 pesos lang to'? (mahinahon kong sinambit)
Postal Officer: 320 pesos fo ser ang postal ID..
Ako: Huh?! 175 pesos ang fee sabi sa Application form (humingi ako ng isa pang application form at nagtaka sapagkat parehas ng form number ang form number ng ipinasa kong form. Nasa itaas ang tinutukoy kong form)

..lumipas ang ilang segundo at tila yata naging hangin ang kausap ko.
Ako: Diba 175 pesos lang? Pahingi po ng resibo. (medyo napikon ako at lumakas ang boses, napatingin sa akin ang ilan sa opisyales ng munisipyo)
Postal Officer: NJBGFTRD atorneh..SEDRFHJJNGNBV kapag resibo CGVBYHNJ wala talagang ganun SDFGHCTVUB...!@#$%^&*( (hindi ko kasi naintindihan ang paliwanag nya sa akin)
Ako: Huh?!

Napansin kong masama na ang tingin sa akin ng ilan sa nakarinig ng aming usapan. Nagpasalamat ako sa kanya na medyo sarcastic sabay ngiti. Sinubukan kong kunin ang kaniyang pangalan subalit bigla niya akong tinalikuran. Pagsilip ko rin sa kanilang opisina ay nakatingin sa akin ang mga opisyales habang nagbubulungan. Umalis na lamang ako sapagkat may iba pa akong pupuntahan at late na din ako.

*Naisip kong magtanong at magreklamo sa nakatataas na opisyal ng munisipyo subalit nagdalawang isip ako. Nawalan na din kasi ako ng tiwala sa mga tauhan ng munisipyo. Malay ko ba kung tropa din niya ang makausap ko. Ipagpapatuloy ko na lang ang pag-iimbestiga sa mga susunod na araw.

*Hindi ko direktang sinasabi na may nangyayaring korapsyon pero kayo na ang bahalang humusga. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit hindi sila nagbibigay ng resibo at kung bakit ang Php 175.00 ay naging Php 320.00.