Kailangan ko ng valid I.D. Expired na kasi ang school I.D. ko kasi nga hindi na naman ako estudyante. Sinubukan kong kunin ang Voter's I.D. subalit hindi pa daw ito naiimprenta at walang matinong rason akong narinig sa mga tauhan ng munisipyo na may koneksyon sa COMELEC nang kausapin ko sila. Malapit na kasi yata ang eleksyon kaya mabilis ang proseso ng pagrehistro at pag-imprenta ng ID. Astig! Wala akong ibang pagpipilian kundi ang kumuha ng Postal I.D.
Narito ang iyong kailangan sa tuwing kukuha ng Postal ID:
1. Barangay Clearance
2. Cedula (Residence Certificate)
3. Pansuportang Dokumento
5. 2 piraso ng Pasaporteng larawan na may puting
6. Aplikasyon na certified ng Punong Barangay
Narito ang halimbawa ng Application Form for Postal ID
Matapos kong makumpleto ang mga requirements ay dagli ko itong sinumite sa Postal Office. Mabilis naman ang proseso at wala pang 30 minuto ay tapos na agad ito. Medyo old school nga lang sapagkat typewriter ang gamit sa pag-imprenta ng aking personal na informasyon. Sumablay lang sa pagkakabaybay o ispel ng "Village". Naging "B" ang "V" kaya "Billage" ang nakalagay sa aking ID. Pinabago ko ito, ok naman sa kanila na baguhin (dapat lang!). Nabasa ko sa Application form na kailangan kong magbayad ng Php 175.00. Buong Php 500.00 ang inabot ko sa lalaking nag-ayos ng aking ID. Nagulat ako ng biglang...
Postal Officer: (nakangiti) heto po ang sukli serrr.
Ako: Bakit 270 pesos lang to'? (mahinahon kong sinambit)
Postal Officer: 320 pesos fo ser ang postal ID..
Ako: Huh?! 175 pesos ang fee sabi sa Application form (humingi ako ng isa pang application form at nagtaka sapagkat parehas ng form number ang form number ng ipinasa kong form. Nasa itaas ang tinutukoy kong form)
..lumipas ang ilang segundo at tila yata naging hangin ang kausap ko.
Ako: Diba 175 pesos lang? Pahingi po ng resibo. (medyo napikon ako at lumakas ang boses, napatingin sa akin ang ilan sa opisyales ng munisipyo)
Postal Officer: NJBGFTRD atorneh..SEDRFHJJNGNBV kapag resibo CGVBYHNJ wala talagang ganun SDFGHCTVUB...!@#$%^&*( (hindi ko kasi naintindihan ang paliwanag nya sa akin)
Ako: Huh?!
Napansin kong masama na ang tingin sa akin ng ilan sa nakarinig ng aming usapan. Nagpasalamat ako sa kanya na medyo sarcastic sabay ngiti. Sinubukan kong kunin ang kaniyang pangalan subalit bigla niya akong tinalikuran. Pagsilip ko rin sa kanilang opisina ay nakatingin sa akin ang mga opisyales habang nagbubulungan. Umalis na lamang ako sapagkat may iba pa akong pupuntahan at late na din ako.
*Naisip kong magtanong at magreklamo sa nakatataas na opisyal ng munisipyo subalit nagdalawang isip ako. Nawalan na din kasi ako ng tiwala sa mga tauhan ng munisipyo. Malay ko ba kung tropa din niya ang makausap ko. Ipagpapatuloy ko na lang ang pag-iimbestiga sa mga susunod na araw.
*Hindi ko direktang sinasabi na may nangyayaring korapsyon pero kayo na ang bahalang humusga. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit hindi sila nagbibigay ng resibo at kung bakit ang Php 175.00 ay naging Php 320.00.
Narito ang iyong kailangan sa tuwing kukuha ng Postal ID:
1. Barangay Clearance
2. Cedula (Residence Certificate)
3. Pansuportang Dokumento
- Sertifiko ng Kapanganakan (NSO Authentication)
- Sertifiko ng Pagpapakasal (kung may asawa) (NSO Authentication)
5. 2 piraso ng Pasaporteng larawan na may puting
6. Aplikasyon na certified ng Punong Barangay
Narito ang halimbawa ng Application Form for Postal ID

Postal Officer: (nakangiti) heto po ang sukli serrr.
Ako: Bakit 270 pesos lang to'? (mahinahon kong sinambit)
Postal Officer: 320 pesos fo ser ang postal ID..
Ako: Huh?! 175 pesos ang fee sabi sa Application form (humingi ako ng isa pang application form at nagtaka sapagkat parehas ng form number ang form number ng ipinasa kong form. Nasa itaas ang tinutukoy kong form)
..lumipas ang ilang segundo at tila yata naging hangin ang kausap ko.
Ako: Diba 175 pesos lang? Pahingi po ng resibo. (medyo napikon ako at lumakas ang boses, napatingin sa akin ang ilan sa opisyales ng munisipyo)
Postal Officer: NJBGFTRD atorneh..SEDRFHJJNGNBV kapag resibo CGVBYHNJ wala talagang ganun SDFGHCTVUB...!@#$%^&*( (hindi ko kasi naintindihan ang paliwanag nya sa akin)
Ako: Huh?!
Napansin kong masama na ang tingin sa akin ng ilan sa nakarinig ng aming usapan. Nagpasalamat ako sa kanya na medyo sarcastic sabay ngiti. Sinubukan kong kunin ang kaniyang pangalan subalit bigla niya akong tinalikuran. Pagsilip ko rin sa kanilang opisina ay nakatingin sa akin ang mga opisyales habang nagbubulungan. Umalis na lamang ako sapagkat may iba pa akong pupuntahan at late na din ako.
*Naisip kong magtanong at magreklamo sa nakatataas na opisyal ng munisipyo subalit nagdalawang isip ako. Nawalan na din kasi ako ng tiwala sa mga tauhan ng munisipyo. Malay ko ba kung tropa din niya ang makausap ko. Ipagpapatuloy ko na lang ang pag-iimbestiga sa mga susunod na araw.
*Hindi ko direktang sinasabi na may nangyayaring korapsyon pero kayo na ang bahalang humusga. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit hindi sila nagbibigay ng resibo at kung bakit ang Php 175.00 ay naging Php 320.00.
9 comments:
I got mine for free handarahoo!
how?
ganyan talaga pag goverment..............
So... lugi ka ng 145. Kapag 10 tao ang nagbayad sa kanila, kita sila 1,450. kapag 100, kita sila 14,500. kapag 1000, kita sila 145,000. Kapag 10,000, kita sila 1.45 milyon!!! Grrrabe talaga gobyerno ito. Alam kaya ni P-noy ito?
so 320 talaga ?? kailangan ko din kasing kumuha ng postal id to open an accout sa bank ee.. ang mahal pala !!
i went to post office here in ANTIPOLO to apply for postal id...
guess wat... Php. 585.00 ang bayad!!! oh db, mas corrupt dito!
my break down naman kuno..
amount of payment for id, delivery charge, lamination, 3 copies of 2x2 pictures.. etc.
bsta lahat un my bayad!
postal id today cost P410, before P80 lng. mega overpricing!!!!!!! p-noy can you do something about it????
I had mine renewed. Fees depends on location.
fees for postal id alone
Puede na siguro P100 na overprice. bakit kaya napaka laki naman nung sa iba? Tsk-tsk! Kaya pala madami nagpapagawa na lang ng fake sa recto.
Post a Comment