Ito ay hango na totoong buhay ng isang magulang na nagbebenta ng piratang PSone games...
Sa hirap ng buhay ngayon, minsan kailangan natin gumawa ng hindi maganda. Yung tipong para makaraos lang ang pamilya sa kahirapan, gumagawa ng mga illegal na bagay. Ang pagbebenta ng mga piratang PSone games ang kanyang hanap buhay. Ayon sa nabasa kong article tungkol sa pirata, may isang magulang na sumulat sa site patungkol sa pirata, siya ay nagbebenta ng mga piratang PSone games para lang makaraos ang kanyang pamilya, alam niyang mali ang kanyang pinasok na trabaho pero nandun ang pangangailangan sa pera. Siya ay may anak, 3 babae at hiwalay sa asawa. Dati-rati siya ay nagtatrabaho sa isang establishment company, nadisgrasiya siya dun at nawalan ng braso, ika nga amputee. SIYA lang talaga ang bumubuhay sa kanyang mga anak, hindi malaman kung saan pupulot ng pera, isang araw, isang kaibigan na nag-alok sa kanya ng "bagong raket", yun nga ang pagbebenta ng piratang PSone games. Wala na siyang ibang paraan kundi kinuha ang ganitong klaseng trabaho. Di nagatagal, lumakas ang kita sa pagbebenta ng piratang PSone games at inahon niya ang kanyang 3 anak na babae dahil sa pirata. Naka gawa ng isang maliit na foundation dahil sa pirata.
Sabi nga niya na "A pirate is not to be compared to a bad person, condemned by society..."
Bago siya nagtapos sa kanyang sulat, may huling kataga siya na binitawan
"What would you feel if you were in my place? You probably are even buying pirated games yourself! Don't pull the trigger if you don't have the bullet!"
Hindi ba natin masisi ang mga taong gumagawa ng illegal na bagay?
Hindi naman lahat ng tao pag gumagawa ng illegal na bagay ay masama, ang kanilang tunay na dahilan ay makaraos lang sa kahirapan.
Posted by: rohan_king2003
date: Dec. ,15 '07
source: http://www.gameops.net/search/label/letters
1 comment:
kahit naman saan may pirata..
sa dasma hi way..
sa mga malls..
sa lotus sa imus..
kahit saan nga..
baka nga pati ikaw pirata..
mahirap baguhin ang ugali ng pinoy na pagbili ng pirata. ang mahal kaya ng orig. tapos nasa kultura na ng mga pinoy ang pagkahilig sa mga peke. may mga tao ding peke. at pukeke.
ayun.. lagot kayo kay edu nga at kay bong..
reality check: hindi lang artist, publishers, inventors, or lahat ng lumikha ang talo sa piracy.. TALONG TALO ANG INDUSTRIYA. MAHIRAP BA TALAGANG INTINDIHIN YUN!!!
Post a Comment