January 20, 2008

BARUNG-BARONG TAGALOG



Photo by the The Great 3rd de Leon


"Dapat pare hindi na sila pinapayagang magkaanak pa. Wala na nga silang makain, lumilikha pa sila ng dagdag bibig na papakainin. Hindi naman sila nakatutulong sa bansa natin. Hindi sila mga edukadong tao kaya sila laging inaapi. May iba na nakapagtapos at umaangat sa buhay pero kaunti lang. Salamat na lang at may kaya ang magulang natin."
-Gudo (Tropa kong nakaapak ng tae at pinagtawanan ng mga batang squatter.. kaya masama ang loob pag-uwi)-

Hindi ko alam kung ano ang salitang sasabihin. Tila yata napakarami nang mga salita ang nabanggit para sa mga kagaya nila. Ang iba sa mga salita ay nalimutan na at hindi mo din naman isasadamdamin. Kung hindi sarado ang isip mo ay isang titig pa lang ay maaawa ka na at maiintindihan mo na agad. Pagmasdan mo na lang ang larawan. Kung ano ang maisip mo ay iyon na yun. Buksan ang isip at paganahin ang pagiging sensitibo.

No comments: