This is my fave Word of the Lourd - "Walang Silbi ang Art". Fave ko rin yung episode na "Paano kung Natalo si Pacquiao". Malamang ay hindi ito alam ng karamihan kasi GMA 7 lang at ABS CBN ang channel para sa kanila. Neto lang, tinamad akong manood ng TV at mas pinili kong libangin ang sarili ko sa "educational" use ng internet (hindi lang friendster, multiply, facebook at myspace). Nakakaasar kasi yung mga comercials ng mga payasong pulitiko sa TV. Public service ads "daw"..at ang maniwala tanga! Nakakatamad din ang mga palabas na nagpapakita ng mga kalandian gaya ng konting sulyap sa retokadong boobs, legs at tinurukan ng gamot para maging macho (anong napapala natin dun? maging malibog?!?).
May sense naman ang ibang palabas sa TV lalo na yung mga dokyu, original Filipino shows (hindi yung kopya sa ibang bansa), at balita (kahit na ang inaabangan ng karamihan ay si Pia Guanio). Suportahan natin ang orihinal na artistang Pilipino. Artistang Pilipino ang dapat laging nasa TV. Pelikulang Pilipino dapat ang nasa telebisyon. Ilang oras na kaya ng buhay mo ang nasayang sa kapapanood ng walang saysay na palabas sa TV. At namalayan mo bang naging produktibo ka sa kakapanood ng Wowowee?? Siguraduhing sa inyong pinapanood ay hindi lang kayo nakapaglibang, dapat may natutunan din kayong aral na magagamit sa buhay.
May sense pa kaya ang Parental Guidance? at kung magmura ba ako sa blog post na to at nabasa ng 17 taong gulang pababa, gagabayan kaya sila ng magulang nila at ipapaliwanag ang tama at mali? Putang Ina! Parental Guidance po. :D
No comments:
Post a Comment