September 8, 2009

Mana-mana Lang Yan'

Ang awiting Mana-mana Lang 'Yan ay nilikha ng isa sa mga pinakamahuhusay pero hindi sikat na mang-aawit at kompositor na Pilipino. Siya ay si G. Gary Granada Mahusay pero hindi sikat diba? Maraming ganung Pilipino. Hindi niya ako tagahanga at lalong hindi niya ako hiningan ng pabor na ilathala ang blog article na ito. Nataon lang na sikat ngayon si Noynoy Aquino at Mikey Arroyo, at sa tuwing maririnig ko o mapapanood ng isyu tungkol sa dalawa ay tumutugtog sa utak ko ang awiting ito. Patungkol kasi ang awit sa pagkamana ng ating ugali o personalidad sa ating magulang na nagturo sa atin ng tama at mali.
Ayon sa Theory of Inheritance na madalas na banggitin ng propesor ko sa Biology na kurso; "characteristics of one generation are derived from earlier generations". Sa serbey (survey) ng mga estudyanteng ng Japan. 96 persyento ng kanilang pag-aaral ay nagpapatunay at sang-ayon sa teoryang "blood type have much to do with personality". Kung kagaya mo ng blood type ang isa sa iyong magulang, mas marami kang mamamana sa kaniya.
Siyempre walang taong magkatulad na magkatulad kahit na kambal pa sila. At maraming paniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa pagkakamana ng ugali ng tao. Naimpluwensyahan tayo ng mga Intsik na naniniwala noon na depende sa numero, araw at mga bituin ang ugali ng tao. Ayon naman sa Bibliya; namana naten kina Adam at Eve ang pagiging makasalanan o ang kasalanan (depende sa interpretasyon mo to'). Madalas ding banggitin ng aking guro sa Bible na kurso noong high school ang Proverbs 22:6 ng Bibliya na nagsasabing "Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya ito hihiwalayan." Marami pang ibang teorya na tumatalakay sa ugali ng tao pero isa lang ang paborito ko. "Kapag kamukha ng kumpare mo ang iniluwal na sangol ng iyong asawa, pare nasalisihan ka." Lol. Sa ating mga magulang tayo unang natuto ng tama at mali kaya natural na magmana tayo sa ugali nila at mas matututo tayo habang tumatanda sa paaralan, komunidad, media at mundo. Tama si G. Garry Granada, mana-mana lang yan'.


2 comments:

Anonymous said...

biik ang anak ng baboy. lol. pgma at mikey.

Anonymous said...

mana-mana lang yan' mana mana lang yan.. kamukha ng kopya ang pinagkopyahan.. astig!