Nito lang, nahilig akong makinig ng The Wuds. Na-Last song syndrome ako ng "Nakalimutan na ang Diyos" song nila. May bagong album na nilabas si Sir Bobby Balingit. Juan Isip ang pangalan ng CD at ito ay 200pesos. Mura kung ikukumpara sa ibang mga CD's ng OPM artists at sobrang mura kung ikukumpara sa mga foreign artists na nagustuhan lang ng ibang tao kasi sikat. May kanta dun tungkol sa totoong kahulugan ng pasko. Ito ay pinamagatang "Si Jesus Christ ang Pasko" at ito ay makahulugan. Mas makabuluhan pa to kaysa sa mga awiting di mo naman naiintindihan ang lyrics. Kung nababaduyan ka sa sinasabi ko marahil ay may problema ka sa pag-iisip mong kolonyal at masyadong makamundo.
Narito ang ilan sa mga linya ng kanta:
Walang colored TV
Walang refrigerator
Walang parol
Walang Christmas lights
Si Jesus Christ ang Pasko
Hindi mga regalo
Si Jesus Christ ang Pasko
Hindi damit na bago
Walang Santa Claus
Walang medyas
Walang maluto
Walang madiskarte
Walang syota...
...............................
Ok lang yang pare ko...
Si Jesus Christ ay pasko.
Kung gusto nyong pakinggan (pakinggan mo na!!!) , narito ang link -> The Wuds, Bobby Balingit
Pasensya na. Hindi ito Cueshe' song.
No comments:
Post a Comment