March 1, 2008

Mahiya Naman Kayo!

bago ako matulog..

ang text ng isang highschool friend: "yan, cguro nasa makati ka ngayon no? ingat ka, baka matangay ka, enjoy praying, magbarhopping ka after." Ewan ko, pero harsh ang reply ko sa kanya, parang may iba kasing iniimply pero sige lang.

so, akala ko walang pulitikong magsasalita sa stage, pero umakyat si Binay, sandali lang naman syang magsalita, bilang Makati mayor at UNO president, at walang kaso sakin un. umakyat si Cory na sobrang dilaw na dilaw, tapos si Erap naman, pulang pula. malakas talaga karisma nung si Erap ha, andaming fans (pero i admit, nakakastarstruck si erap, ang lapit ko pa sa stage). sabi nya kung sya nag-'understay' sa Malacanang, si Gloria daw, 'overstaying' na, haha so true. si Cory, ang liit ng boses nya, parang ipis, ang sabi nya "Gloria, bumaba ka na jan.", iba ang feeling ng marinig un ng personal, after nya sabihin un, naisip ko lang na, baligtad na ngayon,dati close allies sila ni GMA. at nako, magkatabi pa si cory at erap, dating magkaaway! haha. star na star! si J.Lo, as in Jun Lozada. maganda ung mensahe nya sa mga tao, nakakpag-alab ng damdamin.

Interfaith rally...we all know na wlang sinabi ang cbcp na they're calling for GMA's ouster, pero ung mga obispong nagsalita sa stage, "Oust Gloria!" ang sinasabi eh, anyway, sinabi naman nila na hindi nga iyon ang kabuuang stand ng cbcp. si bro.eddie villanueva, ilang ulit kaming pinasigaw ng "JESUS IS LORD! Jesus is Lord over Makati City! Jesus is Lord over MalacaƱang!". Interfaith rally...iba-ibang religion ang nagpray sa stage, ang weird talga nung ibang dasal, lost na lost ako.

ang sarap panoorin ng mga matatanda habang kumakanta sila ng "ha! inosente lang ang nagtataka!" haha, ang cool db? nakakrelate pa pala sila sa kanta ng The Wuds, ang cool tlga ng the wuds. Coffee Break Island para sa mga reggae people, i observed na maraming rallyista ang mga rasta,andaming naka-dreads eh, may koneksyon kaya un kay bob marley? ok whatever. Nag-rap ang isang Peter Parker, hindi raw pinapatugtog sa FM stations ang mga kanta nya dahil sa lyrics, mabuti pa raw si ted failon pinapatugtog to sa AM radio show nya.

akala ko ok na lahat, na walang magiging problema o gulo, pero, PNP ang sumira sa araw ko, im not stereotyping the pnp pero kung meron man akong naencounter na matinong pulis, cguro bilang lang sa isang kamay ko. 4:40am na sa oras sa screen ko. siguro kung hindi dahil sa mga PNP na yan, mga 2:30am pa lang ngayon.mangharang ba daw ng mga papunta sa rally sa may bacoor? malupit ang checkpoint nila, kaya nung pauwi ako, apat na oras ang binyahe ko pauwi. ganun ba ang tunay na demokrasya. pati ba naman helicopter ng abscbn, pinagbawalan nila lumipad sa taas para hindi mapanood ng pekeng pangulo nila na napakaraming tao, 80,000 kami dun, pero bago ko umalis, naging 85,000 kasi sumama na ung mga galing sa work na employees sa makati. corrupt na nga at mandaraya, sinungaling pa, tapos buong first family sangkot (may magandang shirt kanina na may print na "sa pilipinas, hindi lang iisa ang pamilya!"), tapos nako, ano ung freedom of speech na sinasabi nyo kung pinipigilan ng militar ang mga gustong magpakita ng pagkadismaya sa gobyerno. mahiya naman kayo.

2 comments:

Anonymous said...

top [url=http://swedeninternetcasino.com/]slots[/url] coincide the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]casinolasvegass.com[/url] unshackled no store reward at the chief [url=http://www.baywatchcasino.com/]charitable casino games
[/url].

Anonymous said...

top [url=http://www.001casino.com/]free casino[/url] coincide the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]online casino[/url] unshackled no deposit perk at the chief [url=http://www.baywatchcasino.com/]no put reward
[/url].