January 20, 2008

EGNAHC SI EHT YLNO TNATSNOC

EGNAHC SI EHT YLNO TNATSNOC - change is the only constant.

Mula sa obserbasyon.

1. Sa isang birthday party:

Nagmensahe ang isang kaibigan sa kanyang bestfriend na birthday celebrant.

Ehem! Ehem!
“…wish ko sana more birthdays to come at sana more blessings from God..good health na din. Friends forever..wag ka din sanang magbago blah! Blah! Blah! blah!!”

2. Nakasulat sa slambook na napulot ko sa bodega:

Dedication:
“..hi klasmeyt! Yung secret naten, wag mo pagsasabi. I hope magtagal ang ating friendship. Wag ka sanang magbabago at maging mabait ka pa din gaya pag magkasama tayo…”

3. Sa isang T.V. talk show:

Sabi ng artista sa kanyang syota na artista din:
“…message ko lang sa kanya sana he will remain the same, huwag syang magbabago at maging maayos ang kanyang career.”

4. Nakapost sa isang fansite ni Manny Pacquiao:

Fan:
“..kundi pati na rin pag-asa ang bawat Pilipino sa tagumpay mong iyon. Sana ay huwag kang magbago at palagi kang lumaban para sa karangalan ng ating bayan.”

5. Nakapost sa isang blog ni j@#$%:

“…Huwag kang magbago, manatili kang ganyan Dalangin ko sa Diyos, lagi kang ingatan…”

Ngayon ay pag-isipan mong mabuti ito!

The only constant is change” – Heraclitus

Sa Filipino: “Ang hindi lamang magbabago ay pagbabago

Hindi ko alam kung naintidihan mo ang punto ko. Napakaimposibleng hindi magbago ang isang tao. Napapangiti lang talaga ako pag may naririnig ako o nababasang mga pahayag o hiling na sana ay huwag magbago ang isang tao. Pudpod na salaysay at walang kwentang hiling kasi nga napakaimposible naman talagang matupad ang kahilingang iyon. Ang paglala at pagbubuti ay ilan sa halimbawa ng pagbabago. Ang isang tao na ikulong mo sa isang masikip na kwarto ay magbabago emotionally. Nagbabago ang isang nilalang kahit na paulit-ulit niyang ginawa ang mga pagkakamali niya - ang tawag dito ay paglala.


Magbago ka na! Ewan naten baka mamaya lang baguhin ko din itong post ko. Baka magbago din kasi ang pananaw ko.

May dalawa kang pagpipilian; positibong pagbabago at negatibong pagbabago.

Kudos!

No comments: