Natutunan Palatuntunan!
- Mabubusog ka pag nalipasan ka ng gutom.
- A duck's quack doesn't echo, and no one knows why.
- Nanghihina ako pag nakakita ako ng dugo(live) pero pag sa mga pelikula at pictures ay hindi.
- May martial law(human security act) na sa Pilipinas ng hindi natin namamalayan.. sabi ni Jopet.
- Tama si Trillanes sapagkat mas pinili nya ang pagbabago kaysa kay presGMA
- Ang taong lumaking makitid ay tatandang makitid.
- Mabuti pang mag-isa na lang pag masama ang loob kaysa makipag-usap at makapagsalita ng masasakit tungkol sa isang tao.
- Ang taong malakas mang-asar ay madaling mapikon.
- Ang taong sensitive na hindi sensitive sa nararamdaman ng ibang tao ay makasarili.
- Pag itinama ka ng taong maraming pagkakamali ay nagkakamali siya.
- If there's a gold, there's a gold digger.
- Kayang-kaya mo ang isang bagay kung magtitiwala ka sa iyong sarili at walang pag-aalinlangan.
- Mas marunong pang umunawa minsan ang bata kaysa sa matanda.
- Pag tumahimik ka at hindi umimik ay matataranta ang taong kasama mo.
- Ang pagkakamali ng miyembro ay pagkakamali ng pinuno pero ang pagkakamali ng pinuno ay hindi pagkakamali ng miyembro.
- Lumilipas ang mahabang panahon at pinipilit mong baguhin ang ugali sa ikabubuti ng iyong sarili subalit mamimis mo din minsan ang iyong dating sarili na negatibo.
- Kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo!
- Ang effort mo ay masasayang lang kung mga tanga at tamad ang taong katulong mo.
- Less than 10% of criminals commit about 67% of all crime.
- Inaantok na ko at may bukas pa.
(Marami akong natutunan ngayong Nov.29. Ang iba ay hindi ko na isusulat.)
1 comment:
i appreciate your efforts..! magaling! cge lang suportahan kita! khit wla akong alam sa gnitong bagay..! apir vern!
Post a Comment