August 14, 2008

Saysay

Minsan gusto ko nang mawalan ng saysay
Malagutan ng hininga, maging malamig na bangkay
Maging pataba ang laman, sa mundong matiwasay
Subalit itim na ang watawat, mantsado na at kupas ang kulay
Sana hindi na lang pilay ang batas para hindi lahat ng pinoy nakasaklay
Titigan mo ang langit, nakikita mo ba ang kanilang mga putol na kamay
Humihingi ng dalamhati, wala akong kasalanan, bakit nyo ako pinatay?
Pagkakaisang ikinakaway, kabayanihang iwinagayway
Sa pakikipagkaibigan ko sa kamalayan, natagpuan ko ang mga kaaway
May dugo sa ginto, may luha sa salapi, diyos lang ang karamay
Mga vandal sa dingding, hinaing sa salamin, karapatang lantay-lantay
Nasaan ang pag-ibig? Nasaan ang saysay? Ako pa ba ay may buhay?
May saysay ba na ipaglaban ang karapatan, mga dukha ay iakay?
Minsan kasi kaya naaapi, sila ay nagpapauto, sa byaheng impyerno sumasabay
Sarili nilang libingan na sila din ang naghuhukay
Mahirap tulungan ang tao kung sa pagbabago ay walang malay.
May dugo sa mainit na kape, puro hangin at amag ang tinapay
Lalo pang humihirap ang mga mahihirap, nagugulantay
Bakit may zyanide ang mga gulay at tumutulo sa ating laway
Bakit sa ilalim ng kama ni inang reyna ay may kalansay?

3 comments:

Anonymous said...

may saysay---

malalim---

minsan nakakapagtaka kung bakit ganyan na laman ng utak mo---

-546

Anonymous said...

a friend told me about this blog. napag-usapan kasi namin yung guy na nagsulat ng poem nung pers yir kami. "torpe" title nun...........

i can see how much u improved when it comes to literary writing.. ......

keep it up.

-ur former fan na naging aircon-

Anonymous said...

naku vernice! huwag mong pasanin ang problemang dapat sana'y iniisip ng bawat pilipino. hindi rin makakatulong kung ibabato mo ang sisi sa mga mamamayang minanhid ng kumakalam na sikmura at kamangmangan.

ipukol ang bato sa ulo ng mga dagang nagkatawang tao.