June 6, 2008

pangungulila

- vernice, tutula muna ako, may mai-post lang. 'di ko mahagilap 'yung artistic temperament, at wala rin akong ma-extract na creative juice sa isip kong trip mag- shut down. for now, eto muna..next time na lang 'yung may sense. :p



Sa dilim ng gabi’y pilit kong pinapagluha itong panulat.
Walang mababakas na liwanag
Mula sa palalong kaligayahan
O sa piraso ng pag-asang ‘di masumpungan.
Patuloy sa paglaganap ang dilim,
At ang mahihinang buto ko’y kagyat nitong tunawin.
Hindi ang init mula sa ningas ng apoy
Ang maaaring tumambal sa lamig na namuhay sa bawat kong ngiti,
O ang mabining halik ng hangin sa humpak kong pisngi.
Mananatiling payak ang pamamaalam ng buwan.
Siphayo, para sa bawat pagniniig ng kumot at unan.
Ipikit ang mapanglaw na mga mata,
Walang mabibistayang luha.
Walang awit, walang hininga.
Pangako, walang galit akong nadarama.

5 comments:

Gatsulat said...

may sense naman.. pangako walang galit akong nadarama.. tungkol ba kay r*** to? haha! un ang nonsense.. peace.

Anonymous said...

Mukhang my sentimental undertones lahat ng mga nababasa ko ngayon ah. trend ba ito? anyway. nice verses vern!

Gatsulat said...

to iceyelo:

ma-ye owns the verses. trend daw ngayon kasi summer.. mainit. XD

b3ll3 said...

ang galing naman nito! namiss ko magsulat ng tula...

galing galing u po...

Anonymous said...

lungkot mode :'( tara kape!