January 22, 2009

Happy Birthday Ms. Johan!

Marahil ay magtataka ka kung bakit "happy birthday"
tapos parang "lungkot effect" itong picture.
Magtaka ka lang, di ko sasabihin ang rason.
Oo, si Johan ang nasa larawan.
Hindi, hindi siya malungkot ngayon.


Ibang klase diba? Kasi madalas artista o sikat na kung sino ang binibida sa blogs. Dito sa Gatsulat kahit simpleng tao na may "sense" ang buhay at trip kong i-feature, i-fi-feature ko na. Si Johan ay isa sa mga manunulat ng Gatsulat at tunay kong kaibigan kahit na madalas ay puro asaran lang ang usapan namin. Siya ang nararapat na maging bagong presidente ng Pilipinas sa kadahilanang ililibre nya ko araw-araw ng delicious siomai pag nangyari yun.

Happy Birthday Ms. Johan! At dahil kaarawan niya, inintervyu ko siya tungkol sa ilang mga bagay na ewan ko lang kung may saysay.

V: Anong pakiramdam ng birthday mo tapos kasabay ito ng inauguration day ng first African-American president?
Johan: Nakakatayo ng balahibo, haha. Kanina lang kausap ko yung nagphophotocopy sa UPD, mga 70yrrs old na sya, sabi nya finally matatapos na ang racial discrimination, dun lang ako nag-agree, mahirap pa iahon ang America sa financial crisis, diba maraming minanang problema si Obama kay Bush.
---
V: Kung ikaw ang magiging presidente ng pilipinas, anong holiday ang idadagdag mo sa kalendaryo?
Johan: birthday ko syempre haha.
V: at bakit?
Johan: dahil ako ang dyos. joke lang.
---
V: Sa palagay mo anong maitutulong ng pagpapalit ni Rustom ng pangalan sa ekonomiya ng bansa?
Johan: huhuhuhuhuhuhuhuhuhu.
---
V: Kung may iluluto kang ulam, tapos ipapakain mo ito sa lahat ng mahihirap na pilipino, anong putahe ito?
Johan: bulanglang? yun.
V: why?
Johan: kasi masustansya. ay pinakbet na lang pala.
---
V: Kung may kakantahin kang song sa tapat ng kagalanggalang na si PGMA, ano yun?
Johan: Dear Mr. president o kaya KMP hymn hahaha. buhay at bukid na nga lang.
---
V: Kung mag-iinvent ka ng bagong machine, ano yun? at bakit?
Johan: Doraemon, he's a machine right? robot e. kasi mabuti syang kaibigan, pag may kelangan ka binibigay nya, pero kelangan may disiplina ka rin.
---
V: Kung may itatanong ka sa sarili mo ngayon ano yun?
Johan: Bakit ang ganda mo? haha joke. eto na lang, bakit ang tamad mo?
---
V: Define the philippines in one word.
Johan: Love. haha
---
V: Kung ipapasok ka sa Pinoy Big Brother house, sinong limang tao ang gusto mong kasama?
Johan: jose lacaba, prof.ponsaran, elsid, kheng, elaine, deya, nanay ko, ikaw, tatay ko, mga kapatid ko, tsaka mga college friends ko.
V: (sa isip-isip ko, "lima nga lang yan!")
---
V: Pano kung malaman mong lahat ng sagot mo sa mga tanong ko ay ipopost ko sa Gatsulat, anong magiging reksyon mo?
Johan: I've expected that.

V: O sige eto last question, ang over rated na tanong, pano kung may napulot kang bote na may matabang jeannie na may malaking tiyan gaya ng mga ganid na kapitalista tapos bibigyan ka raw nya ng 3 wishes, anong 3 wishes mo?
Johan: Yun na un. ung thesis tsaka makagraduate on time. Sana madurog na ang tiwaling gobyerno at sana lahat ng tao sa paligid ko ay masaya.

Happy Birthday Johan! Taas kamao.

8 comments:

Arianne said...

grabe dito, hindi ko naman inexpect na yun na yun ang ipopost, haha. anyway, thanks vern. may gift na rin ako sa birthday mo. kaso matagal pa naman yon.

Anonymous said...

WUSHU.

Anonymous said...

c johan ba c yani? arianne? uhm iisa lang ba sila? stupid question. anyway, happy birthday.

Arianne said...

oo ma-ye, iisa lang ako. ako lahat yan, haha. kalandian lang ni vern yang johan.

Gatsulat said...

buti nga johan. gusto mo ba itawag ko sayo ung hated pet name na bigay ko sau?

Arianne said...

ha? anong pet name naman yon? pero kung hate ko, wag mo sabihin dito kung ayaw mong dumanak ang dugo dito sa gatsulat.

Anonymous said...

johan, yani, arianne. ok i'll take note of that. vernice wag ka mang-away. ka lalake mong tao eh. :D

Gatsulat said...

peace. lol.