“There is a nobler ambition in life than merely to stand tall in the crowd and that is to stoop down and lift the human race a little higher.”
Dahil ako ay nagbalik mula sa BMI..
May ilang punto lang ako na gusto sabihin at ibahagi..
Ang mga isyu at problemang kinakaharap ng mga magsasaka at manggagawa sa kanayunan ay hindi hiwalay sa problema ng lipunan sa pangkalahatan, kakabit ng problema nila sa kawalan ng sariling lupa ang pagiging sunud-sunuran ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon sa mga dayuhang monopolista, burgesya kumprador at mga PML sa pamamagitan ng pagpapatupad nito ng mga anti-mamamayang mga patakaran tulad ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon.
Ang tunay na paaralan ay ang lipunan at napakahalaga ng papel nating mga estudyante upang hindi lamang magpalimita sa apat na sulok ng paaralan kundi lumubog at mag-aral sa batayang sektor. Dito natin makikita ang esensya ng ating mga natutunan kung tayo ay patuloy na mag-aaral, makikipamuhay, magmumulat, mag-oorganisa at magpapakilos sa hanay ng batayang masa. STP. STR.
No comments:
Post a Comment