I have so much to share about pop culture and its politics, dahil sa araw-araw na ginawa naman ng Diyos ay laging may relevance ang anumang tungkol dito. Pero makakagawa na ata ako ng thesis kung ilalagay ko lahat ng gusto ko, kaya si Nora Aunor na lang ang ikkwento pero hindi chismis. My professor assigned my group to do a presentation about the cultural politics and social deconstruction of Nora Aunor. Pero una sa lahat, kelanman ay hindi ako naging interesado kay superstar, dahil unang una e hindi ko naman sya kapanahunan, hindi rin ako interesado sa mga artista (pero i have nothing against them), mas interesado pa ko sa mga kongresistang hayok sa pork barrel at mga propesor na weird, tsaka hindi ako ganun ka-appreciative sa movies at sa halos 200 na pelikula ni Ate Guy ay 3 lang ang napanood ko. Yung may mga linyang: “Walang himala!”, “My brother is not a pig!” at “I did not kill anybody!”. Ngayon ko lang rin nalaman na si Ishmael Bernal pala nagdirek ng “Himala” kaya pala ganon ito ka-hit, it even went international.
BOOK AND BAND HUNTING
Pumunta ko sa UP-Diliman, hiniram ko sa Main Lib yung librong “Si Nora Aunor sa mga Noranians”, “Bonifacio’s Bolo” ni Ambeth Ocampo at “Nora Aunor and other Profiles” ni Nick Joaquin. Sinubukan ko ring hanapin kasama ang groupmate ko yung Nora Aunor Band na sinasabi ni Vern (loko talaga to), so we interviewed UP Underground Music Community tsaka yung Music Circle, di raw nila ka-org yung band na yon at wala silang idea tungkol dito. Dapat pala sa Film Institute kami pumunta, dun maraming info. Nag-isaw na lang kami at nag-YB.
NAFClub
Anyway, I had the connection and sent a message to the Nora Aunor Fans Club which is actually the name of the band, mas kilala na NAFClub, mga Cabalen pala sila. I asked them kung ano ang influence na naibigay sa kanila ni Ate Guy as individuals and as a band. I received a reply from the drummer and bassist, ang pinaka-point nila – ginamit nila ang pangalan ni Nora Aunor sa name ng band nila dahil...nais i-please ng vocalist nila yung mga tita ng girl na nililigawan nya, ayaw kasi nung mga tita kay vocalist (alam nyo naman yung porma at ichura ng mga hardcore rakista, haha). E solid Noranians daw yung mga tita tapos naisip nila na baka matanggap at magustuhan na si vocalist kung medyo sisipsip sila sa band name. Kahit hindi naman talaga sila fans ni Nora Aunor, for love’s sake. Kaya..the vocalist ended up - dumped. Pero, still, influential pa rin si Ate Guy sa kanila kahit saang anggulo mo tingnan dahil para lang magustuhan at matanggap sya ng pamilya ng babae eh ginamit nila yung pangalan ni Nora sa banda nila. The vocalist even admitted na naging musical influence nya na rin si Ate Guy, aside from Pantera, The Doors, Audioslave, etc.
ON OTHER NORANIANS
Institusyon na talaga si Ate Guy, kung mababasa nyo yung testimonial ng fans, maloloka talaga kayo kung gaano sila kafanatic at devoted kay Nora Aunor. Meron dun na nanilbihan bilang yaya ni Matet para lang araw-araw na makita si Nora, merong mga nagrally noong mga panahon na masasamang balita sa magasin at dyaryo ang lumalabas tungkol kay Ate Guy, napakarami ring napaaway na Noranians sa mga Vilmanians. Para sa Noranians, si Ate Guy na raw ang buhay nila.
SUPERSTAR POLITICS
Si Superstar. Lumabas siya sa tv noong mga panahon na mga mestiza pa ang sikat at mas “in” at bilang kayumanggi ay nag-stand out si Ate Guy mula sa mga to. Likas na talentado rin naman sya, magaling kumanta at kung umarte e talagang nakakadala . Ayon din sa mga fans, nagustuhan nila si Nora dahil nakakarelate sila dito, at nakakita sila ng pag-asa dahil mula sa kahirapan at dating pagtitinda ng ice tubig ay nakaahon si Ate Guy, sa mata ng ordinaryong Pilipino, ang pagtingin dito ay pagbangon mula sa mababang katayuan nila sa lipunan. Maraming nagkaroon ng ideya na baka mula sa simpleng pagtitinda nila ng yosi, mula sa pagtitinda ng mani , paglalabanera at pagbabarker sa mga jeep e bigla rin silang magtagumpay at hindi na manatiling api-apihan.. Sa huli, lagi’t lagi, nandyan yung contradiction of classes, yung social stratification dito sa Pilipinas.
SUPERSTAR POLITICS
Si Superstar. Lumabas siya sa tv noong mga panahon na mga mestiza pa ang sikat at mas “in” at bilang kayumanggi ay nag-stand out si Ate Guy mula sa mga to. Likas na talentado rin naman sya, magaling kumanta at kung umarte e talagang nakakadala . Ayon din sa mga fans, nagustuhan nila si Nora dahil nakakarelate sila dito, at nakakita sila ng pag-asa dahil mula sa kahirapan at dating pagtitinda ng ice tubig ay nakaahon si Ate Guy, sa mata ng ordinaryong Pilipino, ang pagtingin dito ay pagbangon mula sa mababang katayuan nila sa lipunan. Maraming nagkaroon ng ideya na baka mula sa simpleng pagtitinda nila ng yosi, mula sa pagtitinda ng mani , paglalabanera at pagbabarker sa mga jeep e bigla rin silang magtagumpay at hindi na manatiling api-apihan.. Sa huli, lagi’t lagi, nandyan yung contradiction of classes, yung social stratification dito sa Pilipinas.
Ms
Madalas, hindi natin pinapalalim ang anuman na tungkol sa pop culture at kung ano yung mga napapanood at nababasa natin, eh sa katunayan, dyan pa nga tayo makakakuha ng ibang sagot tungkol sa mga tanong na may kaugnayan sa lipunan at sa pananaig ng isang uri laban sa isa pa, dyan makikita kung paano ginagamit ng mga kapitalista ang sining at panitikan para mapanatili yung pagkadominante nila, kaya tulad nga ng sinasabi sa school: Magmasid. Mag-aral. Maglingkod. Makibaka (Sori ha pero sa bawat post ko kasi di ko maiwasang na hindi gumamit ng mga terms na natutunan ko sa class ko about Marx, Mao and Lenin, kaya militante man pakinggan, wala na kayong magagawa haha.)
1 comment:
--
hakhak
noranians pla ah
hakhak
elyens
XXXxx
Post a Comment