June 5, 2008

blog (blag, blog or blug)


MATAPOS ang ilang minuto, araw at buwan ng pagiging dormant sa pagiging writer, ako'y magbabalik para magsulat ng mga katripan ko sa buhay. hindi ko alam kung paanong sa gitna ng super stressed kong buhay (plus ang dagan dagan kong thesis work at mala-coke-zero kong lovelife) ay nakuha ko pang makapagconceptualize ng isusulat sa blog na ito. take note, naisip ko ito habang nagtatally ako ng mga data sa microsoft excel para sa aking thesis na mas nakakaiyak gawin kesa sa mga pinakamadramang telenovela at pelikula sa pinilakang tabing at pagbabalat ng sibuyas. mapapamura ka sa sarap. peksman!

teka ano nga bang isusulat ko.

ahh oo nga pala. tungkol sa blog. oo, tungkol sa blog, higit sa kahit ano pa man. sa totoo lang ang tagal ko ng nag-iisip ng isusulat (kasi nahihiya na ko sa author ng gatsulat promise hahaha). feeling ko, kinakalawang na ang pluma ko at hindi na ko makapagisip ng magandang topic. siguro nga natabunan na ng sangkatutak na terms na pinag-aaralan ko sa nursing school at nasanay na ang aking kamay sa mga pagsusulat ng nursing abbreviations (stat, qh, EGD, OR, TAHBSO, etc) at pagbasa ng mga hyerogliphics na sulat ng mga cute na doctor sa UMC, kaya napupurol na ang utak ko. promise, hindi ko na mailipad ang utak ko gaya ng dati sa mga kaweirduhang topic na pwde kong isulat. nakakainis, nakakfrustrate. actually marami nga akong naisip kaso related ang mga ito sa health sciences, human anatomy at diseases. naawa ako sa mga readers dahil baka antukin sila sa mga topics kong nakakatamad intindihin. kaya hindi ko ito tinutuloy.

kaya isang gabi(actually ngayon yun), naisipan ng stressed kong utak na magsulat tungkol sa blog. oo, alam ko na ang blog ang sinusulatan pero wala pa kong nakita (so far, haha) na gumawa ng article tungkol dito. kaya, aun as form of stress relief, (imbes na lumaklak ako ng 2 cups of coffee or magmarathon ng naruto shippuuden), isusulat ko xa (imagine me na may sense of determination XD).

ano nga ba ang blog?
actually, ang blog ay galing sa weblog. a form of webpage wherein anyone (as in anyone kahit ung taong grasa at ung tagakuha nu ng bote't dyaryo pwede basta ba my access xa sa internet) can write and place their personal amusings, opinions, comments on social issues and anything that they can write about. a blog is a personal journal for public viewing.

there are different types of blog. these can be personal, corporate, by media type, or by genre (Source: wikipedia).

Personal:
this is your updated, online diary. it is also the most common type of blog. ito ung mga blog na parang diary mo na ipinapublish mo sa buong kalawakan para ung mga tsismosang nilalang ay maging updated sa iyo. lahat lahat ng ngyayari saiyo, inilalathala mo jan. kung baga sa cellphone parang always GM (group message) na ultimo pati pagpunta sa CR ay isinesend sa laht ng tao sa phonebook nia. ito naman, medyo hightech at mas malaki ang space para isulat ang talambuhay mo. dati sinubukan ko ring maglive journal. nung una, masaya kaso malaunan parang tinablan ako ng kahihiyan sa katawan kasi nababasa ko ung mga past na ngyari sa akin. nakaka....ewan basta.
this blog also serves as a form of communication. pwedeng interpersonal (magmessage ka sa mga readers mo), intrapersonal (kausapin mo ang sarili mo) or transpersonal (wala pa kong nakikitang blog na ganito). sentimental ang blogs actually, though sa mga readers, medyo less value xa and often taken for granted. malaking bagay ito sa mga authors. may mga readers na sumusubaybay (parang dramarama sa hapon) sa mga posts mo. and some even gained awards.

Corporate:
this is a form of blog used for business solely. this is the private type of blog. hindi ka pwedeng makiepal at makiusyoso sa mga internal affairs na pinaguusapan sa mga blogs na ito. when i say internal, talagang ung mga tao lang sa company na iyun ang nageexchange ng posts nila. pwede ring external affairs but it only tackles marketing and advertising topics. hindi pa rin ako nakaexperience or nakakita ng ganitong type ng blog.

by Media type:
media-type blogs includes vlog (a blog composed of videos only.), artblogs (parang deviantart), photoblog, sketchblog at kung anu-anu pang bagay kung saan you're blogging but not in the form of writing but instead, utilizing other forms of media. para ito sa mga tamad magsulat. yung mga tipong artists, music lovers at photogaphers na gustong magkaroon ng puwang sa world wide web.may mga blogs naman sa sama-sama, as in all-in-one alltogether. ung may text na, may video pa, may photo at arts (hulaan nu kung anu un hehe)

by genre:
this type of blog includes almost everything that has not been listed above. the genre-type blog is basically made up of posts regarding a particular topic or genre, of course. this can be a political blog (for activists at mga taong galit sa gobyerno), travel blogs (sa mga nagyayabang sa mga napuntahang nilang different spots sa mundo and also for those who are promoting a particular tourist attraction), education blogs (composed of students and teachers, pwede bang mag-E-class dito, tanong ko lang.), legal blogs(blawgs raw sabi). basta anything.

a blog has its own advantages and disadvantages. it can be therapeutic and lead you to fame. but it can also lead you straight to bars (in short kulong ka). may mga ila ila ng pasaway na bloggers ang nakasuhan dahil sa libelo, plagiarism at kung anu-anu pang mga crime na related sa mass media. kaya para sa atin na mga manunulat, kaunting ingat.
kailangan pa bang i-explain kung bakit therapeutic? a blog can make you unleash your hidden emotions and desires. laht ng mga nasa kalooblooban ng iyong puso at utak, pwede mong ilathala sa blog. kung isang araw (or gabi) umuwi ka sa inyong bahay na punong puno ng galit sa mundo or sobrang in love ka, buksan mo lang ang pc mo, access the internet and visit your blogsite. ilabas mo ang nararamdaman mo (kesa naman sa umakyat ka sa sixteen-floor na building at tumalon or iumpog ang ulo sa pader for 300 times) sa pamamagitan ng pagsusulat. or pagtatype, actually haha.

ang blog mo ang salamin ng pagkatao mo. kaya ayusin mo rin xa. un lang.

PS:
ingat lang sa masyadong pagtatype at baka magkaroon ka ng carpal tunnel syndrome.

5 comments:

Gatsulat said...

hindi ka dapat mahiya sa author ng gatsulat.. libre mo na lang xa ng siomai. cge na. haha!

anyway..idiopathic ba yung carpal tunnel syndrome? ang alam ko lang mas madalas mangyari sa mga babae yun. XD

Anonymous said...

haha ung carpal tunnel syndrome hindi idiopathic. ang mga risk factors nun ay ung mga laging gumagamit ng kanilang mga carpals (wrist) at metacarpals (mga buto sa dorsal palm) aun. haha...

tara libre kita.

Gatsulat said...

dumudugo ilong ko.. haha! carpals and metacarpals.. hahahaha

dyozah said...

haha idiopathc nga ang cause nun. pandagdag epistaxis (nosebleed), median nerve ang apektado.

haha...akin na punasan natin...XD

Anonymous said...

One again, your article is very nice