November 30, 2007

PROLOGUE

Tungkol ito sa simula...

In the beginning God created the heaven and the earth. Tapos ayun!

Nagsimula sa wala darating sa wala. (parang kanta lang ni Lourd de Veyra a')

Now this is not the end. It is not even the beginning of the end. But it is, perhaps, the end of the beginning. -Churchill

We should begin it today. Today is the only real day of life for us. Today is the tomb of yesterday, the cradle of tomorrow. All our past ends in today. All our future begins in today. -William Jordan-

Karamihan ng ideya ng hinaharap ay ideya din ng nakalipas. May originality pa ba? sa Pilipinas humukay ka man ng sementadong sahig ay mahihirapan ka parin hanapin ang originality. Magaling ata sa pangongopya ang mga Pinoy. (parang proud pa ko a')

konsensya: Tama na yan' malayo na sa putukan.

Bakit nga ba Gatsulat?
Ang gat ay lingwaheng Filipino na great ang katumbas sa ingles. Ang sulat naman ay write ang katumbas sa ingles. Tinanong ko ang aking ina.

vern: Mom.. i'm making a blog. Ano po kaya ang pretty na pamagat ng blog? (haha. bading)
mom: uhmm.. cherry blossom
vern: parang bading naman. iba dapat
mom: precious jewel
vern: huh?!? kung kwaderno kaya? spelled as quaderno?
mom: ok lang.. pink apple pie na lang..
(lumipas ang 15 mins. na puro pambabaeng twitams ang blog title ang naisip ng aking ina)
vern: yung malalim dapat tsaka hindi pangkaraniwan.. parang nung panahong dekada 80' something na heroic pakingan at possitive ang aura. parang something na malapit sa writing or art.
mom: di mo sinabi agad.. Gatsulat na lang.
vern: (natameme) ano yung gatsulat? ayos a'
mom: parang great writing.. gat is great. tapos ano.. uhmm..
vern: ok ok! ok yun. gusto ko. simple lang. tama!
-end of conversation-

Pero bakit Gatsulat?
Gusto ko lang.

Tungkol saan ang nilalaman/ilalaman ng Gatsulat?
Kagaya ng apoy ang bolpen. Nakakasugat sila. Ganito ang isusulat ko..Hindi mga trahedya ngunit karamihan ay mga sugat at kasalanan. Marami akong mga ideya na nalilimutan ko sa isang umpog lamang. Mas maganda nang i-post ko na dito agad bago pa mawala na parang binaluktot na kasaysayan sa susunod na pagkakaumpog. Gaano kadalas ang pag-post?
Madalas! Kasabay ng pag-post ko ay ang pag-aaral ng mga bagay-bagay na makatutulong sa aking pag-unlad. Self study ng kahit ano sabay naaaliw ang sarili. Maswerte ang magulang ko. Sapagkat imbes na pornograpiya ang inaatupag ko sa tapat ng computer ay nag-seself study ako ng porn este ng mga informations na makapagpapataba ng utak.

Para sa magbabasa!
Sige lang basa lang! Salamat.

Expectations
I have a mommy.. i have a daddy.. what more can wish for?

Tungkol nga pala ito sa simula. Ikaw kailan ka magsisimula? Simulan mong magbago sa positibong paraan. Masaya yun promise! Marami kang pwedeng simulan. Gaya ng pagtanim ng puno. Sa PCU-Dasma maraming puno.

Ano kaya ang future ng blog na to?! May patunguhan kaya? Teka. Nagsisimula pa nga lang pala ako dami ko na agad iniisip na kung anek-anek. Ano ba ko noong bagong panganak ako? Malaki daw ulo ko gaya ng ulo ni Rizal. Pero mas matangkad naman ako kay Rizal. Maliit sya. Teka bat napunta kay Rizal? Yung paslit sa kanto mas kilala si Pacquiao kaysa kay Rizal. Epekto siguro yun ng rugby. Napansin ko patawa-tawa lang yung mga pulis na nasa tapat ng munisipyo habang nagra-rugby yung batang paslit na todo hit-hit ng rugby. Sarap! Yummy!

Magulo ang kwento at walang wakas pero may simula. Kaya nga tungkol ito sa simula at hindi tungkol sa wakas. Kailan kaya magsisimulang magkaroon ng sense ang post na ito. Sisimulan ko na. Kailan? Teka Sisimulan ko pa lang..

Copyright © 2007, GATSULAT. All Rights Reserved.

1 comment:

Anonymous said...

ok ang design. magandang panimula. adios!