July 15, 2009

Sa Ilalim ng Kumunoy

Marami ang naghahangad ng pagbabago pero iilan ang kumikilos para maisapraktika ito.

Ang totoong public service ay pagtulong sa publiko ng walang inaasahang kapalit.

Walang saysay ang theorya na kapos sa praktika. Parang sinabi mong hindi ka kumain ng sardinas kahit na amoy sardinas ang hininga mo. Hmm! Bango!

Halos lahat ng Kristyano ay naghahangad na makarating sa langit subalit kaunti lamang ang nakalubog sa lupa. Hindi ba't si Kristo ay bumaba muna sa lupa pagkatapos ay tumungo na ng langit. Sabihin na nating ganito, "Ang tunay na pag-ibig sa masa, ay isa sa pag-ibig na itinuturo ng Diyos." Amen!

Hindi lahat ng maganda ay gawa ng Diyos, yung iba kasi si Belo ang gumawa.

Nangangamba ang maraming Pilipino sa Influenza A(H1NI). Nangangamba ang iilan sa kanser ng lipunan.

Edukasyon ang kailangan bigyang pansin ng pamahalaan. Sabi nga nila diba, walang maaapi kung walang magpapaapi. Kaya kung edukado ang maraming Pilipino, ayun sakto... hindi tayo mapagsasamantalahan at maaapi. Hindi tayo mauuto ng iba. Mayaman na sana ang Pilipinas. Hindi na sana mangongotong ang mga nakaunipormeng asul. Hindi na sana lilisan ng Pinas ang ilan para magtrabahao. Ang makapag-aral ay isang karapatan, hindi isang prebilehiyo. At blah! blah! blah! ako ay nasa ilalim na ng kumunoy... Ang katotohanan ay nakamamatay.

No comments: