January 13, 2008

INFLUENCIA INNOCENCIA

INFLUENCIA OF INNOCENCIA

The child in the photo: Ganang - my goddaughter.
Photo by: VeRnMeRcado - summer of 2007
Photo was also published in Christian Chronicle's book - Incognito


Ito ay isinulat ng minsan ay umarte at napagtripan kong maging isang inosente. . .

Ano ang pakiramdam maging isang bata? Maliit pa lamang ang iyong mundo. Mababaw ang iyong mga iniisip at problema. Matatagpuan na ang iyong simpleng ligaya sa simpleng paglalaro lamang sa ulan. Ang iyong mga ngiti ang pinakamasarap pakinggan sa mundo sapagkat walang bahid ng kalungkutan ang iyong mga mata. Wala kang pakialam kung madungis ka sa harap ng mga tao. Ang laman lang ng isip mo ay ang iyong mga ikaliligaya. Mangmang ka pa sa totoong nangyayari sa mundo kaya nagagawa mo pang matulog ng mahimbing sa bawat gabi. Ang iyong alak at pagkain ay ang pagmamahal ng iyong magulang, nakakalasing at lagi kang busog. At sa kanilang pag-aaruga ay duduyan ka sa pagkaugoy sabay makakatulog sa kanilang mga balikat. Ito yung parang may kaluluwang dumadaloy sa tubig ng iyong mga panaginip. Hindi ka pa bangungungutin gaya ng matatanda na nakaranas ng kadiliman ng mundo. Payapa pa ang bawat gising mo at mapapangiti ka sa magandang sikat ng araw. Napakasarap ng pakiramdam. Napakasarap maging bata. Maniniwala ka sa malalim na pag-ibig, aasa ka sa lampas langit na pangarap, maniniwala ka sa karilagan, ito yung wala ka pang gaanong galos at sugat na likha ng karanasan, maniniwala ka sa mga pinaniniwalaan ng isang inosente at maraming pangarap, ito yung pagiging maliit gaya ng mga ibon na naririnig ang himig ng kagubatan sa kanilang munting mga tenga, ito yung pakiramdam mo ay may anghel na nagbabantay sa iyong paglalakbay sa karanasan. Ito ay pagiging bida sa iyong sariling pantasya at ang kontra bida ay ang iyong magulang na patitigilin ka sa paglalaro sapagkat oras na daw para matulog kasi nga gabing-gabi na.

Sabi nga ni Ambrose Bierce:
Childhood: The period of human life intermediate between the idiocy of infancy and the folly of youth -- two removes from the sin of manhood and three from the remorse of age.

Ang sining ay hindi malilikha kung walang karanasang maging bata. Ang buhay ay hindi magiging masaya kung hindi mo naranasan ang talagang maging bata. Marami ang tumatandang nananatiling bata. Ito ang pagpili sa paglago bilang tao keysa pagtanda at pagkalimot sa kaligayahang mabuhay. Ang kasiyahan kasi ay pinipili. Nasa iyong mga kamay ang iyong pag-abot sa kaligayahan.
Masaya ang maging inosente kung kasabay nito ang pakikipaglaro sa kasalanan. Gaya ng isang bagong pisang itlog ay inosente tayo. Hindi ka makakaramdam ng sakit, galit, pagkainggit, pagsisisi, o kahit ano pa mang kamunduhan kung inosente ka at isa ka pa ring batang paslit.

"The problems that exist in the world today cannot be solved by the level of thinking that created them." -Albert Einstein

"People who shut their eyes to reality simply invite their own destruction, and anyone who insists on remaining in a state of innocence long after that innocence is dead turns himself into a monster. -James Baldwin (1924-1987) African-American writer.

Ako man ay maglalakbay, ako man ay magpapakalayo upang matagpuan ang tunay kong ligaya, ako pa rin ay uuwi sapagkat tao lamang ang tanging nilalang sa mundo na pinapayagang umuwi sa kaniyang pinagmulan upang maging tunay na masaya at upang aliwin ang sarili sa karansang mabuhay bilang isang bata.

Inosente ako. Inosente ka. Wala akong alam,wala akong pakialam, wala akong karanasan, wala akong sinabi, wala akong sinulat at wala kang nabasa.

5 comments:

Arianne said...

Ganang, ang cute cute mo. i wanna see you..napapangiti ako pag naiisip ko yung ichura mo. sana lumaki kang bibo! =)

Gatsulat said...

xempre.. magmamana yan saken :D

k a c e y said...

masaya taLaga maging bata .LaLo na kapag ksing cute ng pamangkin mo .naguLat Lng ako .sa pronoun na *she* .xnxa na .hindi ko ksi kagad narecognize .^___^ pero infareness .mas cute sya sayo .hahaha .at tutoL ako na mana sya sayo .XP

Gatsulat said...

babae kaya xa. :D

Anonymous said...

mana po sayo??? wah no comment~_^ hihi