May mapaglarong tanong na kumikiliti sa aking pananaw. Ito ay patungkol sa perspektibo ng karamihang tao patungkol sa aktibismo. Ang universal na perspektibo kasi ay "aktibista ka daw kapag kinakalaban mo ang isang bagay, gawain o taong mali". May isa akong kaibigan na mahilig magsulat ng mga tula na tumatalakay sa masahol pa sa hayop na mga pulitiko at ang tingin ng taong malapit sa aking kaibigan ay isa siyang aktibista. Pero ganun nga ba talaga yun? Ano yun parang sinabi na rin natin na ang lahat ng reklamador sa bulok at masahol na pamahalaan ay aktibista? Lahat ng nagrereklamo patungkol sa global warming at paglabag sa animal rights ay aktibista na din talaga? Hindi siguro.... Dahil ba kinakalaban nila yung pagkakamali sa pamamagitan ng bibig at isip kaya aktibista na sila? Hindi ako sang-ayon sa ganitong kaisipan.
Ang aktibista ay ang taong kikilos para itama ang mali. Yung hindi puro lang dakdak at paiiralin ang kapaitan sa kanyang buhay at karanasan. Hindi yung sulat lang ng sulat o reklamo lang ng reklamo. Kung hangang salita lamang ay hindi siya maituturing na aktibo dahil ang pagkilos ay higit na makapangyarihan sa salita.
Nag-iba na ang aking pananaw sa katalinuhan. Dati mataas ang tingin ko sa mga matatalino pero ngayon, mas mataas ang tingin ko sa mga aktibo sa pagkilos ng mga theoryang inaaral nila. Minsan nga mas karapatdapat pang igalang ang hindi masyadong nakapag-aral na kumikilos gamit ang kaniyang mga theorya keysa sa taong sandamukal nga ang theoryang alam subalit nakakulong naman sa apat na sulok ng kwarto ng ideya.
If you want to accomplish something in the world, idealism is not enough you need to choose a method that works to achieve the goal. ~ Richard Stallman
No comments:
Post a Comment