February 26, 2009

Nang Ma-martial Law ang Thesis ni Johan


Maraming dagta ng pulang likido
Laging natataranta ang puyat na mundo
Naghihinagpis wakasan
Ngunit kulang ang numero sa orasan
Ilang hakbang pa papunta sa hantungan
Madalas bumubulong ang porsigidong konsensya
Naaglalaro sa karneng nasa loob ng bungo
"Kaya mo yan" ang sabi nila
Subalit hindi masabi sa sarili ang pudpod na kataga
Tandaan ang kahihinatnan ng pagsuko
Balikan ang pinagmulan kung bakit ka nga ba nariyan
...Kaya mo yan Johan!

2 comments:

Arianne said...

WAH VIOLENT REACTION!

bat pinost mo to? pag natapos ko yang thesis na yan, kala mo!

Anonymous said...

yung thesis ko parang na-martial law din pero mas malala to. kaya mo yan!