October 21, 2009

Personal Blah Blah's # 1

Mahirap ipaliwanag sa isang kaibigan na mag-iiba ka ng landas na tatahakin. Pag nakaharap mo sya mabablanko ang utak mo sa katagang dapat sambitin at pag di mo na siya kaharap, biglang magsisisi ka dahil dapat nagpaliwanag ka na nung nabigyan ka ng pagkakataon. Tila isang palad na binalabal sa mukha dahil sa pagkahiya. Nakakatamad magrason (kahit may personal na rason naman talaga kung bakit). Sana matutunan kong gamitin ang prangkang salitang "ayoko na." Yun nga lang pag tinanong na kung bakit ayaw na, mahirap sabihin ang makasariling katwiran. Medyo kahawig pa rin naman ng landas na tinatahak ng kaibigan ang landas na tatahakin ko. Magkaiba nga lang ng instrumentong gagamitin, dadaaanan at dadaluyan patungo sa nagbabagang umaga. Nawa ay pareho nating madama at makamtam ang liwanag sa apoy. Ingat sa pagkakapaso kaibigan. Nandito lang ako kung masusugatan ka. Nakataas ang kaliwa kong kamao habang dinudugtungan naten ang pinunit na kasunod na pahina at mga kabanata ng kasaysayan. Kudos sa iyo!

No comments: