January 5, 2008

BALIK TANAW


Fireworks. Noel. Nimfa. Sofia. Camera. Phone. Mga kasama ko 'yan sa umpisa ng taong 2k7. At sila din ang nakasama ko sa pagtatapos nito. Isang taon na naman ang nakalipas (sigh). Ang bilis.

Parang last year lang...

Umiyak ako dahil...
  • sa sobrang pagod, lalo na 'pag academic matters. (earbleed kasi. huhu.)
  • sa movies (excuse me. hindi one more chance yan), songs (eew.)
  • na-hurt (huhu.) ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. pangngalan? oo!
  • nakakita ako na dugo. semi-hemophobic beybeh.
  • sa sobrang tawa. (mwahaha!)
  • sa sobrang tuwa. (uhh...)
  • wala lang. affected masyado sa mga bagay-bagay sa paligid.
Napasaya ako ng...
  • pagdating ni ama. woo. i miss him.
  • mama and sm. yehey.
  • corny jokes mula sa mga corny kong friends
  • fireworks! (pyrolympics. super ganda! mapapa-wow ka!)
  • mga bata noong nag-LTS2 kami. yehey.
  • reunion ng einstein (aww.)
  • waywanel! i love 'em. super.
  • ysers (knock, knock?)
  • housemates kong sina wati, jona, abi, nira, melo. (linis na tayo!)
  • mga super tagal ko ng friends. love ko kayo.
  • kakulitan (harshness) ni sir dulds (chocolates, DS Lite, picture-picture)
  • ICAS, ICS teachers at ang pagbangon muli ng career ko... ang pagsasayaw.
  • moon. I am the priestess of the moon. (ang relaxing tingnan ng buwan. hai.)
  • toshi beybeh ko. kasama ko sa lahat... mula Java hanggang Dota.
  • pagbabati ng mga tao sa paligid ko. yehey.
  • Lord. super. everyday. everything.

Halata naman siguro na super fulfilling ang year na ito. Mas maraming masasayang bagay na nangyari kaysa sa malulungkot. Maybe it's because I chose to be happy despite of every “not-so-good situations” that happened to me. Easy to do? Definitely not. Hindi talaga madali. Marami kang kakailanganin: panahon, mga kaibigan, library, freedom park, kumot, camera (for documentation. lol.), spa, earrings, minesweeper, etc... (random thoughts). At syempre ikaw. Yes, you. Tapos OK na. Ngak.

I learned to appreciate and love those people who never leave me on my “sad hair days”. Sabi nga, “a friend in need is a friend indeed.” (sa hangaroo ko nakita kanina. Haha.) Dito mo makikilala ang mga taong nagmamahal sa'yo ng sobra at sa mga panahong ito mo rin sila mamahalin ng sobra.

I also learned to share my happiness. Late this year lang 'yan. Lahat na ata na-share ko. Mula sa Maxx Cherry hanggang sa apartment. Syempre 'di mawawala ang mga corny jokes at knock, knock (thanks Tinpot for sharing). Happiness lahat 'yan. And I share them with the people I love. When you share, you invite more happiness in you. Oo, masaya magshare ng maraming bagay. 'Wag lang toothbrush. Eew.

Siguro hindi ako nagpakalbo na dati ko pang plano pero masasabi kong iba ang taon na 'yun. Mali pala. Natuto ako ng maraming bagay sa taong 'yon. O come on, no need to elaborate. Haha. Sana kayo rin. Sana may makabuluhang nangyari sa buhay niyo sa taong '07. Sayang naman ang 365 ¼ days kung wala. Kung wala masyado, bawi tayo sa 2008 (i love 8. wii. I love wii.). Kung marami naman, explore pa. Yehey.

So much for my first. Thanks Vern (beybeh Vern) and Arianne (ui, Spring Waltz! Haha.) for introducing me to Gatsulat. I love it here. Waw. Welcome Lorena! (witwiw!)

And may our dreams come true...
'Til next post.
ABC.☺


GATSULAT welcomes

1 comment:

Felix said...

You guys are doing a great job, keep it up! You can also try to start your own blog. Welcome to Blogosphere!