August 26, 2009

Vote

Malapit na ang eleksyon. Nagkalat na ang political ads at infomercials kahit na hindi pa official ang mga kandidato. Anyways, marahil para sa iba ay hindi malalim ang kahulugan ng salitang "vote" o boto. Mababaw nga naman ang pag-eensayo ng iyong karapatang bumuto at magluklok ng taong karapatdapat. Hindi nga naman importante ang demokrasya at kalayaang mamili ng taong gagawin nating mga pinuno ng bansa. Minsan ay maikukumpara sa Korean hitsong na Nobody ng Wondergirls ang eleksyon, sinasayaw mo pero di mo naiintindihan. Napapanahon at uso pero hindi mo alam ang malalim na dahilan.

Narito ang ilan sa mga rason kung bakit ayaw bumoto ng ibang Pilipino:
  1. Kulang ang panghihikayat na magparehistro at bumuto pero may "sipagattyaga, wagkayongmatakot lalabantayo, politicalwill, punobunga, maypagahonmaybukaspa atbp." Naniniwala akong "A great leader is a teacher not a businessman." Kaya sana ay mas maraming patalastas na patungkol sa tamang pagboto at kung sino dapat ang iboto. Teka sino ang mgssponsor ng patalastas na yun? Arthro!! Kaya mo pa palang tumakbo.
  2. Walang lagay. Parang bayad muna bago bumaba ng jeep. Bayad muna bago boto.
  3. Sayang ang oras kasi may mga dayaan na naman. Ano na nga ba kasi ang nangari sa isyung dayaan noong eleksyon? Hello? Naging maalikabok na at napanday na ng panahon ang pandaraya ng nakaraang eleksyon. Hellloooo! Minsan din boboto ka pa lang pero sabi sa voter's list ay nakaboto ka na? Astig! Pare, may split personality ka?
  4. Mas masarap ang buhay na makasarili at walang pakialam. Ang isa mo nga namang boto ay walang halaga. Boboto naman sila, edi sila na lang. Napakatalino!!!
  5. Ayaw nating matalo. Bakit mananalo ba yung iboboto ko?
  6. Imoral ang bumoto. Kampon daw kasi ni Satanas ang ilan sa mga kandidato. May sugarol, may negosyanteng mukhang pera, may manggagamit ng kapwa, may berdugo at kurakot ang karamihan sa kanila.
  7. Mainit sa election venue. May anghit ang makakasabay ko sa pagboto at siksikan sa pila.
  8. Hindi naman kakandito si Hyden Kho at si Willie Revillame.

1 comment:

Anonymous said...

LOL! i will still vote..atleast i did my part..wisely did my part.