Hindi sapat ang luhang dumadaloy
Mula sa mga matang nag-kait ng pagtingin sa pumanaw na ulirat
Paglandasin man sa magkabilang bisig
ang dugo,
Hindi ito tatambal sa sakit na ipinabaon sa aking paglisan.
Lumuhod ka, ihingi mo ng tawad ang pagwasak
saking bukas na nangako ng tagumpay at ligaya
Itangis mo ang naninimdim kong obra,
Pati na ang lumulumang melodiya.
Awitin ang nagdaang lungkot at pighati.
. .at lisanin mo ang iyong kinalulugaran.
lasapin mo ang pait ng pagdadalamhati.
Ikaw na nagnakaw ng pag- ibig
Ikaw na umutas ng buhay.
yayakapin mo ang malamig kong katawan,
at isang siglo mong tatagayan ang bawat
alaala ng aking kamatayan.
No comments:
Post a Comment