July 15, 2009

Song-Sinangag

Cool daw ang isang awitin kapag ito ay ingles. Madalas sa mga kaibigan ko ay mas nahuhumaling sa ingles na kanta kahit na minsan ay hindi nila ito naiintindihan. Maaaring sabihin na halimbawa ito ng kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino. Ilan din sa mga mang-aawit na Pilipino ay napipilitang gumawa ng Ingles na kanta kasi mas mabenta ito at mas tinatangkilik. Mahal na mahal talaga natin ang sining natin diba? Astig!

Halimbawa:

Un-lonely nights, romantic moments
The love
What about them
Throw it all away...
(Will You Ever Learn ng Typecast - Isang magaling na Rock Band mula sa Laguna. Mahusay sila plugged or unplugged at hanep sa guitar riffs)

Kapag ito ay isasalin sa Filipino ay magiging "mejo ganito":

Di' malungkot na gabi, romantikong sandali
Ang pag-ibig
Pano na yung mga yun
Itapon mong lahat palayo...

Ipinabasa ko ito sa ilan sa mga kaibigan ko at siyam sa sampu sa kanila ang nagsabi sa aking baduy daw na lyrics yun pero hindi nila alam na yun ang lyrics ng kantang minsan ay kinahumalingan nila.

Kung tutuusin, kaya din umuunlad ang industriya ngf musikang Pilipino ay dahil sa hindi natin mahal ang sarili nating musika at wika. :(

2 comments:

Anonymous said...

panalo ka sa mga saloobin mo tama!!!!

Anonymous said...

Sapul ako dun a. Masakit aminin pero totoo naman.