Tuwing maaalala ko kung paano eto sinasabi ng prof ko sa PI 1OO, Phil. Institution 100, (kala nyo kung ano noh???) natatawa ako.. Sa bagay may point nga naman ang author na si Ambeth Ocampo kung bakit kung ano-ano na lang connotation ang naiisip ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa subject na eto. Marahil dahil na rin sa dami ng readings, pero ayos lang yun eh, ang tanong, madali lang ba intindihin lahat? Nosebleed sa mga terms na ginagamit, ang masama pa nito malalalim na mga English jargons pa ang ginagamit..well, kamusta naman un diba? Ilang beses mo pa talaga dapat basahin bago mo maintindihan ung pinupunto ng articles.
Habang binabasa ko kagabi yung assignment reading, lumipad na naman ang diwa ko sa ibang mundo. Sa mundong ayoko na sanang balikan eh, at gusto ko na talagang kalimutan panghabambuhay. Naisip ko, ganito din kaya kahirap intindihin ang pinagdadaanan ko sa mundong iyon? Kasi kung titingnan ko, wasak na wasak na eh..to the highest power! At wala na talaga akong babalikan pa. Marahil isa na talaga akong hangal kapag pinagpilitan ko pa ang sarili ko. Minsan naiisip ko, ako kaya ang may pagkukulang kung bakit naguho ang maganda sanang hinaharap. Ewan ko pero wala naman akong pagsisisi o guilt na nararamdaman, o baka dahil na rin sa pride kaya hindi ko nararamdaman yun.. Siguro nga musmos pa ang aking kaisipan nung mga panahon na iyon, kumbaga ako’y wala pang mangmang sa mundong kinatatayuan ko, o baka dahil na rin sa takot na mawala ako sa tama dahil mag-uumpisa palang ako sa kolehiyo nung mga panahong iyon.
Basta sa tingin ko magulo talaga, hndi ko magets yung logic ng mga pangyayari tulad ng article na binabasa ko kagabi. Pero umaasa pa rin naman ako na balang-araw magiging maayos na ulet yung mundong sinasabi ko, kahit sa tingin ko malabo na talaga. Wala na talaga akong babalikan, unless may mangyaring himala.
Sana sa mga susunod na araw maging madali ng intindihin ang mga reading assignments sa PI 100, at sana rin sa mga susunod na araw hindi ko na maisipan pang bumalik sa mundong nais ko ng kalimutan sa masaya pero mapagkunwari palang kahapon. Corny man sa tingin ng iba.. can’t help it talaga eh.. :c
2 comments:
kaya mo yan gem.. tamang hapi trip paminsan minsan. kampai!
kala ko putang ina talaga. haha! dba life and works in rizal na subject to?
-red
Post a Comment