July 28, 2009

Hindi Sinungaling si PGMA

Oo, hindi sinungaling si Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Diba katotohanan ang bawat salitang binanggit niya. Kaya nga naman no need to say sorry again. Kung napanood nyo ang State of the Nation Address ni PGMA ay siguradong mararamdaman mo na feel na feel nya ang sinasabi nya. Totoo nga talaga. As in totoong totoo. Sa katunayan nga niyan pag lumabas ka ng bahay mo ngayon at magpunta ka sa may kanto or sa kalsada. Wala namang nangongotong na pulis dun at walang taong naghihirap... tipong wala kahit isa na pagpag lang ang kinakain at sa diyaryo o karton natutulog. Buong buo nga naman yung kalsada at walang lubak at sobrang bihirang bumaha tuwing uulan. Marami nga naman ang may mga trabaho at hindi problema ang makakain at tirahan. Libre nga naman ang edukasyon at hindi ito prebilehiyo. Ang mumura nga naman ng mga gamot na tipong hindi mo na kailangan pang hintaying lumala pa ito bago mo mabili ang super duper murang gamot.Hindi na din kailangan mangibang bansa ng magulang mo o kaya ng kahit sino may maipakain lang sa hapagkainan ng ibang Pilipino. Ipinaglaban nga naman talaga nya ang buhay ng mga maralitang Pilipino. Siya ay tunay na "pro-life" kaya buhay na buhay si Jonas Burgos at ibang mamamayang Pilipino na ang ipinaglalaban ay karapatan at hustisya ng bawat masang inaapi at pinagsasamantalahan. Wala pa namang namamatay talaga at very much as in very much true na wala pang pinapakidnapkahit isa. At higit sa lahat ay walang sinuman ang pulitikong kurakot at nababayaran. Blah! Blah! Blah! Ang sakit na talaga ng tiyan ko sa katatawa. Ang galing niya talagang magpatawa at grabe talagang makonsensya ang ating minamahal at iginagalang na pangulo. Kulang na kulang pa talaga ang 120 "round of applause". Kulang din ang 70 minutong paghahayag ng katotohanan. Talagang mahusay siyang pangulo ng Pilipinas kaya walang rally sa Commonwealth Ave. in Quezon City kaninang tangahali hangang hapon.

Narito ang kabuuan ng SONA ni PGMA -> SONA 2009

No comments: