Subalit ayon sa Bayan Muna Southern Tagalog ito ang ginagamit na lugar upang maglubid ng estadistika at itago ang tunay na kalagayan ng mahirap na sambayanan.
Narito ang ilan sa mga eksena na naganap sa SONA ST.
Taimtim na nakikinig, taimtim na nagliliyab.
Hindi mo ba napapansin? o hindi ka lang mulat?

may bangkay na naman ulit ng aktibista na nakahandusay sa pilapil.

kanilang isipan ay mga hilaw pa, subalit malupit na karanasan ay natamasa na.

Na malapit nang pumutok sa kaibuturan ng mga utak dahil sa pagsasamantala.

gusto lang nilang madama ang sarap sa pagiging buhay, na nararamdaman na lang nila sa pamamaraang pag-ibig sa bayan...
*I am still digesting the SONA of Pres. Gloria Arroyo.. ayoko munang magcomment about dun. Sana pati yung boses ng masa bigyan ng pansin ng maraming Pilipino...kung mabibigyan lang sana natin ng pagkakataon. Sana ay marunong ka ding umibig (hindi self centered love or pag-ibig sa syota mong makitid ang utak ang tinutukoy).
Peace Pilipinas!
Peace Pilipinas!
1 comment:
congrats sa ating lahat, lalo na sa mga taga ST para sa naging matagumpay na pagkilos at paglahok sa sona ng bayan. sana hindi tayo tumigil sa paglilingkod sa masang api.
Papuri sa Kalayaan - ito ang kanta ko para sa naging pagkilos..STP mga kasama..=)
Post a Comment