August 15, 2008

Kitil

Pinagpaguran mong kalayaan ay kanilang nilustay

Pinaghirapan mong ani ay kanilang inangkin

Walang habas na pinahihirapan ang mga maralita

Kaya patuloy na umiigting ang madugong digma.

Kinidnap nila si Urbana, pitong buwan siyang ikinulong

Maraming beses sinaktan, pinagkait ang kalayaan

Ginutom, pinipilit umamin sa hindi ginawang kasalanan

Tinutukan ng baril sa ulo, pinagsamantalahan

May bala sa kanyang puso, may utang kang dugo

Sa bawat bigwas, maraming naiwang bakas

Sa bawat buhay na kinitil naisip mo ba ang iyong anak?

Matatagpuan ang kahulugan ng buhay sa mga dugong dumanak

Sino ang tunay na kriminal? Nasaan ang hustisya?

Ikaw ba ang Diyos para kumitil ng buhay ng maralita?

May karapatang pantao pa nga ba? Minulto ka na ba nila?

Kung gayon, paanong sa gabi ba ay nakakatulog ka pa?

Patay na ang tatay mo, patay na ang kuya mo

Patay na ang nanay mo, patay na ang ate mo

Patay na ang bunso mong kapatid, patay na ang kaibigan mo

Patay na ang pastor mo, patay na ang guro mo

Subalit patuloy na naglalagablab ang pag-asa

Taong bayan ay lalaban, magpapatuloy ang digmaan

Maraming handang mahiga sa malamig na himlayan

Makamit lang ng taong bayan ang inaasam na totoong kalayaan.

3 comments:

Anonymous said...

i can feel the rage.

matapang ka.

ilang pinoy pa ba ang palihim na papatayin?

Anonymous said...

mabuhay si vernice! iboto para presidente hahaha

Anonymous said...

mabuhay si vernice! iboto para presidente hahaha