- Ang artist ay hindi daw naliligo at wirdo ang buhok. Kapos daw kasi sila sa oras para sa sarili. Mawawala din sa pokus (focus) kapag itinigil ang ginagawa. Pero madalas naman sa artist na kilala ko ay naliigo at nagsusuklay. Baka yung iba nagtitipid lang ng tubig. Yung patungkol sa wirdo ang buhok, may kalayaaan naman kasi ang lahat sa kung anong gusto nilang gawin sa buhok nila.
- Wala daw pera ang mga artist. May kaibigan akong iniwan ng girlfriend nya sa dahilang artist daw siya, walang permanenteng hanap-buhay at walang future ang kanilang relasyon. Ganun ba yun? Marahil nasa ugali na rin ng tao yun kung bakit ganun. “Kung masarap kang magmahal, kahit artist ka pa, hindi ka niya iiwan (lol).” Bakit nga ba walang pera ang mga artist? Kasi iilan lang ang nabibigyan ng “break” o pagkakataong sumikat. Yung iba choice nila ang hind maging sikat at may iba din na trying hard mapansin lang ang kanilang sining. Passion nga naman ang art at hindi propesyon lalong lalo na sa Pilipinas. Martyr nga kung iisipin ang mga artist na Pinoy kasi nag-aambag pa rin sila sa sining kahit na karamihan ay mas tinatangkilik ang sining ng taga-ibang bansa. Maraming mga makabagong paraan para mabigyang pansin ang sining mo. May internet na diba? Kung kasing gwapo ka ni Richard Zorro, kahit di ka magaling umarte, sisikat ka.
- Emosyonal, magulo ang ugali at suplado. Namamansin naman yung iba (kung hindi busy) Art daw ang salamin ng personalidad at karanasan ng isang artist. Syempre, ang laman ng obra mo ay mula sa kaibuturan ng iyong utak na hinihog ng panahon. Kung naguguluhan ka man sa kanila, dahil na yun sa pinaghalo-halong kasiningan (artistry) sa utak nila or baka may problema lang yung tao tol’ kausapin mo kaya muna? (lol.)
- Puro drawing lang minsan. Sila daw yung tipong mas maraming ideya na naiisip kesa nagagawa. Sabi nila “Artists are more idealists, than realists.” Hindi din daw nag-iisip yung iba at puro drawing at experiment ng art. Kung isasangguni natin sa Neuroscience , maraming theories dun na magsasabing lahat ng ginagawa ng tao ay naiisip nya. Ayan, theory na naman. Yung obra nila mismo ay kanilang likha diba?
- Isinilang silang artist. Kanino nga bang theory yun, na ang tao daw ay isinilang na parang isang blangkong papel? Ayun. May kakilala ka bang batang bagong panganak na marunong agad magsulat, magdrawing, magsalita, kumanta ng nasa tono, kumain ng apoy, o may kasamang gitara paglabas sa sinapupunan? Sa totoong buhay ay walang ganun. Nasa genes nila ang potensyal at ang karanasan nila ang magpapahinog sa potensyal na iyon.
- Boring sa Kama. Weh?! Artist nga diba. Malamang may sense of creativity yung mga yun. Pwede kang pinturahan, kantahan, hampasin ng gitara, bugahan ng apoy, tulaan, sayawan, dramahan, at kung anu-ano pang hindi mo inaasahang pwedeng mangyari na masaya.
- Laging nag-iiwan ng tanong sa ibang tao. Hindi totoo yun. O sige nga, ikaw ang magbigay ng panwalong (8th) maling kaisipan sa isang artist. !! :D
- (______________). ???
July 17, 2009
7 Maling Kaisipan sa Isang “Artist”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Maraming artist ang hindi maka-diyos.
Maraming artist ang hindi maka-diyos.
'yung "isinalang na parang isang blangkong papel" (tabula rasa) ay mula kay John Locke.
-ang mga "artist" ay madrama. but they want to keep it all to themselves.
Post a Comment