May 11, 2008

Mami Galore

written by: YhaniPupu

Two weeks ago, nagkasakit ako. wala ako sa bahay noon, nasa ojt ako. office hours. ansama ng pakiramdam ko. nanginginig na kalamnan. nananakit na ulo. nananakit lahat. nag-half day. nagpahinga. umasa na pagkagising, bubuti na ang lahat. pero kulang estimate ko. may kulang pa rin. kelangan ko ng mami.


gumising ako. nakakita ng food. di nakuntento. di ko kinain. nagpuntang sm north. (wow. may sakit tapos nagmall! o come on.) bumili ng bidang-bidang mami. kumain. naglakad. umuwi. pagdating sa dorm, umern.

'pag ako kasi may sakit, ang kinakain ko sopas. pero mas madalas, mami. ('yung hindi instant ha? baka lalo akong magkasakit e.)

magaling na ko di ba? so ano ngayon?

Click here to read more


tayong lahat ay may kinakailangang mami sa buhay... para gumaling. para maging mabuti. para sumaya ulit. para bumalik sa dating sigla. (nakakaiyak. parang hindi na si mama naiisip ko. haha.)

... ... ... (balik!) noong panahon na un, si mama ang isa pa sa kelangan ko bukod sa mainit na mami. namiss ko siya. namiss ko ang pag-alaga niya sa akin 'pag may sakit ako. naisip ko sa isang taon, mga 130 days lang kami nagkikita. namiss ko ang mga prutas niyang dala pag-uwi. namiss ko ang luto niyang mainit na sabaw sa umaga. namiss ko siya.

kaya naman ngayong araw niya, dito lang kami sa bahay. hindi red velvet cake o Selecta ice cream ang pagsasaluhan kundi oras... at Lola Idang's!

Happy mothers' day sa lahat ng ina at ina-inahan sa buong mundo. Happy day Nimfa. Hapi Mami.

No comments: