Rat.
Mouse.
Dagang bukid.
Dagang bahay.
Dagang kosta (‘yung kulay puti at at pula ang mata? ‘yun bay un? =p).
Genus Rattus.
Nabasa ko sa isang magazine dati ang isang feature tungkol sa daga bilang isang hayop na bahagi ng zodiac. Ilan sa mga katangian nito ang pagiging matalino, mahusay sa pamumuno at pakikisalamuha. Ilan naman sa mga kahinaan nito ang pagkakaroon ng masyadong pagtiwala sa sarili at hindi paghingi o pagpansin sa maaaring mas magandang ideya at opinyon ng iba.
************************************************************************
Naaalala mo pa ba ang ETO Rangers?
Pinalabas ito sa Pilipinas nung grade 3 ako. 1998? Basta ‘yun. Tuwing alas tres o alas tres y medya ng hapon sa channel 5. Magkasunod ‘yun ng Slam Dunk.
Ito ay tungkol sa labindalawang hayop ng zodiac. Inaayos nila ang mga iba’t-ibang kwentong pambata na pilit namang iniiba ng mga kalaban nilang mga pusa. I bet alam ko bakit. Hindi kasi sinama ang pusa sa Zodiac. Kaya bitter sila. Kapag nilalaro namin yun dati ako lagi ‘yung character ng aso. HeheHe. Arf.
‘Yung leader dun. Daga rin. Si Bakemaru. Powell sa tagalized version. Ang layo no?
Nakakatuwang isipin na daga pa ang unang hayop sa Zodiac. Siya naman yata ang pinakamaliit. Pero siya ang tinuturing na pinuno.
Dumaan sa aking isipan ang mga dagang nakilala ko. Na baka kilala mo rin.
Si Mickey (at si Minnie). Si Doding Daga (B1 at B2 – pinakamalaking daga nakita ko). Si Jerry (Tom and Jerry). Si Ratrap (Transformers: Beast Wars). Tska yung mga dagang nakita ko sa movies. ‘Yung daga sa movie na ‘Mouse Hunt’. ‘Yung tatlong daga sa ‘Babe’ (ang ku-cute nila kumanta!). At mawawala ba naman si Rémy ng Ratatouille.
************************************************************************
May daga-daga ka ba sa braso? Ako wala. Sana ngayong bagong taon meron. Sa braso lang ha? Hindi ko ma-imagine ang may daga sa sikmura. Sa lungs. Sa utak.
Dinadaga ka ba ngayon? Dinadaga sa dibdib? Ako oo. Kinakabahan. Pero excited ang kaba. Di na nga ako makatulog ehH. Magpapaalam sa lumipas na taon kasama ng mga taong mahal ko. Bumabati sa bagong taon kasama rin nila. What’s in store for us this year? Lalakas pa ang piso? Dadaming bigas? Daming mahuhukay na oil wells? Ga-graduate ang ilang ka-tropa? Champion sa pa-Liga sa summer? Magiging global ang gatsulat!? (Parehas G yun ah?).
Sana maging maayos tayong lahat ngayong 20o8. Pero 'wag naman sanang mag-umapaw ng daga ang mga bahay natin.
God Bless sa ating lahat ngayong Bagong Taon! For LOVE and PEACE.¤
1 comment:
yung mga daga sa Cinderalla hindi kasama? haha.. magagaling yun ah. Ang totoo nyan nag-aral pa sila ng Clothing Technogly sa Unibersida ng Pilipinas. haha. korni!
P.S.
oo naaalala ko pa yung eto rangers. pinilit pa nga hanapin ng kapatid ko yung theme song nun eh..
^__^
Post a Comment